Chapter 40

80 3 0
                                    

Ilang araw na din ang lumipas pero hindi pa din kami nag-uusap ni Casper, kahit sa skwelahan hindi kami nag-uusap, hindi nagpapansinan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang araw na din ang lumipas pero hindi pa din kami nag-uusap ni Casper, kahit sa skwelahan hindi kami nag-uusap, hindi nagpapansinan.

Alam kong busy siya dahil andami niyang kailangan habulin na mga klase kaya hindi na ako nag-abala pang kausapin at guluhin siya.

Maybe we need space.

Nag focus na muna ako sa mga importanteng bagay na nangyayari sa buhay ko.

Salamat sa diyos at pasado naman ako sa lahat ng mga quizes namin at projects, merong ibang mababa pero umaabot naman din sa passing score kaya okay na ako doon. Naiintindihan din naman ako nila Papa at Kurt kung bakit nagkaganyan.

Ni-relax at pina kalma ko muna ang mga utak namin, kailangan din namin to, marami pang pagsubok na dadating sa relasyon namin ni Casper.

Hindi sa nagiging mahirap na at pagod na kami pero lahat naman tayo napapagod pero bumabangon din naman, ganyan lang naman ang takbo ng buhay natin.

Napapagod pero hindi sumusuko.

Always face the day with a smile.

Pero oo, inaamin ko na mi-miss ko siya, yung mga yakap at halik niya. I miss him.

Pero miss niya ba ako ?

I guess not , iniwan niya nga ako doon diba ?

Who really needs to handle a relationship?,

Ang lalaki ? O ang babae ?

That big question that always runs through my brain.

"Both." napalingon naman ako sa kakarating lang na si Sofia.

"Bakit both?" taka kong tanong, ibinigay niya naman saakin ang dala niyang juice bago umupo, taka naman akong tumingin sakanya.

"Ganito kasi yan, alam kong common na 'to pero ang sabi nga nila, pag gusto niyong 'dalawa' na magtagal kayo, tatagal kayo."

"Huh? Paano pag pagod at ayaw na ng isa?"

"Edi syempre you need to talk first...kung bakit kayo napagod? Malaking dahilan ba ang pagod niyo to break up with each other? O kaya namang maiayos pero hindi... inaayos, ganun." napatango-tango naman ako.

"May point ka naman pero what if mas pinili nilang mapagod kysa sa kumapit sa isat-isa?"

"Edi you made a big mistake!" singhal niya sabay tayo at hinarap ako. "Ashlynne Anne when you really really really love someone kahit anong bad sides niya pa ang ipinakita niya saiyo o nakita mo, tatanggapin mo yun ng buo kasi nagmamahal ka eh,

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now