*25*

3.9K 168 49
                                    

*25*

EPILOGUE - VON'S POV

"VONNN!" Sigaw ng mga fans.

Sa halos isang dekada ko sa showbiz ay sanay na ako na pagkaguluhan ng mga fans. Sikat na sikat kasi ako, pati ang aking buong banda. Siguro ay nakatulong din sa akin na mula ako sa angkan ng mga artista.

Artista din kasi ang mga magulang ko. Anak ako ng mag-asawang Zyrah del Fierro at Zeon Lee. Nasa highschool pa lang ako noon nang pilitin ng aking Tito Lance Lao ang aking mga magulang na magmodelo para sa kanilang kompanya.

Sila ang may-ari ng LAO ENTERTAINMENT COMPANY. Ang same company na nagpasikat sa aking mga magulang. At dahil sa angkin kong kagwapuhan, kakisigan, at talento, napasikat ako ng walang kahirap-hirap ng Lao Entertainment. Doon na naging tanyag ang pangalan kong Von Anthony Lee sa buong mundo.

"Von, please sign this cd for me." Anya ni Janelle na nakapila sa aming fans day.

Si Janelle ay kaklase ko mula highschool. Buong school ata ay alam kung gaano niya ako kagusto. Para siyang langaw na aaligid-aligid palagi sa tabi ko. Ginawa rin niya ang lahat para makuha ang atensyon ko. Maganda naman siya, maputi, at matalino na rin. Pero kasi, ayoko ng kanyang ugali. Maldita siya at masyadong lantaran kung magpapansin. Ginagalit din niya ako sa pambubully niya noon sa kaisa-isang babae na minahal ko, si Stepahie Cruz.

Si Steph ay kababata ko. Nakilala ko sila ng sabay ni Franz Roff noong nasa elemntarya pa lang ako. Kapitbahay namin kasi sila sa bagong bahay na pinatayo ng Daddy para sa amin. Mabait siya, maganda, at matalino. Mga katangiang magugustuhan ng bawat isang lalaki. Bestfriend ko silang dalawa ni Franz.

Sikat na sikat si Steph noon sa buong paaralan. Madami siyang admirers at isa na ako doon. Pero isang bagay ang ikinaiinggit ko sa kanila, pwede nilang iparamdam kay Steph na gusto nila siya. Samantalang ako ay hindi! Magbe-bestfriend kami at natatakot ako na masira ang aming samahan kung liligawan ko siya.

"Gusto mo si Franz, no?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi no!" Pagtanggi niya kahit huling-huli na.

Madalas ko kasi siyang mahuli na nakatitig o natutulala sa tuwing kausap namin si Franz. At isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi niya makita ang lahat ng kabutihan ko. Para bang all eyes siya palagi kay Franz.

Medyo napapansin ko din na may pagtingin siya kay Steph. Kaya isang araw na kaming dalawa lang ang magkasama, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa aming kaibigang babae.

"Franz, do you like Steph?" Tanong ko sa kanya habang naglalaro kami ng DOTA sa bahay namin noon.

Natigilan si Franz sa tanong ko. Naging dahilan pa iyon para ma-out siya sa laro namin. Medyo kinabahan ako sa isasagot niya, pero hindi ko ipinahalata.

"Why are you asking?" Tanong niya sa akin.

This is it! Siguro madaya nga ako, pero gagamitin ko ang pagkakataon ito para maunahan siyang ipaalam ang nararamdaman ko. Dahil alam kong siya iyong tipo ng kaibigan na kayang magparaya. Lalo na sa akin na siyang naghimok din sa kanya para pumasok sa industriya.

"Because I like her." Sagot ko sa kanya.

Natatandaan ko kung paano nalalaglag ang panga niya noong malaman ang totoong nararamdaman ko. Ilang lunok pa ang pinakawalan niya bago siya nakapagsalita. Halatang affected, pero hindi naman masabi-sabi..tss!

"Oh? Then court her!" Sagot niya at ibinalik ang atensyon sa paglalaro.

Sa hindi malamang ikot ng pagkakataon, nakuha ko din ang puso ni Steph. Nagawa kong mabawi iyon kay Franz. Naramdaman kong mahal na mahal na niya ako noon. She was my first girlfriend. And I was hoping that she will be the last!

A Week With The StarWhere stories live. Discover now