Chapter 43

68 4 1
                                    

Future

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Future.

"Cheers!!" sigaw naming tatlo.

"Wow ang tanda na natin no?, it's been years since nag outing tayo ng ganito, sobrang busy kasi natin" natawa naman kaming dalawa ni Liza.

"Oo nga no?, and it's also been years since we last saw Casper..asaan na kaya ang mokong na 'yon?..at masuntok ko." biro ni Liza, ngumiti naman ako at ininum ang bote ng alak na hawak ko.

It's been 10 years and I'm now 29 years old turning 30 this upcoming december.

Ang tanda-tanda ko na pero ang fresh pa din ng lahat ng nangyari saakin noon.

The problems I've been through.

Si papa naging mahina na kaya kami nalang ni Kurt ang nag-aasikaso ng kompanya namin. Nasa bahay lang si papa pinapahinga na namin, kung wala siyang magawa nagluluto naman siya at ipinapadala saamin.

Masaya. Malugkot. Mahirap. Napagod.

Lahat ng yan naramdaman ko, but in all of that I grew up. Tumandang cute padin naman.

Nakapag-move on nadin naman... kasi kailangan, how can I start again if I am still trapped in our past relationship?

Mahirap pero kinaya ko dahil kailangan at yun ang dapat.

"Antagal naman ata nila Josh?" sabi ni Sofia, siningkitan naman namin siya agad ng mata ni Liza.

"Edi sanaol may jowa!" sabay naming singhal sakanya ni Liza. Inirapan niya naman kami.

"Eh kayo kasi ilang taon ng single!, hindi padin nadidiligan"

"Hoy sama mo!" sigaw ko.

"Hindi lahat" agad naman kaming napatingin ky Liza dahil sa sinabi niya.

"Wag mong sabihin-"

"Yes I'm not virgin anymore! Ano ba kayo" sabay naman kaming nagkatinginan ni Sofia tsaka napatawa.

"Wow sa sobrang busy maging doctor may panahon ka pa pala diyan? Alam ba 'yan ni Doc.Liam?...Eh ito ngang isa nating kaibigan wala" sabay naman silang pinagtawanan ako.

"Eh paano iniwan." sabi ko tsaka nakangiting tumingin sakanila, napatigil naman sila sa pagtawa, ako naman na ang natawa dahil sa pagmumukha nila.

"Ops wag ganyan ayoko niyan, uminom nalang tayo" sabi ko sabay angat ng bote, "Cheers!" sigaw ko, umiiking na iniangat naman din nila ang hawak nilang bote.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now