Chapter 38

65 2 0
                                    

TW: death

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

TW: death

June 16

I did not realize that a few months had passed, andito pa din sa hospital ang Mom ni Casper. As time goes on the situation of her Mom's life worsens, habang tumatagal unti-unti ng nababawasan ang buhay ng Mom niya.

I can no longer focus in class palagi kong iniisip si Casper, since that day hindi na siya pumasok ulit, naging pabaya na siya sa studies niya. I always talk to his teachers to give Casper a chance, nanghihingi ako ng pabor sa mga classmates niya na pahiramin na muna ako ng notebooks dahil palagi kong tina-take note ang mga assignment and notes nila.

Ayokong masira ang pangarap niya.

Pero tuwing dumadating ako sa hospital umiiyak siya kundi lasing, minsan sinu-sundo ko pa siya sa club dahil duon siya naka tambay buong gabi, lasing na lasing. Pinapagalitan na ako nila Sofia dahil naaawa na sila saakin, bumababa nadin daw ang grades ko.

But I always tell them, Okay lang ako, I can handle this..for him.

Napapangiti nalang din ako dahil tuwing nakikita niya ako ngumingiti na siya agad, I'm the only one he has now to give him strength. Bumabalik naman siya sa normal tuwing kasama ako, we study together pero hindi padin siya pumapasok kaya ako nalang ang nagpapasa sa school.

Actually nahihirapan na ako, sobrang stress, lungkot at pagod ang nararamdaman ko araw-araw, parati 'ding wala sa sarili si Casper. Pero kinakaya ko ang lahat dahil dadating din naman ang araw na magiging okay si Casper at hihintayin ko ang araw na yon.

Because I know... that day will come.

"Ash lumabas na si Ma'am" agad naman akong napatingin sakanya, nginitian ko naman siya, "Ah wala na pala sige aalis na muna ako ipapasa ko pa yung assi-"

"Ash okay ka pa ba?" nag-aalalang tanong ni Sofia, nakangiti naman akong tumango tsaka nagligpit na ng mga gamit, "Nagpapahinga naman ako, eto naman" bigla niya naman akong hinarap sakanya tsaka niyakap.

"Ang tanong ko, okay ka pa ba?"

Hindi alam kung bakit pero bigla nalang tumulo ang luha ko, alam ko sa sarili ko hindi ako okay pero parati kong iniisip magiging okay din kami.

"Magiging okay din naman ang lahat Sof talagang may dinadala lang si Casper ngayon kaya nagkakaganito" sabi ko sabay harap sakanya tsaka ngumiti.

"Please naman Ash wag mong pababayaan ang pag-aaral mo okay?, pag kailangan mo ng makaka-usap andito lang ako ha?" tumango naman ako, "Oo naman" sabay ngiti at punas ng luha ko. Kinuha ko na din ang bag ko tsaka kami umalis.

"Hatid na kita" sabi ni Sofia tsaka ako inalalayan sumakay sa kotse, ngumiti naman ako sakanya, "Salamat" umalis na din kami agad.

Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana andaming tumatakbo sa isip ko ngayon, malapit na din ang exam pero hindi ko padin magawang makapag-focus sa klase.

Broken Promises (Topia Series #1)  {COMPLETED}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora