Chapter 39

63 4 0
                                    

Napaka sakit na araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napaka sakit na araw.

The day we all did not expect.

Libing na ng Mom ni Casper, si Casper naman parating nasa harapan lang ng kabaong ng Mom niya hindi siya umaalis doon, hindi na siya kumakain, kahit anong usap ko sakanya hindi niya ako sinasagot ng maayos.

"Miss Cruz!" agad naman akong napalingon sa harapan dahil sa sigaw ni tuko, "Focus!"

"Sorry sir may iniisip lang"

Inirapan niya naman ako, "If ayaw mong bumagsak makinig ka!, parati ka nalang tulala at wala sa sarili!" sigaw niya tsaka humarap na sa board. Napa-hinga nalang ako ng malalim at ipinikit nalang ang mata tsaka nag nap.

"Kailan ba to matatapos gusto ko nang puntahan si Casper.." bulong ko sa sarili.

"Cruz!, puntahan mo ko sa office mamaya mag-uusap tayo" inangat ko naman ang mukha ko tsaka tumango, "Yes sir" sabi ko. Lumabas na din naman siya agad ng room.

"Beyb sabay na tayo oumunta kina Casper mamaya ha?" tumango naman ako, "Salamat , nag-aalala na talaga kasi ako kay Casper nag text kase saakin ang Dad niya hindi pa daw parin kumakain si Casper." mahina kong sabi, kinuha naman ni Sofia ang kamay ko tsaka ako nilapitan.

"Beyb naman alam ko kung gaano po iniisip si Casper ngayon pero sana naman isipin mo din ang sarili mo tignan mo ngayon napagalitan ka pa" alala niyang sabi. Ngumiti nalang ako, "Okay lang ako, hindi pa naman masyado naaapektuhan ang grades ko and tignan mo I caught up with my grades." nakangiti kong sabi.

Napailing naman siya tsaka tumango at niyakap nalang ako, "Tara kain na muna tayo" tumango naman ako tsaka kinuha ang bag ko.

Tumungo na din kami agad sa canteen, habang nag kwe-kwento si Sofia ako naman wala sa sarili, naririnig ko ang sinasabi niya pero lumalabas din kabilang tenga ko, sobrang nag-aalala na ako.

"Ash tawagan mo nalang" sabi ni Sofia sabay harap sakin, "Alam kong gusto mo nang umuwi tawagan mo nalang para kahit pa-paano makampante ka" tumango naman ako at agad kong tinawagan si Casper.

*P-penguin?! Hello?, kumain ka n-

*Hello Ash iha?

Bigla naman akong nalungkot

*Uhmm hello po andyan po ba si Casper?

*Oo iha andito pero hindi pa din kumikibo

*Pwede ko po ba siya makausap?

*Sige ibibigay ko

*Anak gusto ko daw kaus- ikaw na muna kumausap Dad

Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niya pero napangiti nalang ako, nagsalita na siya.

*Iha ay-

*Okay lang po , kumain na po ba siya?

*Uhmm o-oo iha kumain na siya wag kang mag-alala

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now