TOPIA SERIES #1
"CASPER BLAZE! isinusumpa ko di na ako magkakagusto sayo ulit!"
Ashlynne Anne, isang babaeng ng stalk, na-baliw at nainlove pero bigo din sa huli.
Isinusumpa na ang pangalang Casper Blaze ay kailan man hinding-hindi na niya magugus...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Naimulat ko ang mga mata ko ng nakaramdam ako ng init sa katawan, "Penguin? Pinatay mo ba yung aircon?! bakit ang init?!" nakapikit na sigaw ko, napabangon ako ng hindi siya sumagot tsaka ko dahan-dahang iminulat ang mata ko at namangha sa aking nakita.
May mga kandila'ng naka latag sa sahig patungo sa labas. Agad naman akong napatayo tsaka sinundan ang mga kandila. Napangiti naman ako ng makita ko si Casper na nakatayo sa harapan ko may hawak-hawak na bulaklak. Lumapit naman siya sakin tsaka ibinigay ang bulaklak bago bumalik sa kinatatayuan at itinapat sa bibig ang mic na hawak.
(PLAY THE VIDEO ABOVE)
Napasayaw-sayaw naman ako ng madinig ko ang kantang pinapakanta niya. Favortie ko to.
Araw-araw, ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka
Sa tabi ko, oh, aking giliw, 'di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka, ako'y liligaya
Napatawa naman ako ng hinila niya ako at inilapit sakanya, "I love you."
Dahil sa 'yo, ako'y matapang
Dahil sa 'yo, ako'y lalaban
Para sa 'yo, pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa 'yo, mayro'ng pangarap
Pagmamahal ko sa iyo'y tapat
Para sa 'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Patuloy padin ang kanta at siya naman ay sinayaw-sayaw niya naman ako, pinaikot-ikot na nagpahilo saken pero tawa lang ako ng tawa, kinikilig ako eh!
"Goodmorning my future wife.." sabi niya tsaka ako hinalikan at patuloy nanaman kami sa pagsayaw, halos nalibot nanamin ang condo ko dahil kung saan-saan kami umaabot dahil sa pagsayaw, na e-enjoy naman namin.
"Nahihilo na ako.." sabi ko sabay tawa, napatawa naman siya tsaka huminto na muna at niyakap ako, tsaka kinuha ang mic at nakatingin sakin habang kumakanta.