Chapter 35

81 4 0
                                    

New Year had passed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


New Year had passed.

And guess what?

Today we are leaving for new york!

It's 1 in the afternoon at paalis na kami papuntang airport, hinihintay ko nalang na dumating si Casper.

"Anak wala ka na bang nakalimutan? Mahirap na..." nakangiti ko naman siyang tinignan, "Wala na po pa.." huminga naman ng malalim si papa tsaka ako niyakap,

"Mag-ingat ka duon ha?...malaki ang new york jusko naman.." yinakap ko din siya pabalik, "Opo..wag po kayong mag-alala 1 week lang naman po kami don eh, babalik po kami agad." hinarap niya naman ako sakanya tsaka ngumiti.

"Naku si papa napaka emosyonal, eh malaki na yang prinsesa natin eh, kasama pa ang prinsipe niya so ligtas yan!" biro ni Kurt, binatukan naman siya ni papa, napatawa nalang ako.

"Pasalubong ko Ash ah?" sabay kindat, tumango naman ako, "Oo naman, yung para ky Zyprylle?" pang-aasar ko, agad naman siyang ngumiti tsaka tumalikod, "Sus nahiya pa sa'yo pa" natatawa kong sabi, natawa naman si papa.

"Goodafternoon po.."

Napalingon naman ako ng may nagsalita, ang gwapo naman ng future husband ko..

"Hi penguin.." sabi ko tsaka siya niyakap,

"Are you ready?" tumango-tango naman ako.

"Sus kanina pa yan ready Casper ang aga niyan nagising.." biro ni papa, natawa naman si Casper tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Let's go?" ngumiti naman ako at tumango, tsaka namin nilabas ang maleta ko.

Umalis na din kami agad at baka ma late pa sa oras nako. Nakasunod lang sila papa at Kurt samen sa likod, ihahatid nila kami, ang sweet no? hehe.

Buang byahe wala akong imik dahil kinakabahan ako!, unang travel ko to papuntang ibang bansa at alam ko susuka at susuka ako!, hindi pa naman ako sanay sa byahe.

"Hey, are you okay?" sabi niya sabay hawak sa kamay ko, nakangiti ko namang tinignan siya.

"Oo naman, little nervous." sabi ko, tumawa naman siya, "I know you'll be okay, andito ako, just tell me when you need something" tumango naman ako sakanya at nagpatuloy na siya sa pag-maneho.

Ng dumating na kami sa airport, tinulungan naman kami nila papa na bitbitin ang mga gamit namin. Inilabas na din namin ang mga kakailanganin sa loob tsaka pumunta sa linya papasok.

"Mag-ingat kayo don iho ha?.. ikaw na bahala sa anak ko" nagyakapan naman kami lahat, "Opo ako na bahala sa prinsesa niyo" tinignan ko naman siya ng nakangiti tsaka kinindatan sila papa, napatawa naman sila.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon