Chapter 26

84 6 0
                                    

Unang araw,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Unang araw,

Unang araw bilang girlfriend ng isang Casper Blaze Garcia, ewan ko ba parang kahapon lang naiinis ako at pinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan ngayon mahal ko na, but I guess it's true,

In the end, Promises are just words.

Kasi tignan niyo nga naman ngayon inlove na inlove ako sa lalaking isinumpa ko nuon na hinding hindi ko magugustuhan pero heto ako ngayon, nahulog sa patibong.

Sabi nga nila diba? ,
When love is real.. it finds a way.

But even promises can break our hearts too.

At first I really don't believe when they promise, for example, they promise that they will stay by my side forever and never leave?, that's a lie, everyone leaves.

And in the end? you are still alone, and there is no one else there for you but yourself.

Pero nag bago ang lahat ng paniniwala ko, dahil sakanya.

Yung feeling na hindi ko na kaya pa kung mawala pa siya, It sounds corny pero totoo, palagi kong panghahawakan ang mga salitang 'Hinding-hindi kita iiwan' and I will believe and hold on to that promise.

"Ash!" at agad na pumasok si Kurt sa kwarto ko, "Oh? Bakit? May problema ba?" taka kong tanong ng hinihingal siyang tumatakbo papunta sa kwarto ko.

"Dalian mo daw bibili pa tayo ng cake!" sigaw niya tsaka patakbo nanamang bumaba.

Yes, I really love this day, Birthday din ng pinaka-magandang babae sa buong buhay ko, mom.

"Cominggg!" sigaw ko tsaka kinuha ang sumbrero ko at gamit tapos bumaba nadin.

"Ang tagal mo talagang kumilos bata ka, andiyan na si Casper sa sala naghihintay" nanlaki naman ang mga mata kong sumilip sa sala, totoo nga andun na nga siya, ayoko pa siyang harapin, nahihiya ako.

"Ash!, dali na andito na 'boyfriend' mo oh" pang-aasar na sigaw ni Kurt, at talagang diniinan pa ang salitang boyfriend, patay ka sakin pa kinuwento ko sayo ang mga sinabi ni Zyprylle.

Agad naman akong lumapit sakanila, tumayo naman agad si Casper tsaka ako nilingon, bakit iba ang paningin ko sakanya ngayon, ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Hi .. hindi na future pero girlfriend ko na talaga" nahihiya niyang sabi,

"Hi" nakayuko kong tugon, dahil nahihiya ako! Ana ba!

"Nakaka-single zone naman dito!, pa halika dito para may kasama ako" biro ni Kurt, agad naman lumapit si papa sakanya

"May date din ako ngayon, ikaw lang single dito" sabi ni papa tsaka namin siya tinawanan lahat, sumeryoso naman agad ang mukha niya at isiningkit ito.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now