*5*

9.7K 161 16
                                    

 

*5*

DAY 1

 

Dumating kami ng El Nido. Ang ganda talaga ng paligid. May mga foreigners pa akong nasasalubong. Kahit sa panaginip ay hindi ko inakalang makakarating ako dito, kasama ko pa ang dakilang idolo ko. Kahit medyo may panghihinayang na sana ay kaming dalawa lang ang naandito ay ok na rin.

“Oh Sir Von, kukunan namin kayo ni Miss Lianne na kunyari ay papasok na kayo ng hotel. Kunyari ay akbayan mo siya ah.” Sabi ng tv crew sa kanya.

Promise ko sa sarili ko na kapag tumama ako sa lotto at yumaman ay ililibre ko talaga ng around the world tour itong crew na ito eh. Lahat kasi ng gustong mangyari ay ginagawa niyang posible dahil sa mga idea niya. I love her so much! Hahaha!

Pero halos manigas ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng braso ni Von sa balikat ko. Joskopolord! Parang hihimatayin na ata ako! Iyong puso ko ay hindi na tumibok ng normal mula ng lumabas kami sa airport. Parang palagi siyang hinahabol ng kabayo. Ohmaygad!

“Closer.” Sabi pa noong camera man.

Pwede kayang halikan ko itong mamang ito? Nanglambot na lang ang tuhod ko nang maramdaman ko na mas inilapit ako ni Von sa kanya. Napakagat labi ako para pigilin ko ang mapatili. Sobra naman kasing nakakakilig eh.

"Kumusta ang biyahe sa plane, Von?” Tanong noong anchor habang nakatapat sa bibig ni Von ang mic at kinukunan naman kami ng camera man.

Ngumiti si Von ng ubod ng tamis. Iyong ngiti na para bang nakakapigtas ng garter ng panty kapag nakita mo? Grabe talaga.

“Ok naman. Masaya kaming nagkwentuhan nitong fan kong si Lianne sa biyahe. I must admit, she’s quit adorable.” Sabi niya sa mic.

Ako? Laglag ang panga! Kasi iyong sinasabi niya ay malayong-malayo sa nangyari sa plane. If I remember it right, nakasimangot lang siya at inis na inis sa akin noong nasa plane kami papunta dito. Saka ako, adorable? Oo naman! Pero tingin ko, hindi niya naman iyon napansin kanina ah. He looked at me like a pest sa buong byahe namin. Malamang na acting ito! Acting para sa show.

“How about you, Lianne? What can you say about Von Lee noong nasa plane kayo?” Tanong sa akin ng anchor.

Napatingin ako sa balikat ko ng mahigpit akong hinawakan ni Von doon. Halos mapangiwi ako sa sakit. Tapos ay diretso lang siyang nakatingin sa camera at nakangiti. Pss.. Acting! Narinig ko pa ang simple niyang bulong na, “sumagot ka ng maayos, kundi ay patay ka sa akin.”

“O-Ok naman. Maasikaso naman si Von. Binuhat pa niya ako sa airport noong nadulas ako sa hagdan.” Sagot ko na alanganing ngumiti. Iyon na lang ang naisipan kong ikwento dahil tiyak namang nairecord iyon ng camera man kanina eh.

Pagkatapos noon ay inalalayan na ako ni Von sa reception ng hotel. Nakasunod pa rin ang camera sa amin kaya ang artista ninyo ay ngiting-ngiti pa rin.

“Here’s your key, Sir.” Sabi noong babae sa reception. Kung hindi lang kami nakarecord ay hinila ko ang buhok niya. Obvious na nagpapacute siya kay Von. Kaasar! Nakakainis talaga! Ang lalandi nila!

A Week With The StarWhere stories live. Discover now