*19*

6.9K 186 50
                                    

*19*

HINDI MAKAPAGPIGIL

Mula nang yakapin ako ni Von kanina ay uneasy na ako. Para akong pusang hindi mapakali. Para akong si Prinsipe Abante na iniput@n ng Ibong Adarna na naestatwa. For short, ilang na ilang ako. Hindi ako makakilos ng ayos. Kung may itatanong ang mga kasama namin, sasagot ako pero maikli lamang. Pati pag-galaw ko ay matipid.

"Let's eat." Nag-alok pa sa akin ng kamay si Von para makatayo ako sa pagkakasalampak ko dito sa isang tabi sa labas ng yate. Nauna na sa loob sina Ate Eva dahil tapos nang magluto ng ihaw-ihaw.

Medyo natatakot akong tanggapin ang kamay ni Von dahil hanggang ngayon, 45 minutes na ang nakakaraan, ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. Hindi talaga ako maka-getover doon sa sinabi niya kaninang, "Huwag ninyong biruin si Lianne. Nahihiya tuloy ang baby ko sa inyo."

Hindi ko alam kung biro lang iyon, pero iba talaga ang epekto sa akin. Parang gusto kong magtago sa kilig para makatili. Pero parang gusto ko ring tumalon sa dagat at magpakain sa mga pating. Nahihiya kasi ako sa pwedeng isipin nina Ate Eva, Kuya Kit, at Kuya Tim. Kung bakit naman kasi niya ako tinawag na baby habang yapos ako?

"Lianne, alam kong gwapo ako. Pero baka pwedeng tumayo ka na para makakain na tayo sa loob. Mahirap matunaw sa titig mo nang gutom." Nakangising sabi niya sa akin.

Naghurumentado na naman tuloy ang mga paru-paro sa sikmura ko. Ang nagpalala pa ay ang pagkindat niya pagkatapos sabihin iyon. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang mga pisngi ko. Nasisiguro kong pulang-pula ako!

Kaya sa nangangatal na kamay ay tinanggap ko ang palad niya at tumayo. Muntik pa nga akong mapaupo ulit. Mabuti na lamang at alerto akong inalalayan ni Von. Ang mga tuhod ko kasi ay hindi maasahan at nanglalambot! Kainis naman oh!

"S-Sorry." Tanging nasabi ko. Alam kong masyado na akong paasikaso sa kanya eh.

Ngumiti lang siya sa akin. "Halika na. Gutom ka na." Sabi pa niya kaya nagbigay na lamang ako sa paghila niya sa akin papasok.

Mas lalo akong nailang nang makapasok na kami ng yate. Ang lahat ng mata kasi nila ay nasa amin. Parang mga nakakalokong nakatingin sa amin. Si Ate Eva ay napakagat-labi pa at halatang nagpipigil nang pagngisi. Parang ayaw ko na tuloy sumabay sa kanila sa pagkain. Para kasing nag-aantay ng next na kilos namin ni Von ang mga kasama namin.

"Kakain ba tayo o magtititigan?" Seryosong tanong ni Von kaya nag-iwas na sila ng tingin at nagsimula nang kumain. Nahalata ata ni Von ang mga nakasunod nilang titig kaya nagsalita siya ng ganoon.

"Gusto mo, Miss Lianne?" Halos sabay pang alok sa akin nina Kuya Tim at Camera Man.

"Tikman mo ito." Banat naman ni Ate Kat.

"T-thank you." Kinuha ko na lang ang inaabot nila, pero inilapag ko din agad sa malapit sa pinggan ko.

Hindi pa kasi ako makapili kung alin ang kukunin ko sa mga nakahain. Naiilang kasi ako sa attention na binibigay nila sa akin ngayon. Marahil ay naikuwento na ng tatlong kasama namin kanina sa labas ang mga nangyari sa amin ni Von. Kaya marahil ay inaakala nilang espesyal na ako sa kanya kaya todo asikaso din sila sa akin.

A Week With The StarWhere stories live. Discover now