15 - Hug!

3.8K 143 7
                                    

MAGCOMMENT KAYOOOO. PA VOTE NA DIN. LABLAB!

----------

Rayver POV

Nainis ako kay Louie dahil mas pinili niya pang sumama sa unggoy na yun kesa saken. Alam ko naman na araw-araw kaming magkasabay mag lunch pero naiinis pa din ako pag iniisip ko na masaya silang magkasama mamaya.

*Lunch*

Pumunta na ako sa cafeteria at humanap ako ng upuan. Kung swine-swerte nga naman. Nakita ko ang bakanteng upuan na katabi lang ng inuupuan ni Louie. Habang papalakad ako papunta dun bigla sakin napatingin si Louie pero hindi ko siya pinansin dahil naiinis padin ako sakanya.

Bigla naman dumating si Franz at inilapag sa mesa nila ang dala niyang pagkain. Masaya silang nag uusap habang ako ay inis na inis na dahil sa  selos. Alam ko naman na lalake si Franz at babae ang gusto niya pero hindi ko pa din maiwasan magselos lalo na't mukang komportable sila sa isa't isa. Maya-maya ay sumeryoso ang muka nila at tsaka sila nag usap ng seryoso. Ano kayang pinag uusapan nila? Nagtatapat na ba ng damdamin si Franz para kay Louie? Teka! Ano ba tong mga iniisip ko!

Ilang sandali pa at nakita ko ang pagpahid ni Franz ng daliri niya sa gilid ng labi ni Louie. Pero mas nag init ang ulo ko ng isubo niya ang daliri na ginamit niyang pampunas sa gilid ng labi ni louie. Hindi ako nandiri sa ginawa niya. Gusto ko pa nga na ako ang nasa kalagayan niya. Gusto ko na ako ang gumawa nun kay Louie.

Dahil sa init ng ulo ko at parang sasabog na ako sa inis at selos, pinalo ko ang lamesa at tsaka ako umalis. Wala akong pakeelam kung madaming nakatingin sakin.

Lumakad ako papunta sa room namin habang nakasimangot. Hindi na nga ako masyadong nakakain dahil sa pagtitig kila Louie kanina e.

Maya maya pa ay nakita kong pumasok na si Louie sa room at umupo sa tabi ko.

"Uy. Bakit mo hinampas yung lamesa kanina?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin dahil naiinis pa din ako sakanya. Childish na kung childish pero talagang nagselos ako kanina

"Rayver! Bakit di mo ko pinapansin?" Tanong niya. Pero hindi ko pa din siya pinansin

Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating si Sir kaya tumahimik nalang kami at umayos ng upo. Buti nalang dumating na si sir. Baka kase hindi ko matiis at makausap ko pa si Louie

Lesson
Lesson
Lesson

Pagakatapos nang lahat ng klase ay tumayo agad ako at naisipan ko muna pumunta ng mall para naman umayos-ayos ang mood ko

Pumunta ako ng mall magisa. Hindi na ako nag palit ng damit dahil pogi pa din naman ako. Nagpalipas oras lang ako sa mall at pagkatapos ay umuwi na din ako

Nadatnan ko ang kasambahay namin na naglilinis ng bahay. Hindi ko sila pinansin at dumeretso nalang ako sa kwarto ko at nagkulong doon.

Gusto ko man tawagan si Louie ay hindi ko magawa dahil naiinis pa din ako.

----

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga. Naligo ako at tiningnan ang sarili ko sa body sized mirror.

"Ang pogi ko talaga. Hindi ko na nga mabilang kung ilang babae ang nagkandarapa sakin dahil sa kagwapuhan ko" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin

"At ikaw naman Rayver Junior, Hindi ka pa gising pero ang laki mo na. Hahaha" sabi ko naman na tinutukoy ang ano ko

Nagbihis na ako at tsaka pumunta sa school gamit ang kotse ko

Ito nanaman, ang mga babae at binabae na tumitingin sakin na parang gusto na nila akong iuwi. Sorry sila pero may nag mamay ari na ng puso ko. Teka! Bakit ang corny ko? Ganun ba talaga pag inlove? Si Louir ang may kasalanan neto eh!

Bigla kong nakasalubong ang taong gusto ko. Hindi ko pala gusto, mahal ko na pala. Si Louie

Nilagpasan ko lang siya para ipaalam sakanya na nagtatampo padin ako. Bakla man pakinggan pero wala e, nagtatampo talaga ako kase hindi ako ang pinili niya na makasabay ng lunch

Pumunta na ako sa room namin at umupo doon para hintayin si sir na dumating.

Bigla naman bumukas ang pintuan ng room at pumasok doon si Louie. Tumabi siya sakin at umupo

"Uy. Mamansin ka naman" sabi niya. Tumingin ako sakanya

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong niya

"Wala lang ako sa mood" sagot ko

"Wala ka sa mood o nagagalit ka si Franz ang pinili kong makasabay mag lunch?" Pagtatanong niya

"Both" tipid kong sagot

"Sorry na. Kayo lang naman ni Kate ang bestfriend ko e" wika niya na mas lalo kong kinaasar. Na bestfriend-zoned ako dun a. Teka umaasa ba ako na sabihin niya na ako lang ang gusto niya? Argh!

"Okay. Hindi din naman kita matitiis e. BESTFRIEND" diniinan ko talaga yung pagkakasabi ko sa bestfriend kase umasa ako.

"Yeheyyyy! So bati na tayo?" Masayang tanong niya

"Oo" sagot ko. Para kaming bata hahaha

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang sasabog na yung loob ko dahil sa nararamdaman ko. Anlaki talaga ng epekto niya sakin

"S-sorry. Natuwa lang talaga ako" sabi niya na parang nahihiya

"Okay lang" turan ko habang ang ngiti ko ay abot langit na

-----------

SORRY KASE NAPAKATAGAL KONG MAG UPDATE.

My Pervert Hero (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon