*21*

6.1K 173 56
                                    

A/N:

Sino daw po si Janelle? Nasa THE STAR po ang kasagutan. Ang pinaka-intense na eksena niya with Von ay nasa STARRING 94 ng THE STAR. Nasa external link po sa hindi makaalala. ---->>

Last 4 chapters. Short story category lang po ito kaya sorry at hanggang *25* lang ang AWWTS. Paki add na rin po ang facebook page na ANGELMELAY WATTPAD. Diyan po ako magpopost ng mga teaser ko.

Paki follow na rin po ako dahil ang last chapter ay naka-private at for followers only. So ngayon pa lang, do it na po. Para po wala nang magmemessage na, "hindi ko po mabasa ang ending." Hehehe!

55 VOTES & 50 COMMENTS = UPDATE!

Thanks! 

______________________________

*21*

CLOSE KAMI

"BILISAN NATIN, LIANNE!" Sigaw ni Janelle sa akin. 

Nang biglang madapa ako! Hinila ako ni Janelle patayo, pero huli na ang lahat! Hila-hila na kami ni Trevor sa aming mga buhok!

"Saan kayo pupunta? Hindi kayo makakaalis!" Singhal niya sa amin.

Binitawan niya ako sandali kaya nakatakbo ako. Pero napahinto ako nang suntukin niya sa sikmura si Janelle. Dahilan para mawalan ng malay si Janelle!

Sht! Kailangan kong balikan si Janelle! Nakakita ako ng malaking bato sa tabi. Dinampot ko iyon at akmang ipupukpok kay Trevor nang maagaw niya ito.

"Ughh!" Inda ko sa lakas ng suntok niya. Bumagsak ako sa lupa sa sobrang sakit.

Hindi na ako nakalaban ng talian niya ang kamay at paa ko. Halos mapugto ang hininga ko kanina sa lakas ng suntok niya eh. 

Nang matapos akong talian ay kinaladkad niya ako papasok ng warehouse. Nang maipasok niya ako ay hinila niya ang walang malay na si Janelle at itinali sa likod ko. Iginapos niya kaming dalawa! Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Trevor ito!

"Bakit mo ito ginagawa?" Nagtatakang tanong ko. Wala naman akong natatandaang atraso sa kanya to deserve this eh.

Lumapit siya at lumuhod sa harap ko para magkapantay kami. Kinilabutan ako ng ngumisi siya sa akin. "Kasi hindi mo ako pinapahalagahan."

Kumunot ang noo ko. "Paanong hindi pinapahalagahan?" Nagtatakang tanong ko.

"Palaging iyong artistang si Von ang priority mo! Parehas na parehas kayo ng dati kong kasintahan! Ibang lalaki ang pinili niya kesa sa akin!" Singhal niya sa akin.

Napangiwi ako ng hilahin niya ang buhok ko. Tanging nasabi ko lang ay "aray!"

"Naging mabait naman ako sa iyo ah? Bakit ba kulang pa rin iyon para sa iyo?" Galit na tanong niya.

Hindi ako makapaniwala na ang Trevor na pinagkatiwalaan ko at itinuring na kaibigan ay magagawa ito. Pero malinaw na dahil pala sa isang hindi mabuting nakaraan ang lahat. Sa kasamaang palad, ako ang napagbuntunan.

"Huwag mong gawin ito, Trevor. Kaibigan kita, hindi ba?" Pilit kong pinapaunawa sa kanya.

Kinabahan ako ng humalakhak siya. "Kaibigan mo ako?" Binitawan niya ang buhok ko at hinaplos ang pisngi ko. "Eh paano iyan? Ayaw kong magkaibigan lang tayo? Mahal kita, Lianne." Nakangising sabi pa niya.

Mahal? Imposible. Sandali pa lang niya akong nakikilala ah. "Na love at first sight ata ako sa iyo." Sagot niya sa tanong sa isip ko habang nakaturo sa puso niya.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon