*22*

6K 198 69
                                    

A/N:

And now..the end is near..and so I face..my final curtain.. Ahaha! Tamang MY WAY lang! Paki like po ang FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD. Doon ako magpopost ng teaser ng ending. Wala po itong extension. Hanggang -25- lang po talaga ito. Under short story lang po kasi siya. Para wala pating magreklamo sa tagal ng update ko. Ang hirap kayang magsulat ng tatlong kwentong sabay-sabay?! :)

PaVOTE po at COMMENT. 60 VOTES & 55 COMMENTS = UPDATE! Kaya vote & comment agad pagka basa.

Before I forget, madami pong nagkakamali. Akala ay boylet ako. Bilat po ang author ninyo. Babae po ako! Ahaha!

Thanks!

_____________________________

*22*

FIRST KISS

"Ano ba, LJ?! Dahan-dahan naman!" Galit na reklamo ni Cathy.

Halos kaladkarin ko na kasi siya ng makababa kami ng jeepney. Pagbaba namin sa tapat ng Loyola Memorial ay halos matanggal na ang braso niya sa paghila ko! Excited na kasi akong makita si Von at ang damayan siya.

"Bilisan mo na kasi!" Naiinis na hinila ko pa siya lalo.

Ang bagal kasing maglakad ni Cathy. Para siyang pagong. Sino ba naman kasi ang may sabi sa kanya na magsuot siya ng mataas na takong? Wala naman, di ba?

"Teka.. Teka.." Awat ni Cathy ng makatawid na kami.

Tumungo siya at inilagay ang mga kamay sa kanyang magkabilang tuhod. Naawa naman ako bigla nang makita ko kung paano niya habulin ang kanyang hininga. Idagdag pa ang init ng panahon. Alas tres kasi ng hapon at katirikan ng araw. Sobrang ang init! Nakakapaso ng balat!

Huminto na rin ako muna. Tiningnan ko ang paligid. Nakita ko kung saang parte ang burulan. May building kasi sa gilid sa loob ng seminteryo. Medyo may kahabaan ang dalawang palapag na iyon. Imposible namang doon nakabaon ang mga patay, hindi ba? Malamang na doon ang mga lamayan.

"Sorry. Sige at babagalan ko na." Paghingi ko ng paumanhin habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

Medyo naangiwi ako ng makitang parehas na basa na ang white polo shirt na suot namin ni Cathy ng pawis. White polo shirt, na sinuot namin noong OJT pa kami sa food chain, at maong na itim ang terno naming suot. Ito na lang ang sinuot namin. Kadalasan naman kasi kapag may patay, kung hindi itim ay puti ang suot. Ito lang ding itim na maong ang bago-bago pa, kaya ito ang itinerno namin.

Bumuga ng hangin si Cathy. Parang nag-abot na rin sila ng hininga niya. "Huwag na tayong magmadali. Makakarating din naman tayo doon." Sabi pa niya sa akin habang nagpupunas na rin ng pawis.

"Oo na! Gusto ko lang kasing makita agad si Von. Alam ko kung gaano niya kamahal ang Lola Nicole niya." Sabi ko naman habang ngumunguso.

"Wow! Talaga bang close kayo?" Parang hindi makapaniwalang tanong pa niya nang naglalakad na kami.

"Oo nga!" Sagot ko pa.

Confident ako na kaibigan na ang turing niya sa akin. Ang tingin ko nga ay higit pa doon. Kung siguro ay natapos namin ang isang linggo sa Palawan, baka nalinawan namin ang lahat.

"Matandaan ka pa kaya niya?" Pangaasar ni Cathy.

"Oo, noh!" Confident na sagot ko.

Siguradong-sigurado ako na natatandaan niya ako. Paano niya ako makakalimutan nang ganoon na lamang? Inasikaso, sinagip, niyakap, at higit sa lahat...hinalikan niya kaya ang gilid ng labi at batok ko. Paano niya ako makakalimutan? Amnesia lang?!

A Week With The StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora