Chapter 32

61 2 0
                                    

It's been weeks simula ng araw na yon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's been weeks simula ng araw na yon. Tapos na din ang 2nd examination namin, wala din namang nangyari, pero hindi normal ang araw ko. Parating wala sa sarili si Sofia, parating tulala, hindi nagsasalita, hindi nag kwe-kwento, alam mo yung dating maingay at masiyahin na Sofia naging kabaliktaran na siya ngayon. Alam kong may problema siya pero palagi niyang sinasabi na, busy lang siya sa studies niya at okay lang siya.

Pero hindi ako naniniwala.

Ngayong araw nga pala namin makikita ang mga marka na nakuha namin during the examination, nakaka-kaba pero nakaka-lungkot din, I always think of Sofia. Kung okay ba siya?, sa bahay okay lang ba siya? Emotionally and...physically.

"Okay class pag tatawagin ko ang pangalan niyo, come here in front at ipapakita ko sainyo ang marka na nakuha niyo, okay?" sumagot naman kami lahat at isa-isa nadi'ng tinawag ang lahat. Tinignan ko naman si Sofia pero tahimik lang siya, ang lalaim ng iniisip.

"Cruz!"

Tumayo naman ako agad at pumunta sa harapan, hindi ko na muna tinignan dahil sabay nga kami parati ni Sofia diba?. At ng makuha na ni Sofia ang card niya, sinabayan ko siya sa pagbukas nito.

Ng makita ko ang grado ko bigla napatalon naman ako sa saya, "Sof! Pasado lahat! Congrats satin!" sigaw ko sakanya at bigla siyang niyakap. Ng maramdaman kong hindi siya nakayap sakin agad ko siyang binitawan at nagulat ako ng bigla siyang umiyak. I immediately look at her card. 

Napatingin naman ako sakanya agad ng makita ko ito, "Sof" mahina kong sabi, niyakap niya na lang ako tsaka umiyak.

She failed in Math.

"Sof okay lang yan bawi na lang tayo sa 3rd and 4th okay?, wag kang mawawalan ng pag-asa" mahinahon kong sabi, patuloy parin siya sa pag-iyak.

"Huy be! Anong nangyari?" sabi ni Carlo ng makalapit ito pero tinignan ko lang siya na nagpapahiwatig na wag na munang tanungin. Naintindihan din naman niya at niyakap nalang si Sofia bago ito umalis.

"Sof, look at me" agad ko naman siyang hinarap sakin at pinunasan ang luha sa mga mata niya, "Smile..may 3rd and 4th pa tayo oh" nakangiti kong sabi para kahit papano maging okay siya.

"Ash, alam mo naman papagalitan nanaman ako nito ni Daddy" sabi niya habang dahan-dahang umuupo.

Tinabihan ko naman siya, "Sof babawi ka okay? Babawi tayo, wag mona munang isipin ang...daddy mo please, for once do this for yourself at hindi dahil sa gusto ng daddy mo"

Umiling naman siya, "No Ash, hindi mo siya kilala, alam mo naman na diba na hindi niya gustong mag architect ako?, he wants me to be a Lawyer, pero napilit ko siya diba? Na gagalingan ko, I will study hard para hindi siya mabigo..pero heto ako ngayon..may bagsak." naiiyak niyang sabi, agad ko naman siyang niyakap.

"Sof gusto mo? Kausapin ko ang dad mo? Para mas malinawa-"

"No, hindi yon maniniwala, sasabihin lang non na dapat, in the first place palang dapat ginalingan ko na para hindi magkaganito..

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now