11 - Tutoring F

4.7K 136 5
                                    


Louie POV

Bigla akong naalimpungatan. Bumangon ako at nag unat. Tiningnan ko ang orasan 8:05 PM so bale 2 hours lang pala ako nakatulog simula nung ihatid ako ni Rayver dito sa bahay. Naalala ko nanaman yung saya naming tatlo nila Rayvee at Andrew kanina sa mall. Kaya pala parang pagod pa din yung katawan ko.

*brrrrrr* biglang pag tunog ng tiyan ko. Tama. Nagugutom na ako. Pumunta ako ng kusina at tiningnan kung may pagkain duon kahit canned goods lang. Pero wala akong nakita kahit isa. Kahot tinapay manlang wala din akong nakita.

Napagpasyahan ko na bumili na lang sa labas. Pinunasan ko ang muka ko at sinuklay lang ang buhok ko tsaka ako lumabas. Buti nalang may natira pa akong pera. Kasya na siguro 'tong pera ko para sa dalawang noodles.

Sarado na ang mga tindahan na malapit sa amin kaya pumunta nalang ako ng 7-11, hindi naman masyadong malayo yun sa bahay namin kaya naglakad nalang ako. Pagkadating ko ay Pumasok ako at pumunta sa pwesto ng mga noodles. Kumuha ako ng dalawang chicken flavored noodles at tsaka pumunta sa counter.

"21 pesos po sir" paninigil ng lalakeng cashier

Pagkabayad ko ay kinuha ko ang resibo at palabas na sana ako ng makita ko sa isang mini table si Renz. Biglang siyang napatingin sa akin at nag tama ang mga mata namin. Lumakad ako at nasa may pushing door na ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Teka lang Louie" mahinang sabi ng nasa likod ko. Tumalikod ako para siguraduhin kung siya nga ang humakaw

"B-Bitawan mo ako Renz. Kung tungkol nanaman 'to sa natapunan kita ng juice ay humihingi na ako ng tawad" mahinahong sagot ko

"No. Hindi mo kailangan mag sorry. Ako ang mag sosorry sayo dahil sa muntik ka ng mapagsamantalahan ng kaibigan ko dahil sakin" mahabang wika ni Renz at tsaka niya ako binitawan

"O-okay. Pero wag mo na uulitin yun ha" sabi ko

"Hinding hindi ko na uulit yun at Salamat dahil pinatawad mo na ako" tipid na sagot niya

"Sige. Una na ako" pagpapaalam ko

"T-teka lang. One last thing" pahabol na sabi niya ng akma na akong lalabas

"Ano yun?" Takang tanong ko

"Pwese ba tayo maging magkaibigan?" Tanong niya

"S-sige" sagot ko

"Salamat ulit" sabi niya

"Ba-bye" sabi ko at tsaka ako lumabas ng 7-11. Ano namang naisip niya at gusto niyang makipag kaibigan sakin? Weird.

Bumalik ako ng bahay at tsaka nagluto. Pagkatapos kong kumain ay natulog na ako

-----------

Kinabukasan ay dali dali akong naligo, nag ayos ng sarili at nag bihis ng maayos na damit. Ngayong saturday ko kasi itututor si Franz, yung anak ng principal.

Sumakay ako ng jeep at pinuntahan ang address na binigay sa akin ni principal Smith. Binigay niya kasi sakin yung address ng bahay ng anak niya. Hindi lang ata naisulat ni awtor.

Nalaman ko din na hiwalay pala ng bahay si Mrs. Principal at si Franz. Gusto daw kasi ni Franz maging independent.

Pagkadating ko sa address ng bahay ay bumaba ako sa jeep. Maganda naman yung bahay. Medyo malaki din at tsaka maganda yung design sa labas.

Kumatok ako sa pintuan ng bahay. Kinakabahan talaga ako. Paano kung mataray at suplado yung anak ni Mrs. Principal? Sana naman mabait siya

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang-

My Pervert Hero (Boyxboy)Where stories live. Discover now