Chapter 23

64 5 0
                                    

Napagising ako dahil sa sakit ng ulo, parang matatanggal dahil sa sakit, bumangon ako agad para maka-inom ng tubig pero natumba ako agad sa sofa

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.


Napagising ako dahil sa sakit ng ulo, parang matatanggal dahil sa sakit, bumangon ako agad para maka-inom ng tubig pero natumba ako agad sa sofa.

"Dito na pala ako nakatulog" pinikit ko muna ang mga mata ko nagbabasakali na kahit konti mawala ang sakit sa ulo, pero walang nangyare.

"Kurt!, Papa!" sigaw ko, dahil kailangan ko talaga ng tulong, ngayon lang ako nakaranas ng ganito kasakit sa ulo grabe!, narinig kong may bumaba kaya humiga ako.

"Ayan nagising na pala ang prinsesa at lasing nanaman" pangsesermon ni Kurt, ibinigay ko sakanya ang kamay ko para magpatulong tumayo, kinuha niya naman ito at tinulungan akong makalakad hanggang sa kusina tsaka pinaupo.

"Mag lasing ka pa hindi mo naman kaya, hindi ka pa talaga nahiya na si Casper palagi mag-aalaga sayo tuwing lasing ka" diretso niyang sabi, pero inirapan ko lang siya, "Ang ingay mo!" naiirita kong sabi, "Tubig please tsaka baka may gamot diyan bigyan mo din ako sige na" wala ng nagawa si Kurt kundi kunin ang mga inutos ko tsaka ako pina-inom.

Ngumiti lang ako sakanya, "Thankyou my brother" nakangiti kong sabi pero inirapan niya lang ako at sinamaan ng tingin, "Shut up Ash" naiinis niyang sabi tsaka umalis.

Naiwan akong mag-isa dito sa kusina, masakit padin ang ulo ko pero nagiging okay na nanaman kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at minessage si Casper.

Ashyy_anne: Hi! gising na ako, thankyou sa paghatid kanina : )

nag reply naman siya agad.

Blaze_30: No need to thank me, gagawin ko ang lahat para maalagaan ka.

Ashyy_anne: Ang sweet naman , thankyou

Blaze_30: btw any plans for today?

Napa-isip naman ako , nakakatamad gumala eh napagod ako kahapon kaya dito na muna siguro ako sa bahay total sabado naman ngayon.

Ashyy_anne: dito lang siguro ako sa bahay, nakakatamad gumala

Blaze_30: okay, can i visit later?

Ashyy_anne: sure!

Blaze_30: okay, see you

Hindi na ako nagreply sa chat niya, pumunta nadin ako sa kwarto ko para makapag-ayos dahil naaamoy kona ang alak sa buong katawan ko.

Matapos maligo at makapag-ayos, kinuha kona muna ang laptop ko, manunuod nalang siguro ako ng anime, wala din naman akong magawa, humiga ako sa kama tsaka binuksan ang laptop ko, alas-kwatro na pala ng hapon, napag-usapan naming dinner nalang pupunta si Casper dito dahil may pupuntahan pa daw siya, pumayag naman ako.

It's been 1hour since nagsimula akong manuod ng movies, nangangalay na ako kaya napagpasyahan kong kumain na muna gutom nadin ako, habang nagliligpit ng gamit napalingon ako kung saan ang cellphone ko dahil may tumatawag, si Liza.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Où les histoires vivent. Découvrez maintenant