*10*

8.2K 141 19
                                    

 A/N:

Kindly add MY ALIEN BOYFRIEND to your reading list. Paki basa din po iyan. Please? Thanks po! Nasa external link po iyan. Or kung gusto ninyo eto ang address: http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend.

Enjoy!

________________________________

*10*

DAY 3

Nagising si Von nang tanghali na. Nagtataka nga ako na tanghali na siyang nagising. Usually kasi ay before seven gising na siya. Pero ngayon, ten o' clock na siya nagising. Nakapagprepare na ako ng breakfast at lahat ay tulog pa din siya kanina. Excited pa naman ako kung ano ang gagawin naman namin ngayon araw na ito dito sa El Nido.

"Good morning! Kain ka na doon. May sandwhiches akong ginawa doon." Sabi ko sa kanya habang nanonood ng tv. Nanood na lang ako ng tv kasi nga ay inaantay ko siya.

Kanina ay nakapag-jogging na kami nina Ate Kat sa seashore. Ang sarap ng feeling na panuorin ang sumisikat na araw sa ibabaw ng dagat. Pati ang amoy ng dagat sa umaga ay very soothing sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay narelax ako kahit na nagpapapawis kami kanina.

Dire-diretsong umupo lang si Von sa katabi kong couch. Tamad na sumandal siya at ipinikit ang mga mata. Itinaas pa niya ang paa sa ibabaw ng center table.

"Ok ka lang? Kumain ka muna doon." Alok ko pa sa kanya habang nakatitig sa kabuuan niya.

Grabe! Why so gwapo in the morning? Kahit ang aga-aga at gulo-gulo pa ang buhok ni Von habang naka shorts at sando lang ay oozing with sex appeal talaga. Ang gwapo niya! Sobra!

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala nang makita kong hinilot niya ang noo niya. Masakit ba ang ulo niya? Parang gusto ko tuloy lapitan siya at ako ang humilot sa kanya.

"Lianne, can you make me a black coffee?" Pakiusap niya sa akin.

"Ok. Teka lang." Mabilis pa sa kidlat na pumunta ako sa kusina para ipagtimpla si Von ng kape. "Mukhang may hangover ka ah?" Tanong ko sa kanya habang hinahalo ang kape dito sa kusina.

Tinititigan ko siya at kitang-kita ko na mukha ngang meroon kahit hindi niya sagutin. Halata kasi dahil parang antok pa siya tapos panay ang hilot niya sa ulo niya.

Iniabot ko agad ang tasa ng kape nang matapos akong magtimpla. "Thank you." Sabi niya sa akin. "Oo nga eh. Sobrang sakit ng ulo ko. Napadami ata ang inom ko kagabi." Malamig na sabi niya habang umiinom ng kape. 

Nakakita ako ng tamang panahon para naman magmarka ako sa alaala ni Von. This time ay mabuting alaala at hindi iyong puro kapalakan ko ang naaalala niya.

Pumuwesto ako sa likod niya at hinilot ko ang ulo niya. "Dito ba masakit?" Tanong ko sa kanya. 

Amoy na amoy ko ang bango ni Von. Kahit na halatang kahuhugot lang niya sa kama ay ang bango niya pa rin. Pinaghalong amoy ng pabango niya kagabi at natural na amoy niya sa katawan. Ang sarap niyang yakapin sana kaso baka mahalata akong patay na patay sa kanya.

A Week With The StarWhere stories live. Discover now