Chapter 1

22.9K 224 6
                                    

Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 3pm Saturday

*phone ringing*

Denden: Aly, sagutin mo nga yang phone mo. Kanina pa nagriring.

Ella: Hoy Baldo (sabay bato ng unan kay Alyssa)!

Alyssa: Ano ba! Ingay niyo! Kitang natutulog ang tao eh.

Ella: Kanina pa tawag ng tawag yong prince charming mo. Baka kelangan na naman ng yaya niyan!

Alyssa: (bato ng unan kay Ella) Baliw! (kinuha yong phone niya sa side table at sinagot yong tawag) Anong kelangan mo?!

Kiefer: Wala man lang bang "Hello Kiefer!" or kaya "Hello gwapo kong bestfriend!"?

Alyssa: Ay naku Ravena! Wala ako sa mood ha. Bakit ka tumawag?

Kiefer: Ang sungit naman nito. Ano bang ginagawa mo diyan sa dorm? Tara jogging tayo!

Alyssa: Isa ka talagang malaking istorbo! Ang ganda-ganda ng panaginip ko tapos gigisingin mo ko para lang magjogging?! Ay naku ba-bye na, matutulog na ko ulit.

Kiefer: Uy! Wag mo baba yong phone! Sige na, jogging tayo. Andito na ko sa tapat ng dorm niyo. Tama na yang tulog. Tataba ka lang!

Alyssa: Did you just call me fat?!

Kiefer: Hindi ah. Ang sabi ko, tataba ka pag natulog ka lang ng natulog. Kaya tumayo ka na diyan sa kama mo, magpalit ka na ng damit. Mag-jogging na tayo!

Alyssa: Haist! Kulit! Oo na nga. Hintayin mo ko diyan sa baba. Papalit lang ako ng damit. (binaba yong phone niya at tumayo para magpalit ng damit)

Ella: Hay naku Denden. Ala talagang willpower yong isa diyan pagdating sa bestfriend niya.

Denden: Oo nga eh. Sungit pa kunwari sasama din naman pala.

Alyssa: (sumigaw mula sa banyo) Naririnig ko kayo ha! Ako na naman pinag-chichismisan niyo.

Ella and Denden: Hahahahaha...

Denden: Kasi naman besh...basta si Kiefer, kahit ano pa yang ginagawa mo, talagang drop everything ka.

Ella: Oo nga. Pa-miss ka naman ng onti.

Alyssa: (paglabas ng banyo) Feeling ko may problema na naman yon kay Kara.

Si Kara yong girlfriend ni Kiefer of two years. Mga ilang months na rin naming naririnig kung kani-kanino na nakikita si Kara na may ka-date na iba. Tagal ko ng sinasabi kay Kiefer na i-confront niya si Kara, kahit para lang sabihin na may naririnig siyang ganung chismis. Pero ayaw naman niya. Hindi raw magagawa ni Kara yon sa kanya.

Ella: Naku, kelan naman nawalan yon ng problema sa girlfriend niyang maharot?

Alyssa: Maka-maharot naman to wagas.

Ella: Nagsasabi lang ako ng totoo noh! Maharot naman talaga yong girlfriend niya. Imagine, sila na nga ni Kiefer tapos kung sino-sino pa ang fini-flirt niya tska dine-date niya. Alang kahihiyan!

Denden: Hindi pa ba hihiwalayan ni Kiefer yong babaeng yon? Common knowledge na kaya yong pagchi-cheat ni Kara.

Ella: Makipag hiwalay?! Den, i-confront nga si Kara di magawa ni Kiefer, makipag-break pa?! Isa pa yon eh - wala ni katiting na willpower sa katawan!

Alyssa: (bato ng damit kay Ella) Grabe ka naman makalait!

Denden: Uy may nahu-hurt. Bagay nga kayong magbestfriend Ly - parehas kayong martir!

Alyssa: Ay naku, diyan na nga kayong dalawa. Bababa na ko. (naglakad papuntang pinto)

Ella: Aly, word of advise. Yang puso mo, ingatan mo yan, nag-iisa lang yan. Wag ka masyadong pa-martir. Walang magpapatayo ng monumento para sa yo. Si Kiefer, matanda na yon. Kaya na niyang solusyunan yong mga problema niya. Move on move on din pag may time!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now