*16*

7.4K 155 45
                                    

A/N:

Please VOTE & COMMENT po. Maraming salamat sa sobrang dami ninyong support dito sa kwentong ito. Sana po ay basahin ninyo iyong MY ALIEN BOYFRIEND. Hindi naman po buong nasa tv ang andoon. May mga chappies doon na akin. Iyong story line lang ang may pakakahawig. Thanks po!

__________________________________

*16*

10 MINUTES

"M-Masakit ang ulo ko." Sabi niya habang napaupo na sa may pintuan ng suite namin at nakahawak sa tiyan niya.

Kumunot ang noo ko. "Ulo?" Nagtatakang tanong ko. Kasi kung ulo ang masakit sa kanya, bakit tiyan ang hawak niya? Ang gulo! Tiyan ata at ulo ang masakit. Tama ba?

Inilipat niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo. "O-Oo. Ulo talaga. Sa sobrang sakit, ayaw na magfunction ng ayos. Hindi na niya maprocess kung alin ang dapat kong hawakan." Sabi niya sabay ngiwi.

Ganoon pala kapag ulo ang masakit? Pati intellect mo maapektuhan? Eh ang motor skills kaya maapektuhan din? Never ko pang narinig na ganoon pala iyon. Mabuti na lang talaga at nakasama ko si Von ng isang linggo dito sa Palawan. May mga bagay akong natutunan sa kanya.

Inakay ko siya papasok muli sa suite namin. Sinipa ko na lang ang pintuan dahil inaalalayan ko siya. Kailangangan ko siyang alalayan dahil parang hindi niya kayang maglakad dahil sa sakit ng ulo.

Hinila ko siya sa couch at pinaupo doon. Tumabi ako sa kanya. Nagulat ako ng itulak niya ako palayo sa kanya. "Urong ka nga." Nanghihina niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Ayaw mo bang naandito ako?" Bakit pa niya ako tinawag kung ayaw niya akong malapit pala sa kanya? "Sige, iwan na lang kita. Tawagin ko na lang sina Kuya Kit para tingnan ka. Saka baka naghihintay na din si Trevor." Sabi ko at agad na tumayo para lumabas na. Kung ayaw niyang magpa-asikaso sa akin ay wala akong magagawa. Mahirap namang ipilit ko pa ang sarili ko. Baka lalong sumakit ang kanyang ulo.

Humakbang na ako para lumabas ng bigla niyang hulihin ang palad ko. In an instant, biglang gumapang ang kakaibang kuryente sa buong katawan ko. "Lianne, stay with me. Please don't go?" Pakiusap niya sa akin.

Titig na titig kami sa isa't-isa. Iyong mga mata niyang nakikiusap ay hindi ko kayang tanggihan. "Ang sakit ng ulo ko." Daing niya sabay bitaw sa akin at hawak sa magkabilang sentido niya habang nakasandal sa sofa.

Umupo ako muli sa gilid niya. "Ano ba kasi ang nangyari at sumakit ang ulo mo?" Tanong ko habang hinihilot ang sentido niya. Pero grabe! Wrong move dahil sobrang lapit ko sa mukha niya. Namamawis tuloy ang paald ko sa kaba dahil nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. 

Hinawakan niya ang magkabilang palad ko kaya napatigil ako sa pagmasahe. "Umurong ka. Pahiga ako." Sabi niya in a very sexy voice.

Gad! Kinilabutan ako. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan. Kulang na lang ay buhok ko sa ilong. Iba talaga ang epekto ng isang Von Lee sa akin. Sabagay, sa gwapo ba naman niyang ito, who would never like him? Or worst, fall for him?

Nagpatianod ako sa mahina niyang tulak. Napunta ako sa dulo ng mahabang sofa. Humiga siya sa aking kandungan at ginawa akong unan. Shezz! Ang kilig ko, grabe na! Para na akong maloloka!! Pati paghinga ko ay irregular na, lalo na at hindi pa rin niya binibitawan ang mga palad ko para lang ilagay sa kanyang sentido.

A Week With The StarWhere stories live. Discover now