Chapter 51

62 3 2
                                    

Buwan nadin ang nakalipas ng mangyari ang araw na 'yon, nakauwi din naman agad si papa kinabukasan noon kaya dito nalang namin inaalagan at mino-monitor ang kalagayan ni papa sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Buwan nadin ang nakalipas ng mangyari ang araw na 'yon, nakauwi din naman agad si papa kinabukasan noon kaya dito nalang namin inaalagan at mino-monitor ang kalagayan ni papa sa bahay.

"Pa naman eh, ang tigas ng ulo, hindi muna ako papasok sa trabaho dahil aalagaan po muna kita, okay?"

"Pero anak, kaya ko na ang sarili ko, oh tignan mo malakas ang papa" sabi niya sabay pakita saakin ng muscles niya.

"Pa hindi po bumabase ang kalusugan niyo sa muscles niyo, kahit gaano po kalaki 'yan kung hindi po kayo okay, edi hindi talaga" sabi ko sa ma-awtoridad na boses.

"Oo na, basta 'wag mo papabayaan 'yang trabaho mo anak, kamusta na pala yung big project mo doon sa Le Vior?" tanong niya sabay upo sa lamesa, naghanda nadin naman ako ng plato naming dalawa para kumain na ng tanghalian.

"Okay naman po, inu-update naman ako palagi ni Mika kung anong ganap doon." nakangiti kong sabi bago umupo.

"Ganun ba?, mabuti kung ganoon pero iba talaga ang proseso kung andoon ka talaga mismo at nakikita ng mga mata mo ang ginagawa ng mga katrabaho mo." pangaral niya tsaka ako tinignan sa mga mata.

"Hindi, wala pong mangyayari doon, kilala ko na po lahat ng katrabaho ko" ngumiti ako sakanya, tumango naman siya at kumain nalang.

Tinignan ko naman siya ng tumayo siya, aktong kukuha na sana siya ng toyo ng tumikhim ako, "Bawal 'yan, pa ma-alat ang toyo" sabi ko, huminga naman siya ng malalim at binigyan ako ng malungkot na mukha bago umupo, "naku-naku, 'wag ako papa ha, kung si Kurt na-uuto mo ako hindi" umiiling-iling na sabi ko.

Eh kasi naman pag si Kurt nagbabantay dito ky Papa kahit bawal hindi niya mapigilan na pagbigyan si Papa, natatakot panaman 'yon ky Papa, eto namang magaling kong Ama tinatakot si Kurt na pag hindi niya daw ibibigay mumultuhin siya ni mama kinagabihan, edi ang ending naibibigay ni Kurt kung anong gusto, ice cream oh kahit ano, parang bata. Tss.

"Oo nga pala anak, pupunta ba dito si Casper?"

"Opo, pagtapos po ng klase niya" tumango naman si papa. "Bakit po?"

"Wala lang, gusto ko lang siyang pasalamatan dahil sa mga naitulong niyang pag-aalaga saakin last month" ngumiti naman ako tsaka tumango at kumain na ulit.

Pagkatapos naming kumain pina-akyat ko na si Papa sa kwarto niya at pinag-pahinga na. Naghuhugas naman ako ng pingggan ng biglang tumunog ang phone ko, nagmadali naman akong nagpunas ng kamay tsaka ito sinagot.

*Mika?

*Architect, may problema po tayo

*Ha?, ano bakit?, saan ?

*Hindi niyo po ba alam?, akala ko po kayo ang nagsabi non kay Architect Fey— hala, Architect pumunta po kayo dito sa site dali!

*Ha?, I told you, hindi muna ako makakap-

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Where stories live. Discover now