*4*

9.4K 160 8
                                    

A/N:

Kindly add my story, MY ALIEN BOYFRIEND to your reading list. Maganda po iyan, promise! Hihihi! Saka iyan po talaga ang aking major story. Again, please read MY ALIEN BOYFRIEND, vote and comment. Thanks po!

______________________________

*4*

AIRPLANE

 

“Von, pwede bang sa tabi ako ng bintana? Gusto ko kasing makita ang view.” Excited na tanong ko kay Von Lee.

Naandito na kami sa eroplano papuntang Palawan. Kasama namin sina Ate Kat, Kuya Kit at Kuya Tim. May tv crew pa kaming kasama. Isang camera man at isang anchor. Kailangan kasing kunan ang one week namin dito para maipalabas sa tv. Gagawa ng special ang Lao Entertainment na tinatawag na A WEEK WITH THE STAR, VON LEE.

Tamad na tumayo naman siya at nakipagpalit sa akin ng pwesto. “Anong view ang titingnan mo? Hindi naman bus itong sinasakyan natin ah?” Walang ganang tanong niya.

Ngumiti ako ng sobrang luwang kay Von. “Iyong itsura ng siyudad mula sa itaas. Saka gusto ko din makita iyong mga ulap.” Paliwanag ko sa kanya. First time ko itong makasakay ng eroplano kaya magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

“Tss..” Iyong lang ang sagot niya at ipinikit na ang kanyang mga mata.

Ako naman ay pagala-gala ang paningin sa loob ng eroplano. Parang nakita ko pa ang sikat na modelo na si William Sy kanina. Nasa business class kami na parte ng eroplano. Ganoon din ang mga kasama namin na nasa likod at tagiliran ng row ng upuan namin nakaupo.

Hanggang sa narinig ko ng i-announce na ng steward na isuot na daw namin ang seatbelt. Panay ang hila ko nang akin at hindi ko maintindihan kung paano ikakabit. Si Von naman kasi ang bilis magsuot ng kanya kaya hindi ko tuloy natularan.

“Von..” Kalabit ko sa kanya na naging dahilan ng pagmulat niya ng mata.

"Hmm?”

Napakagat-labi ako. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Pero kung hindi naman ako magpapakatotoo, mas nakakahiya naman na mapuna pa ako ng crew ng eroplano.

“Von..” Kalabit ko ulit kaya dumilat siya muli.

“Bakit ba?” Naiinis na tanong niya sabay tingin sa akin nang naniningkit ang mata.

Lumunok muna ako. This is so embarrassing! “Paano ba ikabit ito?” Mabilis na tanong ko sa kanya. Natanaw ko kasi na isa-isa nang chinecheck ng steward ang mga seatbelts ng mga pasahero.

Halos manigas ako sa aking upuan ng lumapit si Von sa akin para ikabit ang seatbelt ko. Amoy na amoy ko ang kanyang aftershave cream. Pati ang kanyang pabango na lalaking-lalaki. Sa sobrang lapit pa niya at napagmasdan kong mabuti ang labi niyang mapupula. Ay ang gwapo talaga! Iyong mga paru-paro sa tiyan ko ay parang mga naloka na nagliparan na lamang ng nagliparan ng walang humpay sa aking sikmura.

Sandali lang iyon pero parang pakiramdam ko ay ang tagal. Totoo pala talaga iyong sinasabi nila na kapag nasa tabi mo ang gusto mo ay parang babagal ang pag-inog ng mundo? Kasi kanina ay ganoon ang naramdaman ko.

A Week With The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon