*24*

7.7K 191 37
                                    

A/N:

Next chapter will be the epilogue. Malalaman po natin ang point of view ni Von Anthony Lee. Kaya kung may mga katanungan pa kayo, paki comment na lang po sa chapter na ito. Sisiguraduhin ko pong masasagot ang lahat ng hanging questions ninyo sa next update. 

Magandang mabasa ninyo hanggang EPILOGUE - CHAPTER *25*. Kasi may mga revelations si Von na hindi nabanggit sa kwentong ito na ayon sa POV ni Lianne Jaira o LJ. Pero naka-PRIVATE siya at for followers only.

Kaya please, VOTE & COMMENT for the next update. Sa Tuesday po ay magpopost ako ng teaser sa ending. 

Salamat sa lahat ng suporta!

Pakibasa din po ang story ko na MY ALIEN BOYFRIEND by: ANGELMELAY po iyan ha. Nasa external link din po..

_____________________________

*24*

7TH DAY - A WEEK WITH THE STAR

Mula kahapon ay hindi na ako pinauwi ni Von. Hindi na niya ako pinahiwalay sa kanya. Ultimo sa pag-ihi ko sa banyo ay nakabantay siya sa labas. Para namang mawawala ako?! Pss.. Pero aaminin ko, kinikilig-kilig-kilig-kilig akooo! Ahaha!

Nagpaalam lang kami sandali sa magulang niya. Alas kwatro kasi ang libing at kailangang magbihis muna kami ni Von. Alas-dose palang naman ng tanghali at tapos na kaming kumain kaya siguro, iidlip muna kami ng konti. 

Kagabi kasi ay nakaidlip naman ng tatlong oras si Von habang nakahilig sa mga hita ko. Pinauuwi nga sana siya ni Mama Zyrah, pero ayaw niya. Ganoon niya kamahal ang kanyang Lola Nicole. Palibhasa ay spoiled siya at unang apo.

And yes! Mama Zyrah na ang tawag ko dahil iyon ang sabi niya sa akin kagabi. Kaya naman, magiinarte pa ba ako? Eh di syempre, hindi! Feeling manugang eh.

"Kasya ba tayo?" Nagaatubiling tanong ko kay Von.

Nagpupumilit kasi siyang magtabi kami sa papag. Eh ang papag ko dito sa apartment naming tatlo nina Cathy at Jerico ay napakaliit lang. Kahit naman itong nirerentahan naming bahay dito sa Maynila ay maliit lang eh. Bakit pa kasi kami kukuha nang malaki, kung tulog, ligo at kain lang naman ang ginagawa namin dito? Sa umaga lang pati may tao. Ang balik ng kapatid ko ay hapon na. Kami naman ni Cathy ay madaling araw na. Kapag weekend naman ay umuuwi kami ng Laguna.

"Eh di hiramin mo muna iyong papag ni Cathy." Tamad na sabi niya at humiga na.

Por diyos por santo! Ngayong nakahiga na siya, nagmukhang kama ng isa sa mga seven dwarfs ang papag ko eh. Saan pa ako pupwesto nito?

Binuksan ko ang pinto para magpaalam kay Cathy. "Ay!" Tili ko.

"Sorry!" Nakangiting kinakabahan na  sabi ni Cathy sabay peace sign.

Nagulat na napabalikwas si Von ng bangon. "Ano iyon? Ok ka lang, Lianne?" Nagaalalang tanong niya.

Bumaling siya kay Cathy. "Anong nangyari sa iyo, Cathy?" Nagtatakang tanong pa niya.

Pinagpag ni Bez ang shorts at t-shirt niya. Napasubsob kasi si Loka. Paano ba naman, nakikinig pala siya sa likod ng pinto? Kaya pagbukas ko ay napasubsob ang bruha sa sahig. Akala siguro may iba kaming gagawin ni Von. Bruha talaga!

"Nadapa lang." Nahihiyang sagot ni Bez sa kanya habang kakamot-kamot ng ulo.

Iyan ang napapala ng mga maduming magisip na tulad niya..pss! Kaya dinilaan ko si Bez at tinalikuran. Pero halos mapatalon ako nang pagharap ko ay dibdib na ni Von ang sumalubong sa akin.

A Week With The StarWhere stories live. Discover now