THE END

129 5 0
                                    

"Beyb!!" napatingin naman ako sa mga kaibigan ko sa salamin ng lumapit sila saakin

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

"Beyb!!" napatingin naman ako sa mga kaibigan ko sa salamin ng lumapit sila saakin.

"Bakit hindi pa kayo nakapagbihis?" sagot ko habang gumagalaw dahil inaayos ang buhok ko ngayon.

"May inayos lang kami konti doon sa venue, sige relax ka lang diyan ha.. paayos lang kami" they winked at me sabay labas sa Room ko.

My hairstylist and make-up artist just continued to fix me up. Hanggang sa natapos na ako ipinapasok na nila ako sa isang room kung saan ako magbibihis. I slowly left the room and when I saw myself in the mirror I could not help but shed tears, I was beautiful in my gown. Am I really getting married now?.

"Beautiful.." nasabi ng make-up artist ko, siya pala yung nag make-up din saakin sa bahay nila Casper noon.

"Thank you.." mahina kong sabi dahil naiiyak na ako, pero hindi pwede baka masira make-up ko.. pina-upo naman nila ako ulit at inayusan then the photographer take a lot of pictures of me, andami kong pose na ginagawa. When the photographer shows me a thumbs up na okay na, pinaupo ako ulit nila Jade tsaka inayusan ulit dahil na stress buhok ko ka-ka-picture!.

Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na sigaw na pumasok, "Ashlynne..." nakangiti niyang sabi.

"Tuk- Sir Gab, bakit andito po kayo?" malapad na ngiti kong sabi.. nilapitan niya naman ako sabay yakap saakin at napatingin kami sa isat-isa sa salamain.

"Gusto ko lang makita ang ex-student ko na ikakasal na, I'm so happy for you, alam ko harsh ako sayo noon pero it's for your own good tignan mo nga naman ngayon, isa kanang sikat na architect at proud ako dahil isa ako sa naging guro mo patungo sa pangarap mo." napangiti naman tsaka hinawakan ang kamay niya na nasa balikat ko.

"Thank you po ng sobrang marami.." naiiyak kong sabi.

"Hoy don't cry may kasal ka pa gurl!" biro niya kaya napatawa naman ako, "Sige 'yon lang talaga ang sasabihin ko, kita kits nalang sa simbahan pag kasal ka na, mwuaps!" sabay flying kiss at lumabas.

"Taray ng guro ko Ma'am Ash ah, gusto ko maging friend 'yon" natatawang sabi ni Jade habang patuloy na inaayos ang buhok ko, natatawang napailing nalang ako sabay bukas ng drawer na na sa harapan ko. Kinuha ko naman doon ang isang box sabay labas ng ballpen ko. Bigay ni Mama.

"Ma, natupad ko na lahat ng pangarap ko.. thank you po ha kasi ginabayan niyo 'ko hanggang sa marating ko ang lahat ng ito. Mama thank you po ng sobra mahal na mahal po kita, sana nga po no na maihatid niyo ako sa altar ngayon. Ihatid niyo po ako kahit maramdaman ko lang ang presence niyo okay na po ako. I love you mama." naluluhang pinindot ko naman ang button ng ballpen ko at napaluha na sa narinig ko.

'Congrats anak proud na proud si mama sayo'

"Mama.." I said while sobbing.

"Ma'am Ash ano pong nangyayari? Hindi pa tuloy ang kasal?! Bakit kayo umiiyak!" natataranta niyang sabi, napangiti naman ako tsaka natatawang tinignan siya sabay iling.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}حيث تعيش القصص. اكتشف الآن