26 - Stranger

2.4K 73 1
                                    

LOUIE

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang pancakes and i cant deny the fact na sobrang sarap nito. Tsaka ngayon lang naman ako nakakain ng pancake eh. Ay wait, hindi pala! Bumibili pala ako ng pancake na tigpa-5 pesos sa harap ng school namin dati, ang sarap kaya nun tas mura pa.

"Ummmm. Rayver n-naiihi ako. Saan ba ang banyo dito?" Tanong ko. Ihing ihi na kase talaga ako.

"Anong 'banyo'?" Kunot noo na tanong niya

Seryoso? Hindi niya alam yung ibig sabihin ng banyo?

"Ah. Cr yun" sagot ko

"Ah dun yung cr oh" sabi niya sabay turo sa may dulo

"S-Sige. Mag cc-r lang ako"

"Teka, gusto mo ba samahan kita?" Sasagot na sana ako ng oo pero bigla siyang ngumisi kaya biglang nagbago isip ko

"Hindi na, kaya ko na hehe" sagot ko at tsaka tumayo. Naglakad ako papunta sa tinuro ni Rayver

Nakita ko naman ang kulay white na dingding na parang may maliit na hawakan at parang door knob na bakal

Sinubukan kong i pull ito pero ayaw naman. Sinubukan ko ding pihitin pero hindi naman napipihit. Waaaaah! Ihing ihi na ako!

Tiningnan ko si Rayver pero tulog siya. Tumingin din ako sa paligid pero wala naman akong makita na flight attendant. Liningon ko uli ang pihitan at sinubukan ko ulit tong buksan

"Need some help?" Biglang may nagsalita sa likod ko

Napalingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalake. Mas matangkad siguro ng 5 inches kay Rayver. Hindi ko maikakaila na may itsura siya. T-Teka ito yung kaninang nakatitigan ko ah.

"Ah....Oo eh" Nahihiyang sabi ko. Yumuko ako dahil namumula na yung muka ko ngayon sa hiya. Sabi pa naman ni Rayver lahat ng kasama namin dito sa airplane ay business man. Baka pinagtatawanan niya na ako ngayon sa isip niya kase pinto lang ng cr sa airplane si ko pa mabuksan.

Hinawakan niya yung parang door knob at hinila ito pa side. Nagulat ako ng parang mag fold ang dingding at tsaka nagbukas.

"Thank you" pagapapasalamat ko

Naramdaman ko na ulit na naiihi ako kaya naman mabilis ko siyang pinasalamatan at tsaka pumasok sa cr. May isang nakasabit na ihian dito at may isang cubicle.

Sa cubicle ako pumasok dahil hindi ako sanay umihi sa nakasabit na ganon.

Pagkatapos kong umihi lumabas na ako sa cubicle pero nakita ko yung lalaking tumulong sakin. Nakasandal siya sa dingding habang naka cross arm

Nagkatinginan kami pero nag iwas nalang ako ng tingin at tsaka nag lakad palabas

"Hey" sabi niya. Tumigil ako at lumingon sakanya. Ayoko man mag assume na ako yung tinawag niya pero kaming dalawa lang naman ang nandito sa cr

"A...ako?" Nahihiya kong tanong at tinuro ko pa ang sarili ko

"Is there anyone else here?" Pabalang niyang sagot habang mayabang na nakangisi.

"Sorry...." sagot ko at yumuko kahit naiinis na ako sa kayabangan ng lalakeng to

"Haha dont be, im just kidding" tiningnan ko siya at nakita kong mahina siyang tumatawa.

"Hehe" pekeng tawa ko nalang para mukang nakikisakay ako sa trip niya

"Im Paulo by the way, Paulo Hudson" Hindi ko alam kung dapat din ba akong magpakilala kaya tumango nalang ako

"How 'bout you?" Tanong niya. Ano daw? Pangalan ko? Sabi ng nanay ko wag daw ako makikipagusap sa mga di ko kakilala kase baka daw kidnapper o magnanakaw yung mga yun pero sa kaso nitong si Paulo ay mas mapagkakamalan pa akong magnanakaw.

"Ah..... Im Louie" sabi ko.

"Nice to meet you, Louie" Nilahad niya ang kamay niya. Sa una ay hindi ko pa alam kung makikipagkamay ba ako pero nakipagkamay na din ako sa huli bilang respeto

"N-Nice to meet you too" nahihiyang sabi ko.

"Can I get your number?" Tanong niya

"NO" nagulat nalang ako sa biglang pagdating ni Rayver at pagsasalita niya. Mukang galit yung ekspresyon ng muka niya ngayon kaya nakaramdam ako ng takot.

Hinila niya ako palabas. Kahit na marahas ang pagkakahila niya ay hindi na ako nagreklamo.

"Who's that guy?" Seryosong tanong niya ng makaupo kami. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin to the point na medyo nasasaktan na ako. Hindi naman yung sakit na namimilipit ako.

"R-Rayver, nasasaktan ako"

"Im asking you, who's. that .guy?"

Kwinento ko sakanya ang buong nangyari para hindi na siya magalit.

Tinanggal niya na ang pagkakahawak niya sa braso ko at ng tingnan ko ang braso ko ay namumula to. Napatingin din naman siya sa braso ko

"Im so sorry, i didnt mean to hurt you babe. Im just so fucking jealous earlier"

Hindi ko siya pinansin dahil ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang braso kong namumula. Hindi naman sa pagmamayabang, pero may kaputian din naman ako kahit papano kaya halata na namula yung braso ko dahil sa mahigpit na hawak ni Rayver

"Hey. I said im sorry" bahala siya, hindi ko siya papansinin.

"Hey"
"Psst"
"Louie"

Hindi ko parin siya pinapansin kahit anong tawag niya sakin.

"Im so sorry. I just cant control my jealousy. Nagselos lang talaga ako kanina sa lalakeng yun kase hinihingi niya number mo, malay mo may gusto pala siya sayo. Gusto ko kase akin ka lang. Kung pwede nga lang na itali kita sakin ginawa ko na para hindi ka na mahawakan pa ng ibang lalake. I love you and thats why im this freakin' possesive to you" mahabang say niya.

Tiningnan ko siya at tsaka ko siya nginitian. Ayaw ko man aminin pero kinilig ako sa mga sinasabi niya. Isa din kase sa character trait ng ideal boyfriend ko ay ang pagiging possesive. Pero hindi naman ako umaasa na magkaka-boyfriend ako kase alam ko naman na walang forever yung karamihan sa katulad ko, yung iba naman na katulad ko ang swerte dahil nahahanap nila ang one true love nila kaya nga sana mahanap ko din yung akin kahit maunti lang ang chance.

Natigil ako sa pagiisip ko ng biglang tumunog ang speaker ng airplane

"Goodafternoon. A little reminder that the plane will be landing after 5 minutes. Thank you and have a good day!"

After 5 minutes ay naramdaman ko na, na bumaba na ang airplane at nag land.

Narinig ko pang bumulong si Rayver
"Here we come, Paris"

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now