A Week With The Star

31.2K 241 27
                                    

A/N:

This is a short story. 20- 25 chapters lang po ito. This is under the category of short story. Gusto ko lang pong pagbigyan ang mga readers kong naghahanap ng Von Anthony Lee Story.

Ang anumang pagkakahalintulad ng mga pangalan ng bida, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya. Ang lahat po nang nakasulat dito ay pawang kathang isip o medyo halaw sa tunay na buhay ng inyong author. Sa akin lamang at wala ng iba. Ang magtangkang kopyahin ito ay sinusumpa kong hindi magiging matagumpay habang buhay... hahahaha!

Enjoy!

______________________________________

PROLOGUE:

Anong gagawin mo kung sa hindi sinasadyang pagkakataon ay sinuwerte kang mabunot sa isang game show? Bilang isa sa pinakasuwerte sa dakilang suwerteng libo-libong fans ay ikaw ang napili para makasama ng sikat na idol sa isang out-of-town get-away. Ikaw na hindi man lamang niya napapansin sa milyong-milyon nilang followers. Ikaw na maganda din naman, pero hindi ganoon ka-sexy. Pagkakataon mo na ito kaya hindi mo palalampasin.

Anu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista?

Alamin natin kung paano ni Lianne Jaira Dimagiba, 19 years old, single, maganda, mula sa mahirap na antas sa buhay, matangkad, mabait, at hindi masyadong matalino, pero maparaan sa buhay, ay gagawin ang lahat para mapa-ibig ang isang sikat na sikat na artistang si Von Lee.

Si Von Anthony Lee na 30 years old, single, matalino, gwapo, mayaman, matangkad, sikat sa buong mundo, pero mukhang sugatan ang puso, ay makakasama ni LJ sa loob ng isang linggo. Isang linggo sa isang malayong lugar sa Maynila. 

"Promise Cathy, pagkatapos ng byaheng ito sa El Nido, Palawan ay hindi na ako makakalimutan ni Von Anthony Lee. Sisiguraduhin ko na hahanap-hanapin niya ang isang Lianne Jaira Dimagiba na siyang magpapainit ng malamig niyang mundo." Sabi ni LJ sa kanyang kaibigang si Cathy habang titig na titig sa kumakantang si Von Anthony Lee kasama ang kanyang mga kabanda.

Magtagumpay kaya siya? Maging magkaibigan kaya sila? Mapansin kaya siya? Maakit nga kaya niya? O mananatiling isang fan na humahanga sa isang sikat na artista?

____________________________________

A/N:

VOTE & COMMENT po kayo. Ang update po ng kwentong ito ay 3x a week lang kasi ang dami kong on-going series. Whew! First time ko ito! Sana ay magustuhan ninyo.

-Angel Melay\

April 6, 2014

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon