LOUIE POV
Bumangon ako. Naligo at nagbihis. Ginawa ko ang morning routine ko.
Habang papasok ako ng school ay naisip ko nanaman ang nangyari sa amin ni Rayver. Argh! Its been 3 days na lagi nalang yun ang inaalala ko. Pag katapos kasi ng nangyari sa amin ni Rayver ay hindi ako pumasok na dalawang araw. Sinabi ko nalang kay mommy na may sakit ako.
Nag lalakad ako papunta sa room namin ng biglang humarang ang kinakainisan kong tao. Si Rayver
"Um. Louie sorry talaga sa nangyari" wika niya. Halatang seryoso siya sa pag sosorry niya dahil napaka sincere ng pakakasabi niya
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya na parang wala akong narinig. Ang kapal din ng muka niya ha. Pag katapos ng ginawa niya sa akin bigla bigla lang siyang mag sosorry na parang napakaliit ng nagawa niyang kasalanan
Habang nag lalakad ako ay biglang may may humawak sa braso ko. Tiningna na ko kung sino ang humawak. Urrgggg! Kainis na talaga ha
"Please Louie patawarin mo na ako"
Pag mamakaawa niya"Ang kapal din ng muka mo e. Kung makapag sorry ka parang ang liit ng ginawa mong kasalanan" sabi ko
"E kaya nga nag sosorry ako. Kaya please tanggapin mo na" saad niya
"No way" pag tatanggi ko
"Pag hindi mo tinanggap sorry ko mag sosorry ako ng pasigaw" wika niya. Anong akala niya? Mauuto niya ako? Andami kayang estudyante sa paligid at for sure ay ayaw niyang pag tinginan siya
"Like you can!" Wika ko.
"SORRYYYYY LOUIE RAMOOOOS! PATAWARIN MO NA AKO!!!!" Sigaw niya. Omggggg. Nag tinginan lahat ng estudyante sa amin. Lupa, kainin mo na akoooo
"Oo na. Papatawarin kita, pero hindi ngayon. Hayaan mong mapatawad kita sa tamang panahon" wika ko. Hindi ako makatingin sa paligid dahil andaming nag bubulungan
"Yes! Hihintayin ko ang pag tanggap mo ng sorry ko" sabi niya.
Hindi na ako nag salita at lumakad na uli ako. Alam ko naman na nakasunod siya sa akin. Pareho lang naman kami ng papasukang classroom e
Saktong dating ni sir pag kaupo namin.
And as usual
Lesson
Lesson
LessonIlang minuto ang lumipas at
Lunch na!
Tumayo ako at nilapitan ang bestfriend kong si Kate.
"Tara na. Mag lunch na tayo, gutom na gutom na ako" wika ko.
"Kahit kailan talaga lagi ka nalang nagugutom" sabi niya. Napatawa nalang ako dahil totoo naman. Hindi ko nga alam dito sa tiyan ko kung bakit laging nag hahanap ng pagkain
"Um kate, pwede bang sa iba ka nalang muna sumabay. Gusto ko kasi kasabay si Louie" wika ng isang boses. Tiningnan ko ang nasa likod ko. Siya nanaman? Kahit kailan talaga e
"Sige fafa Rayver. Ingatan mo yan si Louie ha" sabi ni Kate. Tiningnan ko siya ng masama at nag peace sign siya tsaka umalis
"Shall we go now?" Tanong ni Rayver. Argh!
"Wag mo nga ako ma inglish inglish diyan! At tsaka ayokong kasabay ka mag lunch" wika ko.
"Wala ka ng magagawa. Wag ka na maarte. Tara na!" Sabi niya at bigla akong hinila
Parang may naramdaman akong kuryente nung hinawakan niya ang kamay ko. Gusto ko man bumitaw pero parang may nag sasabi sa akin na huwag kong bitawan ang kamay niya
Bumagal ang pag takbo namin hanggang sa nag lalakad nalang kami. Madaming nag titinginan na estudyante sa amin. At doon ko napansin na mag kahawak pa din pala kami ng kamay ni Rayver
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya talaga ito binibitawan
"Umh...Rayver, yung kamay ko. Andaming nag titinginan sa atin" wika ko.
"Hayaan mo sila. Isipin mo na tayong dalawa lang ang nandito at walang ibang tao" wika niya. Nag init ang muka ko. Sht. Kinikilig ba ako!? Hindi ha
Hanggang sa makarating kami ng cafeteria ay mag kahawak kami ng kamay.
Nag bitaw lang kami ng umupo na kami.
"Oorder lang ako" wika niya
Pag ka punta niya sa bilihan ay inilibot ko ang mata ko. Nakita ko ang tropa nila Renz na nakatingin sa akin. Ng mag katinginan kami ni Renz ay bigla siyang nag iwas ng tingin. Weird
"Ito na. Kain ka na" wika ni Rayver ng makabalik siya sa table namin
"Ha-a? E wala akong pambayad diyan" wika ko. Ang binigay kasi na order sa akin ay yung tig- 300 pesos na triple large slice ng ube vanilla cake
"Dont worry, its my treat" wika niya. Kumain nalang ako. Masama tanggihan ang grasya noh!
Habang kumakain ako ay napatingin ako sakanya. Bigla din siyang napatingin sa akin.
"May problema ba sa muka ko?" Tanong ko. Nakatitig kasi siya sa muka ko e.
"May tirang pagkain kasi sa gilid ng labi mo e" wika niya.
Bigla niyang inilapit ang muka niya sa akin at nanlamig ako ng dilaan niya ang gilid ng labi ko
"PERVERT!!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/114428917-288-k128474.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
My Pervert Hero (Boyxboy)
Ficção AdolescenteIhanda niyo na ang inyong mga kepai dahil sisiguraduhin kong kayo'y matatawa, maiiyak, maiinis at especially maiinlove sa kwentong ito. Pag di mo to binasa mamalasin ka ng 1 linggo. Charot! Walang ganern! Basta basahin mo to! Hahaha. Demanding c ack...