8 - Early dinner with them

4.9K 142 0
                                    

Louie POV

"Sakay na"
"Sakay na"

Sabay nilang sabi. Nag katinginan sila at tsaka masamang tiningnan ang isa't isa.

Napaisip ako.

Kung sa kotse ni Rayver ako sasakay, alam kong tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating sa mall. At alam niyo naman kung paano siya makipag-usap.

Kung kay Andrew naman, Alam kong mag kwekwento siya ng mag kwekwento. Kaya magiging masaya ang byahe dahil walang awkwardness

Pero parang may nag tutulak sa akin na kay Rayver ako sumama. Ewan ko! Bahala na!

Alam ko na!

"Sa jeep nalang ako sasakay papuntang mall. Kita-kita nalang tayo sa labas ng mall. Bye!" Sabi ko at mabilis akong nag tungo papunta sa sakayan ng jeep at sumakay doon. Nag simula ng umandar ang jeep

"Para!" sabi ko at tumigil na ang jeep sa tapat ng Sm

Agad ko namang nakita sila Rayver at Andrew na nag hihintay sa tapat ng entrance. Andaming babae na naka tingin sa kanila. Yubg iba nalapit pa at nag papa-picture

"Bakit ang tagal mo?" Seryosong Tanong ni Rayver ng lapitan ko sila

Nag tinginan sa akin yung mga babae at binabae na nakapaligid sa kanila. Halata sa muka nila ang pag tataka.

"Sorry ha! Hindi kasi kasing bilis ng sasakyan niyo yung jeep na sinakyan ko" inis kong sabi

"K" tipid na sabi niya. Bwisit talaga

"Tara na" sabi ni Andrew habang nakangiti

"Tara!" Masiglang sabi ko at nginitian ko siya

"Tss" bulong ni Rayver. Ano nanamang problema niya?

Pumasok na kami ng mall. Mag kakasabay kaming naglakad. Nasa gitna ako at sila namang dalawa ay nasa gilid ko. Mukang may bodyguard tuloy ako. Joke! Ako nga mukang katulong nila e haha

"Kain muna tayo. Okay ba sainyo?" anyaya ni Andrew

Tumango nalang kami bilang sagot na oo

Pumunta kami sa 'el Columbia' restaurant.

"Table for how many, sir?" Tanong ng isang waiter pag ka pasok namin sa restaurant

"Table for 3" Sabi ni Rayver. Wow! Nag salita siya. Ngayon lang kasi siya nag salita simula ng pumasok kami ng mall

"Follow me" utos ng waiter.

Sumunod kami sa waiter at dinala kami sa may dulo ng restaurant na may tatlong magagandang upuan

"Here are the menu" sabi ng waiter at ini-abot sa amin ang tatlong menu.

Kinuha ko ang isang menu at binuklat iyon. Nanlaki ang mata ko ng tingnan ko ang mga presyo ng mga pagkain. Yung pinaka mura nilang pagkain ay 4500 pesos. Jusko! Ilang linggong baon ko na ang halangang 4500. Ang natitirang pera ko nalang kasi ay 60 pesos. Akala ko kasi sa Jollibee kami kakain.

"I will have Farfaitìe , three slice of Caviar cake and iced tea" sabi ni Andrew sa waiter

"Mine is Fièn soup, Titaniate opulence salad and water" saad ni Rayver

"Okay. How about you sir?" Tanong sa akin ng waiter. Lagooot. Anong sasabihin ko? Huhuhuhu lupa lamunin mo na ako

"Um...a-e Nothin-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang nag salita si Rayver

"He will have the same order as mine"  sabi ni Rayver.

"Okay. Just wait for 15-20 minutes for your food" wika ng waiter at tsaka ito umalis.

"Bakit mo ako inorder ng pagkain sa waiter!?" Tanong ko kay Rayver. Lagot ako netooo. Saan ako kukuha ng pambayad!?

"Whats the problem if i ordered you some food?" Sabi niya.

"Alam mo naman na wala akong pambayad sa mga pagkain na yun!" Inis na Sagot ko

"Chill. Ako naman ang mag babayad sa order mo" sabi niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Phew! Ano kayang nakain niya? Bakit niya ako laging nililibre?

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Tahimik lang kaming tatlo habang nag hihintay sa pagkain

"So Louie, What job will you take after college?" Pambabasag ni Andrew ng katahimikan

"Siguro mag nurse or teacher nalang ako" sagot ko. Gusto ko sana maging archeologist pero wala naman kaming pera para sa course na yun for college.

"Good choice. How about you Rayver? Anong future job mo?" Tanong ni Andrew

"Business. I will manage our company after graduating from college" sagot ni Rayver.

Mayaman pala talaga siya. May sariling company si Rayver at siya na ang mag mamanage nun after grumaduate ng college. Ano kayang feeling pag mayaman ka? Sana maramanasan ko din maging mayaman balang araw

"Eh ikaw Andrew? Anong future job mo?" Tanong ko

"Business din. Owner kasi ng company si Daddy e. Kaya ako na ang mag mamanage ng company namin after college. Same lang kami ni Rayver" paliwanag ni Andrew. Mayaman din pala talaga si Andrew

"Hindi mo ba ako tatanungin?" Biglang sabi ni Rayver.

"Ha? E diba tinanong ka na ni Andrew?" Takang sabi ko

"Nevermind" tipid na sabi niya. Anong problema neto? E tinanong na kaya siya ni Andrew. At ang sabi niya buisness daw.

Saktong dumating naman ang waiter habang dala ang mga pagkain na inorder namin. Ay inorder pala 'nila'

"Here is your order sir" sabi ng waiter  at inilagay niya na ang mga pagkain sa dining table. Pag kalagay ng mga pagkain ay umalis na din ang waitee

Nagsimula na kaming kumain. Para akong dinadala sa langit sa bawat subo ko ng pagkain. Napaka sarap. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain.

Pag katapos namin kumain ay bumalik na ulit ang waiter.

"Mag kakasama na po ba babayaran?" Sabi ng waiter.

Bigla akong kinabahan. Alam ko na sinabi ni Rayver na siya ang mag mag babayad sa akin. Pero baka kasi pinag tritripan niya lang ako

"Oo" sagot ni Rayver. Phew! Akala ko pinag tritripan niya lang ako e

"Wag na pre. Ako na ang mag babayad sa amin ni Louie" saad ni Andrew.

"Ako na" tipid na wika ni Rayver

"No. I insist. Yung order mo nalang bayaran mo. Ako na mag babayad sa order ko at order ni Louie" sabi ni Andrew

"Ako na nga diba. Kung gusto mo bayaran mo sarili mong order. Basta Ako ang mag babayad sa order namin ni Louie" tugon ni Rayver

"Sinong gusto mong mag bayad ng order mo Louie?" Biglang tanong ni Andrew

Ommyyyy ano bang problema nila? Bakit ako pa ang tinanong nila. Tumingin ako kay Rayver. Naka tingin siya sakin. Tiningnan ko si Andrew. Seryoso din siyang nag hihintay ng sagot ko

"B-Bahala kayo. Wait lang ha. Mag c-cr lang ako" sabi ko at tsaka ako pumuntang cr

Kaloka sila. Umihi ako at tsaka ako lumabas uli ng cr.

Tiningnan ko ang table namin. Wala na sila. Lumabas ako at nakita ko sila na nag hihintay sa tapat ng pintuan ng restaurant.

"Saan mo gustong pumunta Louie?" Tanong ni Andrew.

"Sa Tom's World" sabi ko

My Pervert Hero (Boyxboy)Место, где живут истории. Откройте их для себя