10 - His Side

4.6K 139 5
                                    

Sorry for the super duper late update. Medyo busy kasi sa school. Bare with me please! Salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa storyang ito. Labyu all!

x------------------------------------x


Rayver POV

Umalis ako sa bahay ni Louie. Hindi ko pa din makalimutan ang mga  nangyari kanina sa mall. Yung sa restaurant at tsaka yung sa Tom's World.

Hindi ko din makakalimutan ang pagpapa-pansin ni Andrew kay Louie. Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman na may gusto si Andrew kay Louie. Inis na inis nga ako sa Andrew na yun nung nasa mall kami e. Masyadong pabibo. Pero natawa din naman ako nung nakita ko yung muka niya nung natalo ko siya sa mini basketball sa Toms world

Naiinis kasi ako pag nakikita ko si Louie na kasama si Andrew. Hindi ko alam, pero nagseselos ako.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla bigla nalang ako nagka gusto kay Louie. Isa siguro sa mga dahilan ay mabait siya at tsaka hindi siya katulad ng ibang bakla na katawan lang ang habol. Napatunayan ko yun nung hindi ko sinasadyang ipasubo sakanya ang pag kalalake ko. Nadala lang ako ng libog. Kung ang ibang bakla ay magugustuhan ang ginawa ko, siya ay umiyak at sinampal ako. Ibang iba siya sa mga nagkakandarapa saking mga babae at binabae. Wala akong pakeelam kung ano man ang sabihin ng mga tao sakin. Basta ang alam ko, Mahal ko si Louie at handa ko siyang .

Noong una naiinis at nagagalit ako sa sarili ko dahil sa dinami dami ng babae diyan ay sa kapwa ko lalake pa ako nagkagusto. Pero unti unti ko din tinanggap ang nararamdaman ko. Unti unti kong tinanggap ang pagkatao ko.

Sumakay ako sa kotse ko at tsaka ko ito pinaandar. Sinabi ni Dad na kakauwi niya lang ng Pilipinas at may kailangan daw kaming pagusapan as soon as possible.

Hindi ko alam kung anong pag uusapan namin pero tiyak na importante iyon. Once in a blue moon lang kasi umuwi si Dad sa Pilipinas. Umuuwi lang siya dito sa Pinas pag may important occasion or business matters. Lagi kasi siyang nasa States. Duon niya minamanage ang company namin.

Si mom naman ay hindi ko alam kung nasaan. Basta ang huling memorya ko lang sakanya ay nung 6 years old ako. Ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. Ang araw na iniwan niya kami. Ang araw na iniwan niya ako.

Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng aming bahay. Bumababa ako sa sasakyan.

"John, paki park nalang yung kotse ko" seryosong sabi ko sa Guard namin. Tumango siya at tsaka siya sumakay sa kotse

I let out a heavy sigh as I opened the door of our house. Im ready to face dad

"Magandang hapon po Sir!" Magalang na bati ng aming katulong

"Nandiyan na ba si dad?" Tanong ko sakanya.

"Ay opo sir. Andoon po sa dining table, kanina pa po kayo hinihintay" malinaw na sabi niya

Pumunta na ako sa dining table at nakita ko doon si dad na nakaupo.

Umupo ako sa upuan sa left side  para hindi ako masyadong malayo sakanya

"Dad, what's the urgent call for?"
Tanong ko kay dad na may pagtataka

"Well, as you know our company is in bad terms now. So Mr. Monterial and his company offered us partnership" seryosong pagpapaliwanag ni dad

"Thats good to hear!" Masayang Komento ko. Sa totoo lang medyo stress si dad ngayon dahil bumabagsak na yung company namin kaya natutuwa ako dahil binisita niya ako dito. Nag karoon siya ng oras para sakin

"But..they have one condition" singit ni dad

"What do they want?"

"Mr. Monterial wants you to marry her daughter" sagot ni dad na ikinabigla ko. What the!? Seryoso ba siya? Ipapakasal niya ako sa taong hindi ko mahal. And worse is ipapakasal niya ako sa taong hindi ko kilala

"What!?" Reaksyon ko

"Dont worry. Mr Monterial's daughter is pretty. You'll get to know her soon" wika niya

"Dad. Please, wag mo munang mabilisin. Give me time to think" saad ko

"Okay, but you have to think fast so our partnership with the Monterial will be settled as soon as possible. And lastly, i know that you wont disappoint me. I'll be going. May appointment pa ako sa Korea" sabi niya at tsaka umalis

Umalis siya habang ako ay nakatayo pa din at gulong gulo sa mga sinabi ni Dad. Ayokong ma-disappoint siya sakin pero mas ayokong mag pakasal sa babaeng hindi ko mahal. Paano na ako? Paano na si Louie? Paano na kaming dalawa?

Napagpasyahan ko nalang na itext ang ka-tropa ko na si Liam

Ako : Pre. Samahan mo ko sa bar. Inom tayo

Liam : May problema ka ba pre? O gusto mo lang makatikim ng chix hehe

Ako :  May problema ako. Sa bar nalang natin pag usapan pre. Send ko sayo yung adrress ng bar

Liam : ge

Pagka send ko kay Liam ng adrress ng bar ay pumunta ako sa kwarto ko para mag bihis. Isang semi fitted maroon shirt at light brown walking shorts ang isinuot ko. Pumunta ako sa garage at sumakay na ako sa motor ko. Ayoko muna mag kotse, matagal tagal na din kase nung huli kong ginamit 'tong motor. Pinaandar ko ng mabilis ang motor papunta sa bar.

Pagkadating ko dun ay ipinakita ko ang card ko at tsaka ako pumasok sa bar. Nakita ko agad si Liam sa isang table habang may kalandian na isang babae.

"Pre!" Bati sakin ni Liam pagkalapit ko

"Pre. Pwede bang paalisin mo muna 'yang kasama mo. Importante kasi 'tong sasabihin ko" sabi ko

Pinaalis naman ni Liam yung babae na halatang nainis dahil sa pagpapaalis sakanya.

"Ano nga palang problema mo pre? Bakit ka nagyaya mag bar?" Tanong sakin ni Liam at bigla siyang uminom ng alak

Kwinewnto ko sakanya lahat ng pinagusapan namin ni dad kanina sa bahay.

"Oh anong problema dun? Maganda naman pala yung ipapakasal sayo e. Okay na yun! Dapat tinanong mo din kung sexy ba yung soon to be wife mo" komento ni Liam

"Ulol! hindi ko kayang pakasalan yung   babae. Kasi....kasi may mahal akong iba" nahihiyang sabi ko at lumagok ng konting beer

"Woah! Totoo ba yan?" Sabi ni Liam na parang nang iinis

"Seryoso ako pre" wika ko

"Pero wala kang magagawa dahil unang una sabi mo na ayaw mo na ma-disappoint ang tatay mo dahil sayo. Pangalawa, malay mo magustuhan mo din yung soon to be wife mo kasi maganda naman siya e. Pero kung talagang mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat magsama lang kayo hanggang sa huli. Nasayo padin ang desisyon" Mahabang paliwanang niya

Tama siya. Ayokong ma-disappoint si dad. Kung tatanggapin ko ang sinasabi ni dad ay magiging proud siya sakin. Pero worth it ba talaga na maging proud sakin si Dad kesa sa pag mamahal ko kay Louie? Hays! Ang hirap mag desisyon.

"Salamat pre. Buo na ang desisyon ko" sabi ko ng nakapag isip ako ng ilang minuto.

"Wow pre ah. Ang bilis mo mag desisyon. Pero sige, anong desisyon mo?" Tanong ni Liam

"Ipaglalaban ko ang taong mahal ko. Ipaglalaban ko ang taong mahal ko kahit pa ma-disappoint sakin si dad"
Confident na sagot ko

"Wow pre. Ang swerte naman ng taong mahal mo. Pwede ko bang malaman kung sino yang ipaglalaban mo? Baka type ko din e haha" natatawang sabi ni Liam. Kung alam niya lang na lalake ang nagugustuhan ko

"Gag*! Akin lang yung pre. Next time ko nalang sasabihin sayo kung sino yung taong yun. Sige pre mauna na ako, salamat sa pag sama sakin ha" saad ko

"Sige pre. Tawagan mo ako anytime, mauna ka na, iiscore pa ako sa mga chix dito e" sabi niya at tsaka tumawa

Nag ba-bye ako at tsaka umalis doon.
Habang nag dadrive ako ay paulit ulit na sinasabi ng utak ko an desisyon ko

Ipaglalaban kita Louie, ipag lalaban kita hanggang sa huli.

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now