23 - Pissed off

3.2K 118 14
                                    

Louie POV

Naloka ako sa sinabi ni Rayver

"Ang aga pa para mag joke ka" biro ko sakanya

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako, gusto kitang ligawan"

"Umm Rayver, hindi nakakatawa" wika ko. Mahirap kaya umasa noh!

"Kung ayaw mong maniwala. Papatunayan ko sayo. Pero sa ayaw at sa gusto mo liligawan pa din kita" sabi niya.

Sumakay na siya sa sasakyan niya at tsaka umalis. Habang ako ay naiwan na nakatulala dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong mag assume pero..... wag nalang, siguro nga nagbibiro lang siya

Pumasok na ako ng bahay. Hindi ko na nadatnan si nanay dahil sigurado akong nasa bahay ng boss niya na yun ngayon. Hays.

Pumunta nalang ako sa kwarto at tsaka humiga.

Paikot ikot ako sa higaan dahil sa sinabi ni Rayver. Ano bang ginagawa mo sakin? Hindi talaga ako mapakali sa tuwing iniisip ko yung sinabi niya kanina. AHHHHH! mababaliw na ako!

Tumayo ako at pumunta sa cr. Teka bakit ako pumunta sa cr, eh hindi naman ako naiihi. Nababaliw na talaga ako. Bumalik ako sa kama at pinagpatuloy ang pag iikot ko.

"Malay mo totoo yung sinabi ni Rayver"
"Sige Louie, umasa ka pa"

WAAAAAAH nakakainis naman tong utak ko, kung ano anong sinasabi.

"Pero umaasa ka sa mga iniisip mo noh"

Oo na! Umaasa na ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan eh, huhu

------

Maya maya pa may nag doorbell sa bahay namin. Charot! Wala kaming doorbell. May kumatok lang. Hala! Baka ito na yung naniningil sa tubig. Nakooo. Lagot ako neto.

Biglang may sumigaw mula sa labas.

"Louie!"

Wala na sana akong balak pagbuksan dahil akala ko maniningil ng tubig. Nagbabayad kami!  Nakalimutan lang siguro ihabilin ni nanay gawa nga pumunta ako kila Rayver. Pero nagbabayad kami noh!

Nakilala ko yung boses kaya lumapit agad ako sa pinto at  binuksan ito

"Oh, Franz. Bakit ka andito?" Bungad na tanong ko sakanya

"Ah. Nag text ako sayo ah na susunduin kita, di mo ba na receive  message ko?" Tanong niya

.......
.......
.......

Waaaaah! Naiwan ko nga pala yung cellphone ko kila Rayver. Bat di ko pa pinaalala sakanya nung pumunta siya dito kanina

"Ah-ehhh. Lowbatt kasi cellphone ko. Hehe" pagsisinungaling ko. Mangungumpisal na talaga ako. Andami ko ng kasalanan huhu

"Ahhhhh"

"Teka, bat ka nga pala andito? May sasabihin ka ba?" Tanong ko

"Ah wala. Gusto sana kitang yayain kumain sa labas" sabi niya

Napakamot nalang ako sa ulo. Sigurado akong hindi ko naman siya matatanggihan dahil wala na akong maidadahilan. Ayoko na din magsinungaling noh

"Ah sige. Papalit lang ako ng damit ha. Pasok ka muna" nahihiyang sabi ko. Tumango naman siya

Pagkapasok niya ay iginala niya ang tingin niya. Nakoooo nakalimutan ko, hindi ata siya sanay sa maliit na bahay

"Ummm. Sorry ha, mukang di ka kumportable dito sa bahay. Hehe"

"Ha? Ako? Hindi ah. Okay lang sakin"

Nginitian ko nalang siya at tsaka ako pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng white t-shirt at black fitted pants na binagayan ng ukay ukay na sapatos. Diba simple lang!

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siya na tahimik na nakaupo.

"Tara na?"

Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko yung susi ng bahay at sabay kaming lumabas. Syempre nilock ko yung pinto noh!

Nagulat ako pagkalabas ko dahil nakita kong nasa labas si Rayver. Tiningnan ko si Franz, blanko lang ang muka niya

"San ka pupunta?" Seryosong sabi ni Rayver habang nakatingin sakin

"Ah pre, kakain lang kami" sagot naman ni Franz

"Hindi ikaw ang tinatanong ko"

Napa 'tsk' nalang si Franz sa sinabi niya

"Ah-ehhh kakain kami sa labas" ako na nagsabi

"Bawal" authoritative na sabi ni Rayver

"Anong bawal?" Takang tanong ko sa sinabi ni Rayver

"Bawal kang kumain sa labas" seryosong sabi niya

"Magulang ba kita? Tsaka isa pa gutom na ako kaya kung pwede umalis ka na diyan"
Inis na saad ko. Kung makapagbawal kase parang tatay ko siya tsaka totoong gutom na ako noh!

Hinawakan ko si Franz at hinila para maglakad.

Napatigil ako ng biglang may humawak ng mahigpit sa braso ko

"Pag sinabi kong bawal. Bawal." Matigas na sabi ni Rayver

"Ano ba Rayver, bitawan mo nga ako"

"Pre bitawan mo na nga si Louie. Gutom na siya at nasasaktan na  siya sa hawak mo" biglang singit ni Franz.

"Pakeelam mo ba!?" Singhal ni Rayver samantala si Franz ay kalmado pa din o sadyang pinapakalma niya lang sarili niya

"Pre, kaibigan ko si Louie-"

"Kaibigan ka lang pala eh! Pwes, ako, boyfriend niya!"

Halatang nagulat si Franz sa sinabi ni Rayver. Bigla nalang akong hinila ni Rayver at napabitaw ako kay Franz.

Kinaladkad ako ni Rayver sa sasakyan niya at pinapasok dun. Kahit na ayaw kong pumasok, wala akong nagawa kase mukang sasabog na sa galit si Rayver. Pagkapasok ni Rayver sa kotse ay agad  ko siyang binungangaan

"Ano bang problema mo!?" Inis na tanong ko

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

"A-ako?.."

"Oo! Tangina nagseselos ako!"

"...."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kikiligin o maiinis ako sa sinabi niya.

Biglang pinaandar ni Rayver ang sasakyan kaya nagulat ako

"Teka, saan mo ko dadalin?"

"Diba sabi mo gutom ka? Kakain tayo" sagit niya. Kung kanina ay galit siya, medyo kalmado na siya ngayon

"Pano si Franz?"

Mukang mali ako ng sinabi dahil mukang nainis nanaman siya

"Isang rinig ko pa sa pangalan ni Franz at itong hotdog ko ang ipapakain ko sayo" inis na sabi niya

Sa pangalawang pagkakataon ay natahimik nanaman ako. Alam kong namumula na ako dahil sa hiya

Maya maya pa ay nakatulog ako sa pagkabored at sa lamig ng sasakyan

.
.
.
.
.

Nag kusot kusot ako ng mata. Nagtaka ako dahil nakahiga na ako ngayon samantala kanina ay nakaupo ako at nakasandal sa bintana.

Hinawakan ko ang hinihigaan ko at may nakapa akong matigas. Huli na ng malaman ko na nasa lap pala ako ni Rayver nakahiga at saktong sakto ang muka ko sa 'ano' niya.

Agad akong tumayo. Tiningnan ko si Rayver at nakangisi lang siya. Gusto ko siyang suntukin at sigawan pero hindi sumunod ang katawan at bibig ko bagkus ay  umiwas lang ako ng tingin habang namumula ang muka ko.

W-What is this F-Feeling?....

--------

COMMENT KAYO GUYS! NAAYOS NA TO' KANINA LANG. SUPER THANK YOU SA KAIBIGAN KO NA TUMULONG SAKEEN.

COMMENT AND VOTE NEEDED!

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now