*20*

7.4K 181 53
                                    


*20*

DAY 5

Maganda ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Kahit na wala na si Von sa loob ng kwarto namin ay okay lang. Magana pa rin akong dumiretso sa restroom at nagshower agad at nagbrush ng teeth. Pero aaminin ko, hindi ko man lamang binasa o sinabon ang noo ko. Kadiri na kung kadiri, pero ayoko! Ayokong mawala ang tatak ng halik ni Von sa noo ko kagabi eh.

Isinuot ko ang isa sa mga swimsuit na binili sa akin ni Von. Pinatungan ko iyon sa ibabaw ng isang spaghetti strap kong sando at shorts na pinahiram pa rin sa akin ni Cathy. OA kung magme-make-up ako kaya nagsuklay na lang ako ng buhok at nagpolbo. Itinirintas ko pa ang buhok ko papunta sa kanan kong balikat.

"Ang ganda ko!" Parang ewan na puri ko sa sarili kong repleksyon.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong tahimik ang buong yate ng makalabas ako ng kwarto. Tumingin ako sa dining area, pero wala sila. Hanggang sa maabutan ko sina Ate Kat sa parang billiard area at nagkakatuwaan silang naglalaro doon.

Nakangiti sila sa akin ng makita akong palapit. Halatang-halata ko ang kakaibang ngisi ni Ate Eva sa akin. Kaya umiwas ako ng tingin at umupo sa nakahilerang mga upuan doon.

"Nagbreakfast ka na?" Usisa sa akin ni Kuya Kit. Wala dito si Kuya Tim. Marahil ay nasa upper deck at hawak ang pagpapaandar ng yate.

Umiling ako. "Hindi pa." Sagot ko at iniligid ang aking mga mata sa paligid. "Nasaan po si Von?" Hindi ko mapigilang itanong.

Nagkatinginan sila dahil sa tanong ko. Ano bang masama sa tanong ko? Naiilang tuloy ako. Lalo na nang masulyapan ko si Ate Eva na ngiting-ngiti pa rin sa akin.

Hindi ko ba dapat tinanong iyon? Nagiinit tuloy ang pisngi ko. Lalo na ng nagbulungan pa sina Kuya Kit at ang Camera Man. Ewan ko ba kung paranoid lang ako?! Pero pakiramdam ko ay ako ang kanilang pinag-uusapan.

Kaya sa hiya ay lalabas na sana ako para ako mismo ang maghanap. Pero hindi pa ako nakakalabas ay nagsalita na si Ate Kat. "Nasa upper deck. Siya ang nagpapaandar ng yate." Nakangiting sagot niya sa kanina ko pang tanong.

"S-Salamat, A-Ate!" Nabubulol na sagot ko. Sarap hilahin ng dila ko eh. Bakit ba ako nabubulol? Pagkasabi ko noon ay malalaki ang hakbang na lumabas na ako sa billiard hall.

Naglakad ako hanggang makarating ng harapan ng yate dito sa labas. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Kinakabahan kasi ako kanina nang nagtanong ako sa kanila. Ano na lang iisipin nila kung pagmulat pa lang ng mata ko ay hinahanap ko na si Von? Baka bigyan nila iyon ng malisya. Sana nga! Ahaha!

Inakyat ko ang lugar kung saan nandoon ang manibela ng yate. Malayo palang ako ay natanaw ko na ang malapad na likod ni Von. Habang si Kuya Tim naman ay natutulog sa isang mahabang upuan sa gilid niya.

Likod palang ang nakikita ko ay humahataw na ang puso ko. Pansin ko na iba na ang kanyang suot kaya tingin ko ay nakapag-shower na rin siya. Lalong nag-ingay ang puso ko nang makita kong magflex ang mga braso niya para iikot ang manibela ng yate. Ang macho niya talaga!

Muntik na akong mapaluhod nang bigla siyang lumingon sa akin. Pakiramdam ko ay nanglalambot ang tuhod ko nang mahuli niya akong sinusuri siya na parang specimen sa microscope.

"Lianne, good morning!" Masiglang bati niya agad sa akin.

Parang hangin na iniwan ako ng aking kaluluwa. Para kasing sumama na ito kasabay ng hinawi niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Hinihintay ko pang bumalik ang kaluluwa ko na sa tingin ko ay iniwan na ako kaya hindi ako makasagot.

"Come here." Tawag niya sa akin at sinenyasan akong lumapit.

A Week With The StarМесто, где живут истории. Откройте их для себя