12 - Sundate

4.6K 128 3
                                    


Louie POV

Eto ako ngayon nakaupo habang nagkakape sa bahay. Isang araw na ang lumipas simula ng itutor ko si Franz. So oo, sunday na ngayon. Oh so damn boring sunday. Haaaays. Makapag simba nalang kaya? Ilang linggo na din ang lumipas simula ng huli kong simba. Inaamin ko naman kasi na hindi ako palasimba. Pag sunday ay andito lang ako sa bahay.

Magsisimba ako! Pagkatapos ko magkape ay Nagtungo ako ng cr para maligo. Woooh! Cold ng tubig, Kasing cold ni crush. Char! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng fitted jeans at pink vcut shirt binagayan ko na din ng sapatos. Kinuha ko sa drawer ko ang relo ko na hindi na naandar haha! Pang style lang.

Dinampot ko ang cellphone ko ng bigla itong mag vibrate. May nag text, chineck ko kung kanino yun. Pero unkown number ang nakalagay.

Unkown number : kanina pa ako naghihintay sa labas ng bahay niyo.

Dali dali akong lumabas at nakita ko si Rayver na nakasandal sa kotse niya. Nakasuot siya ng walking shorts na binagayan ng semi fitted niyang damit. I must admit na sobrang gwapo niya ngayon.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito" naiinis na sabi niya

"Ah sorry mukang nainip ka dito" nahihiyang paghingi ko ng paumanhin

"Tsk. Sinabi mo pa, kanina pa ako inip na inip dito" wika niya. 

Teka nga! Eh bakit ka ba kasi andito?" Inis na tanong ko

"Mamamasyal tayo" tugon niya

"Anong mamamasyal? Wala ka namang sinabi nung Friday na mamamasyal tayo ngayon ah!" Pagmamaktol ko

"Wag ka na ngang madaming sinasabi" sabi niya at tsaka ako hinila. Para nanamang may dumaloy na kuryente sa katawan ko ng magkadikit ang kamay namin. Pinapasok niya ako sa kotse niya at pumasok na din siya.

"Saan ba tayo pupunta?" Inis na tanong ko

"Basta" tipid na sagot niya habang pinaaandar ang kotse

"Teka teka! Fyi Magsisimba ako ngayon" turan ko

"Makadiyos ka pala. Kaya mas lalo kitang nagugustuhan e" sabi niya. Hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sabi dahil pabulong niyang binigkas ito

"Ano yun?" Tanong ko

"Wala! Sabi ko sabay na tayong magsimba. Tsaka nalang  tayo mamasyal pagkatapos ng misa sa simbahan" sambit niya

Hindi na ako umangal pa. Nagpunta kami sa pinakamalapit na simbahan at nagsimba doon.

"Tara na!" Wika niya pagkalabas namin ng simbahan

"Linawin mo nga kung saan talaga tayo pupunta"

"Basta"

Sumakay na kami sa kotse niya at tsaka niya pinaandar ito. Habang nasa byahe ay nakatingin ako sa bintana ng bigla akong mapatingin sakanya. Nakita ko nanaman ang muka niya na dinedefine ang perfection. Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya. Parang hini-hypnotize ako ng mga mapupugay niyang mata.

"Baka matunaw ako sa titig mo" natatawa niyang sabi. Umiwas naman agad ako ng tingin

"Ang hangin mo!" Tanging nasabi ko

"Dinedeny mo pa e. Pogi ba ako?" Tanong niya

"Oo...este hindi ah! Wag ka ngang assuming. Hindi ka pogi!" Pagdedeny ko

Tumawa siya at hindi na ako nagsalita pa. Maya maya pa ay itinigil na niya ang sasakyan.

"Andito na tayo" sabi niya. Bumaba na siya at bumaba na din ako

Pagkakita ko sa labas ay Hindi ko inaasahan na dito kami magpupunta, sa isang park

Ano namang gagawin namin dito? Madaming bata ang naglalaro sa paligid. Namimiss ko tuloy yung childhood ko. Nakakamiss maging bata. Nung bata kase ako, ang tanging prinoproblema ko lang ay kung paano kami mananalo sa patintero at kung saan ako magtatago pag tagu-taguan ang laro hindi tulad ngayong malaki na ako. Sobrang dami ko nang prinoproblema. Haaaaays! Buhay talaga parang life.

"Tara duon tayo" sabi ni Rayver na ngayon ay nasa tabi ko na

Sinundan ko siya. Tumigil kami sa isang bench na may katabing puno.  Umupo ako doon at ganoon din ang ginawa niya

"Ano nga palang gagawin natin dito?"  Takang tanong ko

"Gusto ko lang magpahangin kasama ka" turan niya. Parang may isa pa siyang ibig sabihin or talagang nag a-assume lang ako. Haha

"Bakit nga pala dito mo naisipan magpahangin? Pwede naman sa labas ng bahay niyo" Tanong ko.

"Ang sarap kasing pagmasdan ng mga bata habang nakangiti silang naglalaro. Nakakagaan sila ng loob tsaka ayoko samin. Sobrang boring dun" aniya habang nakangiti. Si rayver ba talaga 'tong kausap ko? Ang sincere niya kasi magsalita at tsaka ang bait niya ngayon. Mabait ba talaga? Haha

"Ah. Siguro natatandaan mo din yung panahon na bata ka pa. Siguro ganyan ka din kasaya nung bata ka pa" masayang wika ko.

Bigla naman napawi ang mga ngiti niya sa labi "Sa totoo lang noong bata ako ay lagi ako sinasamahan ni mom na maglaro sa park. Lagi niya akong sinasabihan na wag bilisan ang takbo dahil baka madapa ako. Lagi niya akong pinupunasan ng pawis pag pagod ako. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng umalis si mom, Naglayas ata. Simula nung umalis siya ay hindi na ako pinayagan ni dad na lumabas ng bahay. Araw araw akong nasa bahay habang tinuturuan ng private tutor ko para daw handa na ako pag malaki na ako. Nainggit ako sa  mga bata na masayang naglalaro sa labas ng bahay nila. Para silang mga ibon na malayang lumilipad habang ako ay parang ibon na pinutulan ng pakpak. Kaya tuwing napunta ako dito sa park ay natatandaan ko ang masasayang araw ko kasama si mom" sabi niya.

nakita ko ang malungkot niyang muka. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko akalain na iniwan pala siya ng nanay niya.

"Wag kang mag alala. Kung wala man ang nanay mo ngayon sa tabi mo ay andito naman ako lagi para sayo" sabi ko at tsaka ko siya niyakap

"S-salamat" tanging nasabi niya

Bumitaw ako sa pagkakayakap at nakita kong nakangiti na siya. Hays mas lalo siyang pumopogi pag nakangiti siya. Teka! Ano ba tong mga  iniisip ko?

"Pwedeng payakap ulit?" Tanong niya na ikinagulat ko

"Wag ka ngang abusado!" Natatawang saad ko

"Pleaseeeeee" sabi niya na parang bata

"Habulin mo muna ako" sabi ko at tsaka ako tumakbo

Tumakbo din siya para habulin ako. mabilis siya kaya nahabol niya agad ako, niyakap niya ako mula sa likod kaya natumba kami sa damuhan habang nagtatawanan.

"Ummmm. Rayver..." nahihiyang sabi ko

"Bakit?" Tanong niya

"Pinapatawad na kita sa ginawa mo sakin nung niligtas mo ko kila Renz" wika ko

"Ahh yung pinasubo kit-" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil bigla kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko

"Pwede wag mo nang sabihin?" Sarkastikong sabi ko

"Salamat nga pala dahil pinatawad mo na ako" seryosong sabi niya

"No prob" turan ko

"Pwede magtanong?" Sabi niya

"Ano yun?" Tanong ko naman

"Masarap ba?" Sabi niya habang nakangisi. Pinagpapalo ko siya nung nagets ko yung sinabi niya

"Waaaah! Perveeeeert!!!"

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now