14 - Lunch

3.9K 149 12
                                    

LOUIE POV

"Hmm....kay ano....kay Franz ako sasabay" Pautal utal kong sabi. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon niya.

Nagsalubong ang kilay ni Rayver. Hinampas niya ang lamesa at tsaka mabilis na lumakad paalis

Nakarinig nanaman ako ng mga bulungan. Dahil siguro sa paghampas ni Rayver sa lamesa. Obvious naman. Yumuko nalang ako at tsaka tumayo para umalis sa lugar na iyon dahil alam ko naman na pinagbubulungan nila ako at grabe pa ang mga tingin nila sakin

Ano ba kasing problema niya? Pwede naman siyang sumabay muna sa mga kaibigan o katropa niya ngayong lunch. Halos araw araw naman kami mag kasabay mag lunch. Hays! Ang hirap talaga intindihin ng lalakeng yun

Pumunta na ako sa classroom dahil 10 minutes left nalang bago ang next subject namin. Nadatnan ko si Rayver na nakaupo habang seryosong nakatingin sa kawalan. Blanko ang muka niya. Umupo na din ako sa upuan ko which is sa tabi niya. Walang umiimik sa amin. Kadalasan kasi siya ang unang kumakausap sakin. Nagtatampo kaya siya kasi hindi ko siya piniling sabayan?

"Huy" sabi ko sakanya

Tumingin lang siya sakin ng sandali, walang ekspresyon sa muka at tsaka niya nanaman binalik ang tingin niya sa kawalan. Confirmed! Nagtatampo nga siya. Tampo nga  ba o galit siya sakin? Napapaisip pa tuloy ako!

Maya-maya ay dumating na ang subject teacher namin at tsaka nagsimulang magturo. As usual

Lesson
Lesson
Lesson
Recitation

"Okay class. Goodbye, dont forget to review what i taught you because we will have a quiz tommorrow" sabi ng aming guro na ikina-inis ng iba. Lagi nalang kasing nag papa-quiz si sir.

Lunch na!

Palabas na ako ng room ng makarinig ako ng tilian ng mga babae mula sa labas. Nang tuluyan na akong makalabas ay nakita ko si Franz na nakasandal sa pader ng room namin  pinapalibutan ng mga malalanding babaeng nag titilian. Mapapaos lang kayo sa kalandian niyo

Biglang napatingin sakin si Franz at tsaka pumunta papunta sa akin. Sa akin nga ba? Baka naman nag a-assume lang ako haha

"Tara na" sabi niya ng tuluyan na siyang makalapit sakin

"Sorry kung pinaghintay kita ah" pagpapaumanhin ko

"Its okay. Basta ikaw" wika niya. May meaning ba siya dun? Ay asyumera si ako!

"T-tara na" turan ko

Tumango naman siya. Nagsimula na kaming maglakad nang bigla niya akong inakbayan. Narinig ko nanaman ang mga babaeng nagbubulungan sa paligid ko. Parang mga bubuyog hmp!n a user

Sinubukan kong tanggaling yung kamay niya pero parang ayaw niyang tanggalin kaya hinayaan ko nalang

Nang tuluyan na kaming makapunta ng cafeteria ay umupo na kami sa bakanteng upuan.

"Oorder lang ako. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya

"Ah...Meat balls nalang" sabi ko at tsaka ko inabot ang 50 pesos sakanya

"Wag ka na mag bayad. Its my treat" masayang wika niya

"Okay lang. May pera naman ako tsaka nakakahiya naman sayo" sincere kong sabi

"Wag ka na makulit. Ililibre kita tutal ako naman ang naganyaya sayo na sabay tayo mag lunch tsaka wag kang mahiya sakin." turan niya

Hindi na ako umangal pa. Pumunta na siya sa bilihan ng pagkain.

Bigla ko namang nakita si Rayver na papalapit sakin. Nginitian ko siya pero hindi niya ako pinansin. Umupo siya sa katabi naming lamesa na halos dalawang dangkal lang ang layo aa lamesa namin. Akala ko pa naman sakin papunta. Sa lamesa lang pala. Ayoko na nga mag assume. Huhu

Dumating na si Franz kasama ang order niya. I mean order namin. Umupo na din siya. Inabot niya sakin ang order kong meatballs at ang pagkain naman niya ay salad. Healthy pala 'to si Franz e

"Bakit mo nga pala naisipan mag aral dito?" Tanong sakin ni Franz habang kumakain kami

"Pangarap kasi ako pag aralin dito ni tatay nung buhay pa siya pero wala kaming sapat na pera para makapag aral ako dito kaya nung nabalitaan ko na may scholarship test dito ay agad akong nag test dahil gusto kong matupad ni tatay ang hiling niya na makapag aral ako dito" paliwanag ko

"Ah. Saan mo nga pala planong mag Grade 11 and 12?" Tanong niya

"Bahala na. Di pa din kasi ako sure kung anong kukuning kong course" sagot ko "E ikaw? Anong kukunin mong course?" Tanong ko

"Buissness Ad. Ako kasi ang mag mamanage ng school na 'to pagka graduate ko nang college" sagot niya

"Ah. Planado na pala yung job mo. Di mo na kailangan pa maghanap ng trabaho. Ang swerte mo ha" sabi ko

"Swerte ba yun? Sa totoo lang ang gusto kong kunin na course ay photography, gusto ko maging photographer pag dating ng araw pero mukang imposible kase unang una hindi ako papayagan nila mama na kumuha nang ibang course at pangalawa ay gusto kong maging proud sa akin si dad, sabi niya kasi pag namanage ko nang maganda at magaling ang school ay tsaka siya magiging proud sakin" wika niya at napa buntong hininga

"I try mo din sabihin sa mama mo  kung ano talaga ang gusto mo. Kasi pangarap mo yun e. At ang pangarap ay inaabot, hindi isinasantabi para sa isang bagay na hindi mo naman gusto. Malay mo maintindihan ka ng nanay mo na pangarap mong maging photographer at pumayag siya. Grab the chance. Kung hindi man siya pumayag. Atleast sinabi mo sakanya kung ano talagang gusto mo. Hindi yung pagdating ng araw mag sisisi ka at sasabihin mo sa sarili mo na 'sana sinabi ko kay mama na gusto kong maging photographer. Siguro naman ay papayag siya. Sana i grabbed the chance. Sana hindi ako natakot' at tsaka isipin mo din na magiging  maganda nga ang trabaho mo pero masaya ka ba sa trabaho mo?... Pangalawa naman ay lahat naman ng tatay ay proud sa mga anak nila. Pero hindi natin sila masisisi kung malaki ang expectation satin. Lalaki ba ang expectation niya sayo kung alam niyang hindi ka magaling at hindi mo kaya?. Wag kang matakot. Para sa huli hindi ka magsisi sa mga ginawa mong desisyon" mahabang payo ko sakanya

"Salamat sa advice Louie" nakangiting wika niya

Ngumiti ako sakanya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Sinawsaw ko ang isang fried meatball sa ketchup at tsaka ito isinubo

Biglang may dumikit sa gilid ng labi ko. Isang daliri, pagtingin ko ay pinupunasan ni Franz ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya at pagkatapos ay isinubo niya ang daliri niya na ginamit niya sa pag pahid sa gilid ng labi ko. Biglang nag init ang muka ko. Kinikilig ba ako? Bakit naman ako kikiligin e wala naman akong gusto sakanya. Nahiya ako sa ginawa ni Franz kaya napayuko ako. Bakit ba kasi nag ka ketchup pa ako sa gilid ng labi ko. Ganon na ba ako katakaw kumain?

"May ketchup kase haha" wika niya habang tumatawa ng mahina

Bigla kong natandaan yung time na may musing ako sa gilid ng labi at dinilaan iyon ni Rayver. Argh! Bakit ko ba siya iniisip?

Nagulat ako nang biglang hampasin ni Rayver ang lamesa nila at tsaka umalis. Ano nanaman ang problema nun? Agaw atensyon nanaman tuloy siya. Araw araw naman siyang agaw atensyon kase pogi sya e. Tsk! Bakit ko ba siya iniisip at pinunuri?

Inubos na namin ni Franz ang pagkain namin habang nag uusap at tsaka tumayo para umalis sa cafeteria

----------

ANY THOUGHTS SA BAGONG COVER NG STORY? COMMENT NIYO NAMAN REACTION NIYO. NAKAKATAMAD KAYA MAG UPDATE NG WALANG NAG COCOMMENT! DEMANDING SI AUTHOR ANUBA!

NAISULAT KO NA PO YUNG SUSUNOD NA CHAPTER DITO PERO NABURA. I DONT KNOW KUNG ANONG NANGYARI PAG KAKITA KO BIGLA NALANG NABURA. TINAMAD TULOY AKO MAG TYPE. 😜

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now