*6*

8.6K 165 25
                                    

A/N:

WARNING: SORRY FOR THE SPG WORDS :(  VOTE & COMMENT po! Please read po natin ang MY ALIEN BOYFRIEND. Medyo tulad lang po siya nang MY LOVE FROM THE STARS pero hindi naman eksaktong iyon na po.

Salamat po!

__________________________

*6*

NAKALABAS ANG..

“Isuot mo na iyan.” Sabi sa akin ni Von habang pinipili iyong isang kulay apple green na two-piece swimsuit. Bumalik kasi kami sa hotel room namin para daw makapagpalit ako.

Isiniksik ko muna sa bag ko iyong iba pa niyang binili sa akin bago ako pumasok sa cr para magpalit dito sa loob ng kwarto ko.

Napangiwi ako ng makita na halos wala na akong tinatakpan sa suot ko. Kaya ko ba talaga ito? Pero siyempre, kailangang kayanin ko dahil kailangang maging head turner ako. Imagine, isang sikat na artista ang kasama kong maggagala sa resort na ito.

Ipinusod ko ang mahaba kong buhok bago ako sumilip sa labas ng aking kwarto. Naisara ko din ulit nang makita ko si Von na nakapikit at nakasandal habang may pinakikinggan sa kanyang headset sa tenga. Nakailang hinga muna ako ng malalim bago ko napagpasyahang lumabas na.

“Von.” Malumanay na tawag ko sa kanya habang tinatapik ang kanyang balikat.

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Von sa akin at ganoon na lang siya natulala ng makita ang kabuuan ko. Itinakip ko pa ang kamay ko sa harapan ko dahil sa hiya sa kanya. Lalo na at parang naestatwa na siya sa pagtitig sa akin.

‘Is this a good or bad sign?’ Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi alam talaga kung reaction lang ni Von ang pagbabasehan ko.

Ilang na ilang ako dahil nakatayo lang ako at inaantay ang sasabihin niya, samantalang siya ay nakatitig lang na pabalik-balik sa paa ko, papuntang ulo, at papuntang paa ulit. Halos gusto ko nang matunaw. Ang lakas tuloy nang kalabog ng dibdib ko. Lalo pang lumakas nang makita ko ang malakas na pagtahip ng kanya ring dibdib mula sa sando niyang suot.

“P-Panget ba?” Nahihiya at nauutal kong tanong. Gusto ko na lang kasing marinig ang comment niya para matapos na ito. Kung sasabihin naman niyang panget ay baka patungan ko na lang ito ng isang sando ko o itatali ko na lang ang tuwalya sa bewang ko.

Hindi sumagot si Von sa tanong ko. Marahas lang siyang tumayo at tinalikuran ako. “Tara na!” Mariin niyang sabi at binuksan na ang pintuan ng suite namin.

Ako naman tuloy ang tulala. Should I change or not? Hindi ko alam. Kasi sa totoo lang, naguguluhan ako sa kinikilos niya. Napaka-weird niya ngayon.

Dinig na dinig ko dito ang pag-TING nang elevator sa labas kaya patakbo akong lumabas at inilock ang pinto. Muntik pa akong mapagsarahan kung hindi ko iniharang ang paa ko. Medyo masakit pa nga ng konti dahil muntik ng maipit.

Umurong si Von sa isang gilid nang makapasok ako. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator at hindi ako masyadong humihinga. Pakiramdam ko kasi ay naririnig ni Von ang lakas ng tambol ng aking puso. Paranoid lang siguro ako, pero iyon ang pakiramdam ko eh.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon