16 - Queen Bee

3.7K 117 14
                                    


LOUIE POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng yakapin ko si Rayver kaya ibig sabihin ay Friday ngayon!

Nandito ako sa classroom habang kausap si Kate

"Bes, nabalitaan mo na ba?" Tanong sa akin ni Kate na ikinataka ko

"Alin?" Tanong ko sakanya

"Dadating mamaya si Vanessa Valeria" turan niya. Sino naman yun?

"Sino yun?" Takang tanong ko

"Si Vanessa Valeria. Ang queen bee dito sa school dati. Walang pumapantay sa beauty niya. Lahat ng lalake dito nagkakandarapa sakanya dati. Pero lumipat siya sa Canada last year at nabalitaan ko na mag tratransfer daw ulit siya dito" aniya

"Wow. Mabait ba siya?" Tanong ko

"No! As in No! Lahat ng nerd at mga panget dito sa school ay lagi nilang binubully ng mga kaibigan niya"

"Sino yung mga kaibigan niya?Tanong ko.

"Nasa kabilang section sila. Pero sasabihin ko na din sayo para alam mo kung sinong iiwasan mo" sambit niya

"Okay"

"Dalawa ang kaibigan ni Vanessa. Una ay si Victoria Valtazar. She knows everything about everyone. Alam niya ang lahat ng tungkol sa mga estudyante. Siya din minsan ang nagpapakalat ng mga tsismis tsismis dito sa school kaya iwasan mo siya kung ayaw mong maichismis ka niya" seryosong pagkakasabi niya

"Sino naman yung pangalawa?"

"Pangalawa ay si Vallery Velasco, ang pinaka mayaman sakanila. I mean lahat naman sila mayaman. Pero siya ang pinaka angat pag dating sa pera. Kayang kaya niya bumili ng daan-daang iphone kung gusto niya. Kayang kaya niya din bilin ang grades niya. Lagi siyang top 1 kahit hindi naman siya matalino. Hindi nga namin alam kung bakit lumipat siya ng section 2 eh" paliwanag niya

"Vanessa, Victoria, Vallery. Lahat ng pangalan nila nag i-start sa Letter V" wika ko habang nagtataka

"Ay oo! Lahat ng pangalan nila nagsisumula sa letter V. Kaya ang tawag sakanila ng karamihan ay Tri-V (Tray-vi)" wika niya sabay tawa

biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rayver. Kaya naman umalis na si Kate sa tabi ko at bumalik na sa upuan niya

"Goodmorning!" Bati sakin ni Rayver habang nakangiti. Nakakapanibago. Hindi naman niya ako binabati ng goodmorning e, ngayon lang

"Goodmorning din" balik bati ko

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si sir, kasama ang isang napakagandang babae. Maputi. Makinis. Mahaba at straight ang buhok

"Goodmorning class. Vanessa will be your new classmate. Ms. Vanessa, please introduce yourself"

"Im Vanessa Valeria and im NOT looking forward to meet any of you. Especially the nerds and the geeks. Yuck" mataray na sabi ni Vanessa at umupo sa may middle row

Halata sa muka ng ibang mga kaklase namin ang gulat. Ang mga lalake naman ay ngingiti ngiti na para bang gusto na nilang lamunin si Vanessa at ang mga babae naman ay nag bubulungan. Aaminin ko na nagulat din ako kase hindi ko inexpect na ngayon dadating si Vanessa. Tsaka totoo pala yung sinabi ni Kate. Mataray nga siya

Napatingin ako kay Rayver. Mukang nagulat siya pero biglang naging balnko ang ekspresyon ng muka niya. Anong problema neto at mukang seryosong seryoso?

"Okay class. Get your book and turn it  to Page 27. We will discuss the matter about......"

Lesson
lesson
Lesson

-

"Tara na?" Tanong ko kay Rayver dahil halos lahat ng kaklase namin ay nakaalis na para mag lunch

"S-sige" sabi niya na para bang malalim ang iniisip

tumayo na siya at sabay kaming pumunta sa cafeteria. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay nakita namin na maraming nag kukumpulan na tao.

"Tara, tingnan natin kung ano yun" sabi ko kay Rayver. Tumango nalang siya. Tsismosa na kung tsismosa pero gusto kong malaman kung anong pinagkakaguluhan nila. Ay! Tsismoso pala ako, hindi tsismosa

"Padaan" medyo malakas na pagkakasabi ni Rayver

Binigyan naman kami ng daan. Siguro ay natakot sila kay Rayver dahil alam niyo na.

Pagkadaan namin ay nakita ko si Vanessa na may kasamang dalawang babae at may isa namang lalake na nakaluhod sa harap nila. Mukang nerd yung lalake

"Look at what you did to my shoes! Buy me a new 'limited diorè ' shoes you nerd!" Mataray na sigaw ni Vanessa sa lalakeng nerd

"Sorry talaga ms Vanessa. Hindi ko po talaga sinasadya na matapunan ang sapatos mo" nahihiyang wika ng nerd

"Hindi mo sinasadya? Victoria, iabot mo sakin yang juice na hawak mo" inabot naman ng isa niyang kasama ang juice at bigla nalang tinapunan ni Vanessa ng juice ang kawawang nerd at nag tawanan sila "well, hindi ko din sinasadya na tapunan ka ng juice" sabi ni Vanessa at tsaka sila tumawa ulit

Pupunta na sana ako kila Vanessa para pagsabihan sila pero hinawakan ako ni Rayver ng mahigpit

"Rayver. Bitawan mo ko, kailangan ko silang pagsabihan dahil sumosobra na sila" mahinang sabi ko sakanya

"Wag mo na palakihin ang gulo" mariin na sabi niya.

Bigla ulit nagsalita si Vanessa "Bye Loser!" Sabi ni Vanessa at tsaka siya lumakad palayo kasama ang dalawang alipores niya

Nilapitan ko agad yung nerd na lalake at tsaka siya tinulungan tumayo dahil nakaluhod padin siya dun.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya

Tumango siya at tsaka tumakbo palayo. Napakunot nalang ako ng noo sa inasal niya

"Tara na" seryosong sabi ni Rayver. May konting inis pa din ako sakanya dahil pinigilan niya ako kanina na tulungan yung lalaki pero tama din maman siya dahil baka mas palakihin ko lang ang gulo

"Tara" sabi ko at ngumiti  ako sakanya. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti at tsaka kami umalis sa cafeteria.

Nawala na yung gutom ko at siguro ay nawala na din ang gutom ni Rayver. Marami pa ang oras bago mag simula ang sunod na klase kaya hindi muna kami pumunta sa classroom

"Tara sa library!" Masiglang wika ko. Tumango lang siya. Dumeretso na kami sa library at pumunta sa isang sulok kung saan kami lang ang nandoon at walang ibang tao

"Bakit ang tamlay mo ngayon? May problema ka ba?" Alalang tanong ko sakanya. Kanina pa kasi siya balisa at iba ang kinikilos.

"Concern ka?" Balik tanong niya

"Concern mo muka mo! Ano ba kasing problema mo at kanina ka pa seryoso sa classroom?"

"Iniisip ko lang yung i-qui-quiz natin mamaya. T-tama! Yun ang iniisip ko." Turan niya habang pautal utal pa. Ano ba kasing problema neto?

"Wow ha. Kailan ka pa naging concern sa mga lesson natin at sa quiz?" Sarkastikong tanong ko

"Ngayon lang" sabi niya at tumawa. Nakitawa nalang ako sakanya. Hindi ko na siya inusisa dahil baka magalit nalang bigla bigla 'tong mokong na to. Alam niyo naman. May pag ka-Bipolar yan

Hays sana ganto nalang lagi. Nakangiti lang at walang prinoproblema. Ay teka! Prinoproblema nga pala ni Rayver ang quiz niya. Haaaaaays buhaaaays

RAYVER POV

Bakit pa siya bumalik?

---------------

SINO PO MAG PAPA DEDICATE SA NEXT CHAPTER?

---------

PAKICOMMENT NAMAN PO KUNG MAY MGA MALI SA STORY KO OR KUNG PANGET BA YUNG FLOW NG STORY. PLEASEEEEEEEEE. MAGCOMMENT KAYO HAHAHAHAHAHAHA VOTE NIYO NA DIN 💋

XOXO

My Pervert Hero (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon