*11*

8.1K 160 14
                                    

 A/N:

Please read MY ALIEN BOYFRIEND & THE MARRIAGE. Vote & comment naman diyan. Thanks!

__________________________________

*11*

BLUSH

Nagtungo ako sa veranda nang suite namin at tinanaw ang dagat. Iiwas na muna ako kay Von dahil mainit pa rin ang kanyang ulo at ayaw kong mapagbuntunan noon. Nakakawili din kasi ang paghampas ng hanging dagat sa mukha ko. Pakiramdam ko ay nakakarelax. Ipinikit ko ang mga mata ko at inenjoy ang sariwang hangin na wala sa Manila. Sa Manila kasi ay masyadong polluted na ang hangin.

"Lianne.." Tawag ni Von sa likod ko. 

Agad akong napadilat at nilingon siya. Umupo na rin ako dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko sa muling paglapit niya. Kahit kailan talaga, hindi ko makontrol ang sarili ko kapag naandyan siya.

'Ano na naman bang kailangan niya?' Tanong ko sa aking sarili.

Pero nakampante ako nang marinig ko ang sasabihin niya. "Sorry kung hindi tayo nakapamasyal kanina." Panimula niya habang nakatingin sa dagat. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakasandal sa barendilla.

"Ok lang. Mamaya na lang kapag ok na ok na ang pakiramdam mo." Sabi ko pa sa kanya habang tinititigan ang kanyang nakatalikod na pigura.

Ang lapad ng likod talaga ni Von na parang ang sarap sandalan. Iyong kanyang behind ay bilog na bilog din. Kaya ang sexy niyang magdala ng pants at shorts eh. Matambok kasi ang pwet ni Von. Pati ang calves niyang proportioned sa kanyang torso ay napansin ko. Hindi tulad ng ibang lalaki na Johnny Bravo ang dating. Iyon bang malaki ang itaas ng katawan, tapos ang pababa ay parang sa babae sa liit. Kumbaga ay chicken legs. Napaka-yummy talaga ng idol ko.

Halos mapatalon ako ng humarap siya sa akin. Huling-huli niya kasi akong tinititigan siya na parang specimen sa ilalim ng microscope. Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya kahit totoo naman. Hehe!

"Lianne, gusto mo ba si Trevor?" Out of the blue ay biglang tanong niya.

Natigilan ako. Bakit naman nagtatanong ng ganito si Von? Iniisip ba niyang may gusto ako kay Trevor? Ganoon ba siya kamanhid para iyon pa ang isipin niya sa akin? Hindi pa rin ba niya halata hanggang ngayon na siya ang gusto ko?

"Wala." Sagot ko dahil naisip kong kailangan ko pa ding linawin sa kanya ang lahat ng ito.

"Anong trabaho mo sa Manila, Lianne?" Tanong pa niya sa akin. 

Wow! Just wow! Bigla atang naging interesado sa buhay ko si Von? Ito na ata ang pagkakataon ko para ipakilala ang sarili ko sa kanya.

"Nagtatrabaho ako sa isang food chain, Von. Sa umaga ay pumapasok ako sa school. Kumukuha ako ng Management." Sagot ko habang pigil na pigil na manginig ang boses ko sa nerbyos.

"Ah.. Ilan kayong magkakapatid?" Tanong niya muli.

A Week With The StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora