Chapter 6

311 92 31
                                    

Ash POV:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Ash POV:

naglalakad kami ngayon papunta sa ewan kung saan kami papunta malapit na mag 6pm at wala akong pake,

Pero ewan ko dito kay liza na mukhang ikamamatay niya pag na late siya sa usapan nila ni liam, palagi niyang tinitignan ang kanyang relo,

"AH!" ayuuunnn nadapa,

"yan! yan! hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo yan tuloy nadapa ka" sabi ni sofia

"eh ewan ko ba bakit parang natatakot ako pag ako nalate sa usapan" nakanguso niyang sabi napangisi naman ako sa ka cute-an niya

"wag ka ngang mag alala pag na late ka ako bahala sayo pag ikaw sinaktan ng liam nayan patay talaga sakin yan" sabi ko

"YABANG!" sigaw ng dalawa saakin at nag umuna ng lumakad, eh?, ako nanga tung tumutulong, sila pa tung-

"Hoy grabe naman kayo oh" kunwaring naiiyak kong sabi, tumawa naman sila agad,


"hay nako ash napaka cute mo talaga kaya hindi ka namin matiis" sabi ni sofia sabay tawa at kurot sa pisngi ko,

"araay!" reklamo ko

nagtawanan naman yung dalawa, kaya nakitawa naman ako, ang swerte ko talaga sa dalawa kong bestfriend nato, sayang wala nayung isa sinayang niya kami,

naglalakad kami patungong canteen ng may humarang saaming mga babae

mga alepores nanaman ng chelsea nayun hindi na talaga natinag gusto pa talaga ng 2nd round?

"look gurls may basura nanaman na naka harang sa daan ew" sabi ng gurl #2

"yucks papunta pa naman tayo sa canteen pero eww parang ayaw kona kumain" naka taas kilay na sabi ni chelsea

"pwes, wag kayong kumain, atsaka anong kami ang nakaharang?, e kayo nga tong nakaharang sa daan papuntang canteen" mataray na sabi ni sofia-

"oo nga kayo yung nakaharang eh" sabi ni liza,

"well meron pala kayong kaibigang isip bata?, yucks!, childish!" nagsitawanan naman yung mga kaibigan niya, nag init naman agad yung ulo ko kaya pumunta ako sa harap ni liza at hinarap sila chelsea,

"galawin mo na lahat wag lang mga kaibigan ko"

"what?, I can't hear you and its true tho na childish ang isang yan tignan mo nga yung itsura mukhang bat-"

"shut up!" sigaw ko

mukha naman siyang natauhan sa pag sigaw ko, rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante pero wala na akong pakealam,

"wag na wag mo sila pakeke-alaman pag ang mga kaibigan ko na ang usapan wala akong uurungan"

Parang sasabog na ako dahil sa inis, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pakealaman ang mga kaibigan ko, "ash tama na" bulong saakin ni liza

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now