13 - Ako o Siya?

4.1K 125 5
                                    


Louie POV

MONDAY. Haaaaays monday nanaman. Ang pinakaayaw na araw ng mga estudyante.

"Bes. Kanina ka pa tulala diyan, ang lalim ng iniisip mo ah. Kasing lalim nang pagpasok niya sakin hahahaha" pagbabasag ni Kate ng katahimikan ko

"Bastos mo talaga. Iniisip ko lang yung project na ipinagawa satin ni sir, diba ngayon yung deadline nun? E wala kasi akong gawa" pagsisinungaling ko. Totoong wala akong gawa pero iba ang iniisip ko. Iniisip ko yung mga nangyari kahapon. Parang may nararamdaman kasi akong kakaiba simula nung namasyal kami ni Rayver. Hays! Ewan ko ba!

"Ako nga din e. Wag ka mag alala bes. Hindi tayo ibabagsak dito. Malaki kaya ang tuition fee dito. Baka pati projects natin ay bayad na haha" pambabasag nanaman ni Kate ng pagiisip ko

"Bes alam mo naman na scholar lang ako dito. Pag wala akong project - bababa grades ko at pag bumaba grades ko, boom! Tanggal scholarship ko"

"Eh bakit ba kasi hindi ka nakagawa ng project?" Tanong niya

Sa totoo lang ay hindi ako nakagawa ng project dahil sa kaiisip sa nararamdaman ko. Yan tuloy pati grades ko nadamay sa pag iisip ko sa nararamdaman ko para 'sakanya'

"Andami ko kayang ginawa kahapon. Tapos nung saturday tinutor ko pa si Franz" turan ko

"By the way, mabait ba si Franz? Pogi ba siya? Anong hobbies niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kate

"Teka teka! Isa isang tanong lang - Mabait naman siya, Pogi din siya. Di ko alam hobbies niya pero sure ako na nagbabasketball yun. May 6 pack abs din siya" pang iingit ko

"Omg teh! Wag mo sabihing nag se-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya

"Gaga! Nung pununta kasi ako dun, wala siyang damit na suot. Tsaka wala akong pagnanasa sakanya noh!" pagpapaliwanag ko

"Ahh. Akala ko binuntis ka niya e" sabi niya sabay tawa

"Ang dumi talaga ng utak mo!" Wika ko at tsaka tumawa ng mahina

Bigla namang sumulpot si Rayver kaya bumalik na si Kate sa upuan niya

"Goodmorning!" Bati ni Rayver ng makalapit siya sakin. Umupo siya sa tabi ko.

"G-goodmorning din" pagbati ko. Hindi kasi ako sanay na nag googoodmorning siya. Mukang maganda ang mood netong si Rayver ah

Dumating naman bigla si Sir kaya nagsi ayusan ng upo ang mga kaklase ko at syempre ako din

"Have you brought your projects?" tanong ni sir.

"Yeeeeeeees" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko

"I will call each one of you, one by one to pass your projects to me" turan ni  sir. Nakoooo. Lagot na! Wala akong project

"Valdellon"
"Ocampo"
"Martin"
"Villegas"
"Agno"

Malapit ba along tawagin. HUHUHUHUHUHU. Hindi ako magkanda ugaga dito sa inuupuan ko at pinapawis na ako dahil sa kaba

"May problema ka  ba?" Biglang tanong sakin ni Rayver

"Ahh ummm eh ano kase..." hindi din ako makapagsalita ng ayos dahil sa kaba

"Tell me, whats the problem?" Tanong niya

"Wala kase akong project" sa wakas nasabi ko din ng deretso

Bigla siyang tumayo at pumunta sa kaklase namin na babae. Kinausap ni Rayver yung babae at yung reaksyon naman nung babae ay parang mamamatay na sa kilig.

My Pervert Hero (Boyxboy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt