7 - Sakay na

5.3K 169 8
                                    

Louie POV

Lesson
Lesson
Lesson

Andito ako ngayon sa room. Kasalukuyan na nag tuturo si sir. Nakakatamad, Pero kailangan ko talaga mag aral ng mabuti para makatulong sa nanay ko.
Hindi din kasi ako nakapag advance reading kagabi dahil maaga ako natulog

"Sino ang tunay na minahal ni Laura?" Tanong ni sir

Nag taasan naman ng kamay ang mga kaklase ko. Syempre kasama na ako sa tumaas. Dagdag grade din yun noh!

"Mr. Rayver" tawag ni sir

"Um. Aaa-e...Ako po!" sagot ni Rayver

"HAHAHAHAHAHA" napatawa ako sa sagot ni Rayver. Bigla akong napatigil ng na-realize ko na ako lang ang natawa. Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa akin

"Wrong Rayver! And whats so funny Mr. Louie Ramos!?" Galit na sabi ni sir

"Wala po. Sorry sir" sabi ko sabay yuko

"Ano ba ang tamang sagot?" Tanong ni Sir

"You, Ms. Joicey, sino ang tunay na minahal ni Laura?" Tanong ulit ni sir sa kaklase namin

"Si Florante po" sagot ko

"Very good Ms. Joicey" wika ni sir

Nag tuloy tuloy lang ang klase

Lesson
Tanong
Lesson
Tanong

"Okay class you may take your lunch. At wala akong ipapa assignment sainyo dahil saturday bukas. It means na rest day niyo tomorrow. Goodbye class. See you on Monday" wika ninSir with a serious tone

"Goooooodbyeeee Sir" sabi namin at tsaka umalis si sir

Nilapitan ako ni Kate. Buti naman walang assignment bukas.

"Tara na Louie, mag lunch na tayo. Gutom na gutom na ako. Baka hindi ko na makayanan at makain ko pa si Fafa Rayver" malanding wika ni Kate.

"Napaka lande mo talaga! Tara na. Gutom na rin ako" anyaya ko

"Wait bes! Bakit mo nga pala pinag tawanan si fafa Rayver kanina?" Tanong ni Kate

"Eh nakakatawa kaya siya kasi ang layo ng sagot niya sa tamang sagot. Pati karma niya yun sa ginawa niya sa akin" sagot ko

"Alam mo ba na ikaw lang yung may tapang na tawanan siya. Yung dati kasi naming kaklase na pinag tawanan siya ay nag transfer sa ibang school dahil sa sobrang binully siya ni fafa Rayver" paliwanag ni Kate.

Nagulat ako sa narinig ko. Dapat ba akong matakot? Pero bakit naman ako matatakot? E may kasalanan pa nga siya saakin

Mag lalakad na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko ng mahigpit.

Tiningnan ko kung sino ang humawak sa braso ko.

"Ano ba Rayver! Bitawan mo ako" wika ko habang nag pupumiglas

"Sabay tayo kakain" wika niya

"Sabay nanaman? Ayoko nga! Baka may gawin ka nanamang kalokohan! At tsaka hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo sakin last week" Wika ko. Naalala ko nanaman kasi yung dinilaan niya yung gilid ng labi ko

"May kasalanan ka sakin kanina. Tinawanan mo ako kaya kwits na tayo" wika niya

"Sige na nga. Pero kasama si Kate" sabi ko.

"Okay" tipid na wika niya

"Pwede mamaya na kayo mag usap? Gutom na gutom na kasi ako" saad ni Kate. Tumawa nalang ako.

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now