6 - Selos?

5.4K 156 6
                                    

LOUIE POV

"PERVERT!!!" sigaw ko.

Biglang nag tinginan sa akin lahat ng tao sa canteen.

"Ang lakas ng loob niyang sigawan si Rayver"

"Nakooo siya lang ang bukod tanging nanigaw kay Rayver"

Bulungan ng mga tao sa paligid

Tumayo na ako at tsaka tumakbo paalis. Grabe talaga siya! Napaka manyak. Napahiya tuloy ako sa cafeteria

Pumunta nalang ako sa classroom at doon ay hinintay ko si Kate.
Speaking of the devil. Lumapit siya sakin

"Bes! Bakit ka sumigaw kanina sa canteen?" Tanong ni Kate.

"Narinig mo? Andun ka sa cafeteria?" Tanong ko

"Oo. Hindi ba obvious?" Wika niya
"So bakit mo nga sinigawan si fafa Rayver ng pervert?" Dagdag niya pa

"E kasi dinilaan niya yung gilid ng labi ko" sagot ko

"Hoy bessy! Wag ka ngang ilusyonada! Bakit ka naman didilaan ni Rayver sa labi?" Tanong niya ng may halong pag tataka

"E kasi may tirang pagkain daw ako sa gilid ng labi kaya dinilaan niya yun" paliwanag ko

"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo e" wika niya. Huhuhuh bakit ba ayaw niya akong paniwalaan.

"Edi wag kang maniwala!" Sabi ko at tinalikuran ko siya

"O sige na. Naniniwala na ako. Pero bakit mo naman sinigawan si fafa Rayver? Diba dapat matuwa ka?"turan niya.

"Baliw ka ba? Bakit naman ako matutuwa!?" Medyo napalakas na boses ko.

"Isipin mo naman. Ang isa sa pinakagwapo sa school natin ay hinalikan ka" wika niya na parang kumikislap kislap ang mata.

"Gwapo nga. Manyak naman!" Wika ko. Totoo naman e. Wala din silbi ang kagwapuhan kung manyak lang din pala

"Kung ako sayo hinalikan ko na si Fafa Rayver" wika niya. Hala! Nag daydream si gaga

"Ewan ko sayo! Napaka landi mo talaga" sabi ko.

Nag peace sign siya at tsaka bumalik sa upuan niya

Ilang minuto pa at dumating na din si sir. Dumating din ang pinaka ayaw kong makitang tao. Umupo siya sa tabi ko. Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan mag katabi kami.

Noong unang pasok ko dito gustong gusto ko siyang katabi sa upuan pero ngayon gusto ko na umupo sa upuan na malayo sakanya

Lesson
Lesson
Lesson

Hays! Lesson here. Lesson there. Lessons everywhere!

Nakakatamad naman makining. Buti nalang at nag aadvance reading ako kaya lagi akong nakakasagot sa recitation at lagi akong mataas sa mga quiz

Ilang oras na pag tuturo pa ang lumipas at uwian na!

Tumayo ako at lumakad na paalis. Hindi na ako sasabay kay Kate dahil masyado pa akong badtrip sa kalandian niya

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now