9 - Samahan na kita

4.6K 132 1
                                    

Louie POV

"Sa Tom's World. Pero kung ayaw niyo, okay lang" sabi ko. Baka kasi ayaw nila mag laro

"No. Okay lang sakin. Ewan ko lang kay Rayver" sabi ni Andrew

"Its fine with me" tugon ni Rayver

Nag simula na kaming maglakad papuntang tom's world. And as usual, Pinag titinginan sila ng mga babae at binabae. Yung iba nagpapansin pa. Muka tuloy akong katulong nila

Pagkadating namin sa toms world ay bumili ako ng token. Bumili din sila ng token nila.

Marami kaming nalaro. Tulad ng claw machine, tekken at shooting

"Tara dun tayo!" Sabi ko sakanila. Pumunta kami sa larong basketball

"Teka lang Louie, kanino ka nga pala sasabay mamaya sa pag-uwi?" Tanong ni Andrew

"Di ko alam. Baka mag ji-jeep nalang ulit ako" sagot ko. May natira pa naman akong pera e. Saktong sakto sa pamasahe ko pag sumakay ako ng jeep

"Hindi ka mag ji-jeep. Sasabay ka sakin" saad ni Rayver

"Sakin ka nalang sumabay" tugon naman ni Andrew

"Sakin siya sasabay" seryosong sabi ni Rayver

"Pre, hinayaan ko na nga na ikaw ang mag bayad kanina sa restaurant e. Pagbigyan mo naman akong isabay si Louie" paliwanag ni Andrew.

So si Rayver pala ang nag bayad kanina. Sabagay, hindi naman siya nag papatalo e. Gusto niya siya lagi nasusunod

Bakit ba ang big deal lagi sakanila kung kanino ako sasabay? Tsaka pati pag babayad nag aaway pa sila.

"Ganto nalang, kung sino ang mas maraming points sa basketball, Sakanya ako sasabay" sabi ko para hindi na sila mag away pa

"Deal"
"K"
Sabi nilang dalawa

Sabay silang nag hulog ng token at nag simula na silang mag laro.
Pareho silang magaling.

Ilang segundo pa ang lumipas at ang score ay
Andrew - 59
Rayver - 61

Mas magaling pala talaga si Rayver. Pero baka naka tsamba lang siya. Ewan ko!

*Ting!* tunong ng basketball machine. Tapos na pala.

"Paano ba 'yan, mukang ako ang maghahatid sayo pauwi" mayabang na sabi ni Rayver habang naka ngisi

Tumingin ako kay Andrew at halata sa muka niya ang pagka-dismaya. Mukang makakasabay ko nanaman ang mayabang na si Rayver

"Tara na. malapit na mag 6 pm" sabi ni Andrew. Halatang pilit lang ang ngiti niya. Ganon na ba siya kaapektado na natalo siya ni Rayver?

Sumunod nalang kami ni Rayver sakanya palabas ng Mall. Pumunta kami sa parking lot at pumunta kami sa mga sasakyan nila

"Bye Louie! Kita nalang tayo bukas sa school!" Wika ni Andrew at tsaka siya sumakay sa sasakyan niya.

"Sakay na" seryosong sabi ni Rayver. Sumakay na ako sa front seat at sumakay na din siya sa Drivers seat kaya magkalapit kami ngayon

"Salamat nga pala kanina dahil nilibre mo ako sa restaurant" nahihiyang sabi ko habang umaandar ang sasakyan

"No problem. Basta ikaw" sabi niya at ngumisi.

"Thank you din dahil niligtas mo ako dati sa mga manyak at tsaka kay Renz" pag papasalamat ko

"Welcome. Sana mapatawad mo na ako sa ginawa ko sayo" pag hihingi niya naman ng paumanhin

Hindi na ako nag salita pa dahil hindi ko muna siya mapapatawad ngayon. Pero malapit na. Siguro mamaya haha

Ilang minuto pa at tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Bye! Salamat nga pala sa paghahatid mo sakin pauwi" pag papasalamat ko. Bumaba ako ng sasakyan at nag simula ng buksan ang pintuan

"Teka lang! Pwede bang pumasok muna ako sa bahay niyo?" Tanong niya ng makababa siya ng sasakyan. Ano naman ang gagawin niya sa bahay?

"Ah..sige" sagot ko

Pag ka bukas ko ng pinto ay pumasok na ako. Pumasok na din si Rayver.
Pinaupo ko muna siya sa maliit na sofa. Pag ka hubad ko ng bag ko ay umupo na ako sa tabi niya. Pero may konting agwat naman sa pagitan namin

"Sorry ha. Kasi maliit lang ang bahay namin. Alam kong hindi ka sanay sa maliit na bahay" nahihiyang sabi ko. Tumingin tingin kasi siya sa paligid ng bahay. Parang ngayon lang siya nakapasok sa ganto kaliit na bahay

"Its okay! Ang ganda nga ng bahay niyo e" pagpupuri ni Rayver. Totoo kaya ang sinasabi niya o napipilitan lang siyang sabihin yun

"Wait lang ha. Mag bibihis lang ako ng pambahay" sabi ko

"Gusto mo samahan kita?" Tanong niya sabay ngisi

Naginit yung muka ko sa sinabi niya. Alam kong namumula na ang mga pisngi ko ngayon

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko at tumakbo na ako papuntang kwarto ko para magbihis

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Rayver na may kausap sa cellphone niya

"Okay Dad, i'll be there right away" sabi ni Rayver sa cellphone

"Louie, uuwi na ako. mag kita nalang tayo sa school bukas" wika ni Rayver

"Ah okay. Bye!" Pagpapaalam ko

Nag bye din siya at tsaka umalis ng bahay. Nauwan nanaman akong mag isa huhuhu. Kailan kaya uwi ni nanay?

Haaaays! napagod ako kanina. Humiga ako sa kama at tsaka ipinikit ang mga mata ko.

My Pervert Hero (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon