*14*

7.3K 182 25
                                    

A/N:

Last 6 chappies. Pwede po bang humingi ng favor na mag- 25 VOTES & 15 COMMENTS naman po kayo para makapag-UPDATE ako? Please? Gusto ko lang pong itaas ang position ng AWWTS sa What's Hot. Salamat po!

_____________________________________

 *14*

TITIG

Wala pa rin ako sa sarili nang iuwi na ako nina Von papunta sa isla kung saan kami nag-iistay. Buong byahe sa motor boat ay nakaakbay lang siya sa akin habang binabalot niya ako ng beach towel na dala niya kanina. Ang lagkit ko at ang putik. Pero hindi ko na ininda. 

Dapat sa mga oras na ito ay kinikilig na ako. Pero hindi eh. Masyado akong preoccupied ng pagiisip kung sino nga ba ang gumawa sa akin noon. Sino naman kayang gagawa sa akin noon?Mukha namang sincere si Von na hindi talaga siya.

Pagdating namin sa pampang na siyang pinag-iisteyan namin ay dalawang mobile units na agad ng police ang sumalubong sa amin. Isinama nila kami sa presinto. Doon ay tinanong ako kung ano ba talagang nangyari. Ikinuwento ko na hinahanap ko nga si Von nang may mag-abot ng sulat na para sa akin.

  

Ayon sa imbistigasyon, napulot pala ng camera man na kasama namin, sa kabutihang palad, ang sulat na hindi ko matandaan kung saan ko inilagay na buong akala ko ay galing kay Von. Pinakita niya daw agad kay Von iyon kaya nila ako natunton. At tulad ng inaasahan, sinabi ni Von na, "hindi ko sulat kamay iyan."

Napag-alaman ko kina Ate Kat na si Von din pala ang tumawag ng back-up. Kaya naman kahit konting duda ay wala na akong nararamdaman para kay Von. Sino ba namang may kasalanan ang maglalakas ng loob na tatawag pa ng police? Wala naman, di ba?

Nagsampa lang ako ng kaso. Nag-offer pa ng pabuya si Von para sa makakapagturo ng kriminal na gumawa sa akin noon. Hindi ko tuloy maiwasang makonsensya na pinag-isipan ko siya ng masama kanina. Minura-mura ko pa siya kanina sa pag-aakalang siya ang may kasalanan. Pinagbubugbog ko pa naman siya kanina. Nakakahiya ako dahil naniwala talaga ako sa haka-haka ko na siya ang may sala sa lahat.

Bumalik na kami muli sa resort pagkatapos noon. Inalalayan pa ako ni Von na bumaba sa mobil. Ilang na ilang ako kapag naaalala ko ang mga ginawa ko sa kanya kanina. Kaya naman dumiretso na muna agad ako sa taas para maligo at magbihis. Nang matapos ako, ay nagulat pa ako nang makitang inaabangan na ako ni Von sa living room ng suite at bago na siyang paligo.

"Von, I'm sorry kanina." Nahihiyang humingi ako ng paumanhin sa kanya dahil nga sa mga nagawa ko. Kanina pa ako binabagabag ng kunsensya ko kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ay sinamantala ko na. Kasalukuyang naglalakad kami papuntang seashore dahil sinundo kami ni Kuya Kit at sinabing andoon daw ang mga kasama namin.

Ngumiti sa akin si Von. Ngiti na bihirang-bihira sa kanyang ibigay sa kahit na sino. Kaya masaya ako ngayon na pagkatapos ng lahat ay hindi niya pa rin ako pinatulan kanina.

"Ok lang." Simpleng sagot niya, pero hindi niya lang alam kung gaano ako kasaya na napatawad niya ako.

Tumingin ako sa bonfire na ginawa nina Kuya Tim habang umuupo sa tapat ni Ate Kat. Sumunod naman si Von at tumabi sa akin. "Ang akala ko kasi talaga, sa iyo galing ang sulat." Nahihiyang paliwanag ko kaya hindi ako makatingin ng mata sa mata.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon