20 - The Queen B's role

3.4K 107 4
                                    

Here is a short update for all the readers that prayed for me and for all the readers that still supports this story.

Short update lang po 2 hours ko lang po kase ginawa. Sorry.

------------

RAYVER POV

Nandito ako ngayon sa condo ko. Ilang weeks ko na din kasing hindi nabibisita tong condo ko dahil lagi akong nasa bahay.

Saturday ngayon, gusto ko sana mamasyal at sunduin si Louie pero natandaan ko na may trabaho nga pala siya ngayon, at sa unggoy na Franz pa siya nag tratrabaho. Pakiramdam ko talaga may gusto ang gag*ng Franz na yan kay Louie. Kase-- basta! Ewan!

Biglang nag ring ang cellphone ko at pagkatingin ko dito ay nakita kong tumatawag si Dad. Agad kong sinagot ang tawag

"Yes Dad?" Tanong ko

"I just want to inform you that we will have a business dinner later with our most important business partner"

"What time will the dinner be?"

"8 pm Sharp, Dont be late. Wear a formal suit and be ready"

Tatanungin ko pa sana siya kung anong meaning niya sa 'be ready' pero pinatay na niya ang tawag

Be ready? Hmm. Para saan naman? Di kaya ipapakilala niya na ako sa mga business partners niya? Pero sabi niya pag college na daw ako tsaka niya ako ipapakilala. Bahala na

Hindi ko nalang muna inintindi yun at nahiga nalang muna ako.

Timingin ako sa wrist watch ko.
4:21 PM

May 3 hours and 39 minutes pa ako. Ang galing ko sa Math noh? Ganon talaga pag Pogi

*zzzzzz*

Bigla akong naalimpungatan sa tulog ko. Nag unat unat ako. Bigla kong natandaan yung dinner kaya agad akong napatingin sa wrist watch ko

6:38 PM

Napabuntong hininga ako. Akala ko naman malapit na yung oras ng dinner.

Naligo at nag toothbrush ako at tsaka nagbihis ng pormal na damit. Tumingin ako sa salamin at tsaka ng pogi sign. Ang gwapo ko talaga. 'Di na ako nagtataka kung bakit madaming babae ang nagkakagusto sakin. Inayos ko ang style ng buhok ko para naman muka akong presentable mamaya. Pero kahit naman bagong gising palang ako muka na akong presentable eh.

Lumabas na ako sa condo ko at inilock 'to. Pagkapunta ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko

7:23 PM

Bigla akong nabuhayan ng dugo ng makita ko ang oras. Ini-start ko agad ang sasakyan at pinaandar ito. Takot ko nalang kay Dad pag na late ako.

Maya maya pa ay nakadating na ako sa bahay. Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"Manang andyan na po ba yung bisita ni Dad?" Bungad na tanong ko sa isa sa mga katulong namin ng makita ko ito.

"Wala pa naman po akong nakikitang bisita ni ser na pumasok dito"

"Sige, salamat po" tugon ko at tsaka palakad na pumunta sa dining area.

Nadatnan ko si Daddy na nakaupo at may mga pagkain na nakalatag sa lamesa.

"Goodevening Dad"

"Goodevening son. Sit here beside me"

Umupo naman ako sa tabi niya. Hindi na ako nagsalita. Ewan ko ba pero parang may kakaibang mangyayari dahil kinakabahan ako

"Oh looks like they're here" wika ni Dad. Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Dad

Nakita ko ang isang lalakeng kasing edad lang ni Dad. Siguro yung lalaking yun ay yung business partner niya. Kasama nito ang isang magandang bab-

SI VANESSA!?

Nagtataka siguro kayo kung bakit nung first day ni Vanessa ay tulira ako. Matagal ko na kase siyang kilala. Obsessed na obsessed siya sakin. Lagi niya akong tinetext ng mga sweet messages. Lagi siyang nakadikit sa akin. Minsan nga pinagkakamalan na kaming magsyota. Dati nga lagi niyang tinatakot yung mga babaeng nagkakagusto sakin, minsan pa nga inaaway nila ng mga kaibigan niya. Nagtataka nga ako dati kung sobrang tagal niyang nagkagusto sakin eh sa totoo lang napaka cold ko sakanya. Oo, Maganda, Sexy at mayaman si Vanessa pero kahit katiting wala akong naramdaman para sakanya. Umalis lang siya ng school dahil pumunta siya ng states.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon may gusto siya sakin, pero sana wala na.

Bakit siya nandito?

Balik tayo sa realidad

Naupo ang bisita ni dad sa right side ng upuan katabi nito si Vanessa. Kami naman ni Dad ay nasa left side. Ang tanging naghihiwalay lang samin ni Vanessa ay ang lamesa

"Goodevening Mr.Valeria"

"Goodevening too Mr. Sandoval"

Napatingin ako kay Vanessa at napatingin din siya sakin. Bigla siyang ngumiti. Nginitian ko nalang din siya. Umiwas agad ako ng tingin pagkangiti ko baka kung ano pang isipin nitong babaeng 'to pag nginitian ko siya ng matagal

"This is my daughter, Vanessa. She's the one I told you" sabi ni Mr. Valeria. Nakipagkamay naman si Vanessa kay Dad

"This is my son, Rayver" sabi naman ni Dad. Inilahad ni Mr Valeria ang kamay niya at agad naman ako nakipagkamay.

"I know youre both thinking why we brought you here with us" saad ni Mr Valeria. Sa totooo lang kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit kami pinapunta dito.

"Di na kami magpapaligoy-ligoy pa. You two are getting married"

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now