*8*

8.7K 161 22
                                    

*8*

QUOTA 

Pagkatapos kong maglate lunch ay niyaya ko na si Von na mag-island hopping kami. Umarkila siya ng boat para sa aming dalawa kasama si Ate Kat at Kuya Kit. Sa kabilang bangka naman ay ang dalawang tv crew at si Kuya Tim. 

Alas-tres na nang hapon at sobra ang init. Pakiramdam ko ay para kaming mga daing na nakabilad sa ilalim ng araw. Gusto kong magkaroon ng tan lines, pero hindi ko naman ginusto na maging baluga ako.

Hindi ako mapalagay dahil sobrang hapdi na sa balat ng sikat ng araw. Pabiling-biling ako at naghahanap ng pwede kong ibalabal man lang.

"Here. Gamitin mo ito at pulang-pula ka na." Malamig na offer sa akin ni Von ng kanyang towel na nasa kanyang balikat.

Nakakainis naman! Bakit ba kasi ganito ka-caring sa akin si Von? Hindi kaya nagkakagusto na siya sa akin? Pero imposible. Siguro ay dahil nga sagutin nila ako kapag nagkasakit ako sa byaheng ito kaya concern siya ng ganyan. Siyempre, makakaladkad ang kayang pangalan kapag may bad news na nangyari sa akin.

Kaya nanginginig ang aking mga daliri na tinanggap ko ang iniaabot niya. "T-Thank you!" Sarap batukan ng sarili ko. Pati dila ko ay nagkakandabuhol-buhol na naman. Iyon kasing mga paru-paro sa tiyan ko ay nagbubunyi sa care ni Von sa akin eh.

Ibinalabal ko sa aking ulo ang tuwalya niya habang umaandar kami. Magkatapat kami ng upo dito sa bangka. Sa parteng unahan nakaupo sina Ate Kat at Kuya Kit. Nahuli ko pa silang napangiti nang iabot sa akin ni Von ang tuwalya niya. Gusto ko sanang sabihin kina Ate na, 'kinikilig nga ako eh!' Pero hindi na lang dahil baka madinig pa nitong kaharap ko.

Napatingin ako sa kanya at napansin ko na parang nahahapdian na rin siya sa sikat ng araw. Naku! Paano ito? Artista pa naman si Von at hindi dapat masira ang kutis niya kasi iyan ang kanyang bentahe.

Kaya maigting ang kapit ko sa bangka habang lumilipat sa tabi niya. Medyo tumagilid pa kami ng konti ng lumipat ako.

"AYY!" Tili ni Ate Kat. Ang akala ata ay tataob kami.

"Sorry." Tanging nasabi ko dahil tinakot ko si Ate ng lumipat ako. Ngumiti lang si Ate sa akin. Si Von naman ay binigyan ako ng bakit-ka-lumipat look.

Itinaas ko ang malaki niyang tuwalya at binigyan ko din siya ng silong. "Hati na lang tayo sa shade nito." Sabi ko sa kanya habang pinipigil na kiligin sa harap niya.

"Doon ka na. Ok lang ako." Taboy pa niya sa akin.

Pero dahil si Lianne Jaira Dimagiba ako, hindi ako pumayag. Siyempre kasi gusto kong palaging gwapo si Von sa paningin naming mga fans niya. Hindi siya pwedeng magsakripisyo na maging daing sa init ng araw, samantalang ako ay prenteng tatanaw sa magandang corals sa baba.

"No. Share tayo." Malambing na sabi ko at pinandungan ko na din siya.

Hindi na siya kumontra. Tumingin na lamang siya sa ilalim ng tubig at pinanuod ang malinaw na corals na nadadaanan namin. Malayang-malaya tuloy akong singhot-singhutin ang kabanguhan niya at titigan ang sideview niyang napakagwapo. Kahit naman ata nakatalikod si Von ay pogi pa din eh! 

A Week With The StarWhere stories live. Discover now