Chapter 22

91 6 0
                                    

Nagising NANAMAN ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, "Bwesit!" sigaw ko nalang tsaka ako nag-unat at tumayo na para makapag-ayos, pero napatigil ako sa pagkilos ng pumasok si Kurt at humiga sa kama ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Nagising NANAMAN ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, "Bwesit!" sigaw ko nalang tsaka ako nag-unat at tumayo na para makapag-ayos, pero napatigil ako sa pagkilos ng pumasok si Kurt at humiga sa kama ko.

"Anong ginagawa mo diyan?!, alis!" pang-tatabuy ko sakanya pero inirapan lang ako ng mokong.

"Ash this is the day" nerbyos niyang sabi, nagtaka naman ako, "Anong this is the day? hindi ko maintindihan" taka kong tanong, bumangon naman siya agad at hinarap ako sabay hawak sa dalawang balikat ko.

"Ash! hindi mo ba naalala?" pabitin niyang sabi.

"Ang alin nga?!" inis kong sabi.

"Ashlynne Anne!, labasan na ng grades ngayong araw! shunga ka ba?!" sigaw niya sa mukha ko, napatigil naman ako at sabay kaming napa-upo dalawa sa kama.

"O M G, patay" sabi ko nalang tsaka gumulong-gulong sa kama, tumayo din si Kurt at tumakbo ng tumakbo palibot sa kwarto ko, "Patay talaga!" sabi niya.

Bakit ko nalimutan?, BAKIT?!, hindi pa akong handa makita grado ko lord, bakit! "Ayaw kong pumasok Kurt!" sabi ko sakanya, tumigil naman siya kakatakbo at hinarap ako.

"Wag na wag kang susuko kapatid ko, haharapin natin kung ano ang magiging resulta" seryoso niyang sabi, bigla namang nawalan ng emosyon ang mukha ko.

"Shunga" sabi ko sakanya tsaka tumayo at tumakbo ng tumakbo palibot sa kwarto ko, ginaya din ako ni Kurt kaya kaming dalawa ang tumatakbo ngayon pero napatigil ako ng napagod ako.

"Kaya ko to, alam kong papasar ako" sabi ko sabay hawak sa malakas na tibok ng puso ko,hindi naman ako babagsak diba?

"Ako rin!, alam kong papasar ako!" sigaw ni Kurt, agad ko naman siyang hinarap saakin at tinignan sa mata.

"Alam mo?, alam kona kung anong magiging resulta ng grado mo" sabi ko sabay ngiti. ngumiti naman siya ng napakalawak, "Ano? papasar ako diba?" mapagmataas niyang sabi.

"Hinde. alam mo kung ano?" umiling naman siya, "ML" sabi ko tsaka tumawa ng malakas agad naman na sumeryoso ang mukha niyang nakatingin saakin, "Kaka-Ml mo hindi kana papasar!" biro ko at tumawa nanaman.

"Alam mo? panira ka ng araw, ipagdadasal ko talaga Ashlynne Anne na babagsak ka!" sigaw niya tsaka padabog na lumabas sa kwarto ko, napatigil naman ako sa pagtawa.

"Talaga bang ipagdadasal niya yon?, hindi naman siguro no?, magkapatid kami eh diba?" nerbyos akong pumasok sa banyo at naligo naligo nalang.

"Magandang buhayyyy, lord sana po talaga pumasar!" sigaw ko paglabas ko sa banyo, agad naman akong kumuha ng mga damit at nagbihis na, pakanta-kanta lang akong nagbibihis dito kahit na hindi ko na talaga alam anong nararamdaman ko.

Take my hand

Take my whole life tooowoo!

But I can't help falling in love with youuuu

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now