*13*

7.3K 161 15
                                    

A/N:

WARNING: SPG! SORRY FOR THE BAD WORDS! Please VOTE & COMMENT. 25 VOTES & 15 COMMENTS = UPDATE. Pagbigyan na po ninyo ako kasi hanggang Chapter 20-25 lang po ito. Maraming salamat sa inyo! And please read MY ALIEN BOYFRIEND na rin po. Thank you guys!

___________________________________

*13*

SINO? 

Dinner time na. Late na nga kami nakapagdinner kasi inaantay at hinahanap namin si Von. Mula ng mag-walkout siya sa akin kanina ay hindi na namin siya nakasama. Ang sabi ng ibang napagtanungan ko, ay nasa kabilang isla daw. Ang sabi naman ng ilan ay nasa restaurant daw dito at may kasamang babae. Pinuntahan ko sa bawat sabihin nila, pero wala talaga!

"Nasaan na ba si Von?" Tanong ko kina Ate Kat. 

"Hindi nga rin po namin alam." Sagot ni Ate sa akin. Kahit isa sa mga kasama namin ay wala ring alam kung saan siya nagsuot. Nakakapag-alala nga. Hindi pwedeng lumakad si Von ng walang kasama dahil baka pagkaguluhan siya. Imposible namang umuwi na siya ng Manila dahil nasa kwarto pa ang gamit niya. 

Napabuga ako ng hangin. Hindi na nga ako nakakain ng ayos dahil kanina pa ako nag-aalala sa kanya. Kahit anong sarap ng pagkain dito sa resto ay wala akong gana. Iniisip ko pa lang na baka kung napaano na siya ay parang mababaliw na ako.

"Wala bang nabanggit sa inyo kanina?" Tanong ko kay Kuya Kit.

"Wala po, Miss Lianne." 

Tumayo na ako kaya nagsunudan na sila. "Gabi na. Puntahan na lang ninyo ako sa suite kapag may balita na kayo kay Von." Bilin ko pa sa kanilang lahat.

"Sige po, Miss Lianne." Sagot naman noong cameraman sa akin.

Tumalikod na ako at tinungo ko na ang daan pabalik sa hotel. Pinabayaan ko na lang muna ang mga kasama namin na gawin ang nais nila. Nag-aalala talaga ako kay Von. Saan ba kasi siya pumunta? Solo ba siya o may kasama?

Laglag ang aking balikat na pumasok na sa hotel. "Miss Lianne." Tawag sa akin ni Trevor. Nakaupo lang siya sa may couch ng lobby.

Lumapit ako sa pwesto niya. Tumayo naman siya at hinarap ako. "May problema ka?" Tanong niya sa akin habang iginagala ang mata niya sa buong mukha ko.

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ang mas maraming tutulong sa akin na mahanap si Von. Napagdesisyunan ko tuloy na ikuwento sa kanya ang lahat.

"Kanina pa kasi namin hinahanap si Von. Hindi namin siya makita. Ang huli kong kita sa kanya ay kanina pang hapon noong talikuran niya tayo." Paliwanag ko kay Trevor.

"Sige. Tutulungan kita. Ipagtatanong ko sa kapwa ko empleyado kung nakita siya." Sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Marahil ay para kumalma ako ng konti.

Tanging tango na lang ang naisagot ko. Pinanuod ko ang likod niyang palayo na sa akin ng may maalala ako. "May kailangan ka ba sa akin, Trevor?" Naalala ko kasi kung ano nga ba ang sadya niya sa akin at pumunta siya dito sa hospital?

A Week With The StarWhere stories live. Discover now