Chapter 6

9.4K 114 1
                                    

Ella’s POV
Blue Eagle Gym, 7:30am Saturday

Sinilip ko yong oras, hay salamat naman malapit na matapos ang training. Habang nakaupo kami ni Aly at Denden after doing sit-ups, tumabi si Mich sa min.

Mich: Ate Aly, bakit parang wala ka atang breakfast delivery ngayon? 7:30 na wala pa siya.

Alyssa: Wag kang masyadong masanay. Hindi naman niya trabahong dalhan ako ng breakfast.

Mich: Kaya nga mas sweet kasi hindi kelangan pero ginagawa niya.

Denden: O Mich, andiyan na yong hinahanap mo. (senyas sa bleachers kung san umupo si Jovee)

Sabay lumingon si Aly at si Mich sa direksyon na isinenyas ni Denden.

Ella: Kelangan talaga sabay tumingin?!

Coach Parley: Lady Eagles! (lahat tumingin kay Coach) Tutal Sabado naman ngayon, let’s end training early.

Lady Eagles: Yehey!!!

Coach Parley: Just don’t forget to cool down before mag-shower. See you girls on Monday!

Lady Eagles: Thanks Coach! See you Monday! Bye po!

Tumayo si Aly at naglakad papunta kay Jovee. Nakita kong nagtinginan yong ibang Lady Eagles. Mukhang may masamang balak tong mga to ah. True enough, sumunod silang lahat kay Aly. Tumayo si Denden, hinila ako.

Denden: Besh, tara! Mukhang maha-hot seat sila Aly.

Alyssa: Jovee, meet the Lady Eagles. Si Amy, Mona, Kim, Ana, Jamie, Jho, Jia, Mich, Aerieal, Mae, Bea, Gizelle, Marge. Si Denden tsaka si Ella kilala mo na. Girls, si Jovee, team manager namin nun sa UST Girls Volleyball team.

Lady Eagles: Hi Jovee!

Jovee: Hi Girls!

Bea: So Jovee, paano kayo nagkakilala ni Aly?

Mona: Ang sabi ni Aly matagal na daw kayo magkakilala, pero bakit ngayon ka lang namin nakita?

Alyssa: Bakit niyo hina-hot seat si Jovee?! (tingin kay Jovee) You don’t have to answer their questions.

Jovee: Okay lang Aly, I’d be happy to answer.

Bea: O Ly, okay lang daw sabi ni Jovee.

Aerieal: Aly, ayaw mo pa bang maligo? Punta ka na ng shower rooom o, habang wala pang tao.

Tumingin si Aly sa min ni Denden, asking for help. Nag-smile lang kami sa kanya. Masaya manood ng mga hot seat sessions na ganito, except siyempre kung ikaw ang naka-hot seat. Daig pa kasi ng mga to ang abugado kung mag-usisa.

Jovee: (tingin kay Alyssa) Aalis ka ba? Okay lang ako dito. I think kaya ko naman mag-isa.

Alyssa: Hindi. Dito lang ako. Baka kung ano pa ikwento mo sa kanila.

Jovee: Wala naman akong ikwe-kwento sa kanila na hindi mo alam.

Alyssa: Basta! Mahirap na!

Bea: Okay na ba? Pwede na mag-start?

Jovee: Hahaha…sige game, ano ulit yong first question?

Amy: How did you and Aly meet?

Jovee: We met in UST nung third year high school si Aly and second year college ako. Hindi na kasi ako pwedeng maglaro nun sa Men’s Volleyball team so nag team manager ako kina Aly.

Ana: Bakit hindi ka na pwedeng maglaro ng volleyball?

Jovee: Well, pwede naman, hindi nga lang competitive. Nagka-leg injury kasi ako. Pina-surgery naman ako ng UST tsaka therapy, pero hindi na talaga bumalik yong strength ng right leg ko. So nagdecide nalang ako na tumigil na maglaro competitively.

Marge: Kung matagal na kayong magkakilala ni Ate Aly, bakit ngayon ka lang namin nakita?

Jovee: We lost touch after Aly’s high school graduation. Nagkita na lang kami ulit last week sa Bonifacio High Street.

Alyssa: Excuse me! We did not lose touch. Ikaw ang hindi nagparamdam!

Mich: Oooohhhh…so…bakit hindi ka na nagparamdam nun kay Ate Aly?

Jovee: Ha? (namula) Ah…eh…pwedeng pass?

Alyssa: Hindi pwede! Sagutin mo yan! Gusto kong marining kung anong sasabihin mo.

Jovee: (tumingin kay Alyssa) Sige, para sa yo sasagutin ko. (nakatingin pa rin kay Alyssa) Nagtampo kasi ako sa yo nung nalaman kong lilipat ka ng Ateneo. Kaya iniwasan kita. Hindi na ko nagpakita sa yo, hindi ko din sinagot yong mga tawag mo tsaka yong mga text mo. Nung medyo nahimasmasan na ko, nawala naman yong phone ko. I took that as a sign kaya hindi na ako nag-effort hanapin yong number mo.

Ella: Eh ngayon, nagtatampo ka pa rin ba kay Aly?

Jovee: Hindi na. Matagal ng nawala yong tampo, lalo na nung nakita ko kung gaano kalaki yong naging improvement niya. Magaling na si Aly mag-volleyball nung high school pero mas gumaling pa siya nung nagstart na siyang maglaro sa college. Magtatampo pa ba ko kung alam kong nakabuti sa kanya yong desisyon niya?

Mae: Pinapanood mo yong mga games ni Ate Aly kahit hindi kayo nag-uusap?

Jovee: Oo naman. Asar talo nga ako sa mga kapatid ko nun. Hindi na daw ako sa UST nagchi-cheer, sa Ateneo na. Pero weekend games lang yong napapanood ko, kasi nagwowork na ko nung nagstart si Aly maglaro.

Denden: Bakit hindi mo siya nilapitan? Kasi naalala ko, pag first game ang Ateneo, after magshower we usually stay to watch the second game.

Jovee: Nakikita ko nga kayong nanonood nun. I think naunahan ako ng hiya. Alam ko naman kasing tatanungin niya ko kung bakit ako biglang nawala, eh hindi ko alam kung paano i-explain sa kanya.

Aerieal: Ikaw ba nagpadala ng flowers kay Aly nung isang araw?

Jovee: Oo.

Jia and Marge: Yes! Tama kami!

Jovee: (tumingin kay Alyssa) Hindi mo sinabi sa kanila?

Bea: Hindi niya sinabi. Pagkakuha niya nung flowers, nilayasan kami. Umakyat agad sa kwarto niya.

Amy: Why did you give Aly flowers?

Jovee: I just wanted to make her smile.

Gizelle: Nanliligaw ka ba kay Ate Aly?

Alyssa: Gizelle!

Jovee: Hindi.

Lady Eagles: Bakit?!

Jovee: May magagalit eh.

Ella: Walang magagalit! Single yan!

Jovee: Talaga? (tingin kay Alyssa) Yang ganda mong yan, single ka?

Lady Eagles: Yiheee...

Jovee: Seryoso, single ka nga?

Alyssa: Kelangan paulit-ulit? Sinabi na nga ni Ella diba?

Jovee: Tinatakot ba ng mga Kuya mo o ikaw ang nananakot?

Alyssa: Ano ba, walang nananakot. Wala lang talaga.

Jovee: Ahhh...O girls, may tanong pa ba kayo?

Lady Eagles: Wala na!

Jia: Ako meron pa.

Jovee: Sige, go!

Jia: Bakit wala kang dalang breakfast para kay Ate Aly ngayon?

Jovee: Wala kasi akong work today, so naisip ko instead na dalhan ko siya ng breakfast, ayain ko nalang siya kumain after training. Paano ba girls, pwede ko bang hiramin muna si Aly sa inyo? Breakfast lang. Babalik ko din siya sa dorm niyo after.

Lady Eagles: Oo naman!

Denden: Girls, unti-unti na magshower. Para makapag breakfast na rin tayo.

Nagpunta na sila ng shower room, kami na lang nina Denden at Aly ang naiwan dito sa labas kasama ni Jovee.

Ella: Kamusta naman ang na-hot seat kanina?

Jovee: Buhay pa naman! Pero pinagpawisan ako ng malapot kanina.

Denden: Tindi nila noh. Grabe. Ngayon ko lang sila nakitang mang hot seat ng ganun.

Alyssa: At naki-join talaga kayong dalawa?!

Ella: Sila lang ba ang pwedeng ma-curious? Curious din kami noh.

*phone ringing*

Denden: Excuse me guys, si Myco tumatawag.

Lumayo si Denden ng konti para sagutin yong tawag ni Myco.

Alyssa: Nagtampo ka talaga sa kin nung hindi ako nag-UST?

Jovee: Pag-uusapan ba natin yan ngayon? Dito? Sa harap ni Ella?

Ella: Just pretend I’m not here...

Alyssa: Sige hindi na. Next time na lang.

Jovee: Next time, promise, ie-explain ko ng mabuti. Itanong mo lahat ng gusto mong itanong, sasagutin ko.

Ella: Saan pala kayo magbe-breakfast?

Jovee: Hindi ko pa naisip actually. (tumingin kay Alyssa) Saan mo ba gusto kumain?

Alyssa: Jovee, sumama na lang tayo sa team magbreakfast. Magma-McDo sila.

Jovee: Ayaw mong magbreakfast na tayo lang? Hindi naman ako nangangagat ah.

Alyssa: Hindi sa ganun. Pero alam mo naman yong standard diba? Kung sino ang wala, siya ang pinag-uusapan.

Ella: Hahaha...Besh ang praning mo!

Alyssa: Totoo naman eh!

Jovee: Sige okay lang sa kin. Kung saan ka mas kumportable.

Denden: Beshies, tara na. May available stalls na daw sa shower room.

Ella: Tara!

Alyssa: Okay ka lang ba dito mag-isa?

Jovee: Yup. Don’t worry about me.


Jovee’s POV
Eliazo dorm, 11am Saturday

Natapos kaming magbreakfast at naglakad pabalik sa dorm nina Aly. Nag sipag-akyatan na yong ibang Lady Eagles sa mga kwarto nila, kami na lang naiwan ni Aly dito sa baba.

Alyssa: Sorry, ang kulit ng mga teammates ko. Na-hot seat ka pa kanina.

Jovee: Okay lang yon. Ngayon lang naman kasi nila ako nakilala. Natural lang na maging curious sila.

Alyssa: Saan ka na after nito?

Jovee: Wala naman akong plano. Gusto mo bang lumabas? Movie or something?

Alyssa: Tinatamad akong lumabas eh…mag movie marathon na lang tayo dito. Madami akong bagong movies.

Jovee: Diba, hindi naman ako pwedeng tumamabay dito sa dorm niyo?

Alyssa: Hindi dito. Dun tayo sa Cervini Caf. Open naman yon to non-dormers. Ano, game?

Jovee: Sige, game!

Alyssa: Hintayin mo ko dito. Kukunin ko lang laptop ko sa taas.

Pagbalik ni Aly, nagpunta kami sa Cervini Caf. Dun kami sa labas naupo, sa isang couch. Bumili kami ng chips sa Caf and we settled down to watch our first movie. Mga halfway through the movie, naramdaman kong sinandal ni Aly yong head niya sa shoulders ko.

Alyssa: Pasandal ha.

Jovee: Sure. Inaantok ka ba? Akyat ka na sa kwarto mo kung gusto mong matulog.

Alyssa: Hindi ako inaantok. Mas kumportable lang manood ng ganito.

Tinuloy namin yong panonood. Natapos na yong movie pero hindi gumagalaw si Aly para magstart ng bago.

Jovee: Aly, tapos na yong One More Chance. Anong gusto mong panoorin next? (hindi sumagot si Alyssa) Ly?

Tumingin ako kay Aly, hay…sinabi na inaantok tong babaeng to eh. Paano ko ba to gigisingin?

I tucked her hair behind her ears tapos tinapik ko yong cheeks niya ng konti.

Jovee: Aly, gising na, tapos na yong movie ... Oo na cute ka na matulog pero kelangan mo na gumising ... Uy, gising ka na ... Pag ikaw hindi pa gumising, bubuhusan kita ng tubig ... Ly naman eh ... Dun mo na ituloy sa taas yong pagtulog mo, sasakit katawan mo dito ... Alyssa Valdez, isa! Gusto mo ata halikan pa kita eh!

Marge: Anong nangyari kay Ate Aly?

Hindi ko napansin na lumapit si Marge sa min. Narinig kaya niya yong huli kong sinabi?!

Jovee: H-hi! Kanina ka pa ba diyan?

Marge: Hindi naman, lumabas lang ako dito kasi parang may nakita akong nagde-date eh. Wala naman akong narinig na hahalikan mo si Ate Aly.

Jovee: Narinig mo yon?! Joke lang yon ha. Tina-try ko lang naman siya takutin, baka sakaling magising.

Marge: Kahit totohanin mo, ayos lang. Cute niyo nga eh. Para kayong si Sleeping Beauty at si Prince Phillip!

Jovee: Marge, paano ba to gigisingin? Sasakit ang katawan nito pag dito to natulog.

Marge: Naku, wag mo na pangarapin gisingin si Ate Aly. Mantika daw yan matulog sabi nila Ate Denden.

Jovee: Eh, anong gagawin ko dito kay Aly? Baka mamaya pa to magising.

Marge: Panoorin mo na lang. Mukhang nage-enjoy ka naman titigan siya matulog eh.

Jovee: Seryoso nga. Kelangan na nito lumipat sa kwarto niya para makatulog ng maayos.

Marge: Kargahin mo na lang paakyat sa kwarto niya.

Jovee: Hindi ba bawal umakyat ang lalaki sa mga kwarto niyo?

Marge: Bawal nga. Pero dadalhin mo lang naman siya kwarto niya eh. Hindi ka naman magse-stay dun. Tsaka, andun si Ate Ella.

Jovee: Sige, kung sure kang okay lang talaga.

Marge: Samahan nalang kita tapos ako na makikipag-usap kay Ate Elma para makaakyat ka.

Niligpit namin ni Marge yong laptop ni Aly tsaka yong mga chips na nakakalat. Kinarga ko na si Aly tapos sinundan ko si Marge papunta sa lobby ng Eliazo.

Marge: Ate Elma, nakatulog si Ate Aly sa Cervini Caf. Iaakyat lang po siya ni Jovee sa taas ha.

Ate Elma: May tao ba sa kwarto nina Alyssa?

Marge: Si Ate Ella po.

Ate Elma: Bilisan niyo lang ha. Bawal tumambay ang lalaki sa taas. Marge, ikaw na sumama paakyat. Hindi ako pwedeng umalis dito.

Marge: Sige po. Thank you Ate Elma!

Jovee: Salamat po!

Umakyat na kami ni Marge sa taas.

*knock knock*

Ella: O Marge, bakit? Jovee?! Anong ginagawa mo dito?! (nakita si Alyssa) Anong nangyari kay Aly? Pasok kayo.

Marge: Nakatulog habang nagmu-movie marathon sila sa Cervini Caf.

Jovee: Kanina ko pa nga to ginigising. Buti nalang nakita kami ni Marge.

Ella: Dun mo na lang siya ihiga Jovee. (turo sa kama ni Alyssa) Naku, asa ka naman na magigising mo yan. Parang mantika kaya yan matulog.

Marge: Ate Ella, saan ko ilalagay tong laptop ni Ate Aly?

Nilapag ko si Aly sa kama niya. Inayos ko yong unan niya tapos kinumutan ko siya. I kissed her on the forehead. Hindi ko napigilan yong sarili ko. Ang ganda niya pala pagtulog, parang ang inosente niya tignan. Hindi mo aakalaing napabrusko niya sa volleyball court.

Ella: Pakilagay na lang diyan sa study table niya.

Marge: (nilapag yong laptop sa table) Ate, mauna na ko. Ikaw na bahala mag-escort kay Jovee pababa.

Ella: Sige. Salamat Marge!

Marge: Bye Ate Ella! Bye Jovee!

Jovee: Bye Marge! Thank you ha!

Ella: (umupo sa kama niya) Wag mo naman masyadong titigan yang kaibigan ko. Baka matunaw.

Jovee: Sira! Mukha pala tong mabait pag tulog noh.

Ella: Mabait naman talaga yan eh. Kaya nga minsan nate-take siya for granted.

Jovee: Take for granted? Nino?

Ella: Naku, mahirap na magsalita. Kay Aly ka na lang magpakwento. Nga pala, buti pinayagan ka umakyat dito.

Jovee: Nakiusap si Marge. Tsaka kita namang hindi kaya umakyat ni Aly dito mag-isa.

Ella: Tara na, samahan na kita sa lobby. I’m sure inoorasan ka ni Ate Elma sa baba.

Jovee: Okay lang ba maiwan si Aly dito mag-isa?

Ella: Oo. Okay na yan diyan! Hahatid lang naman kita sa baba eh.

Lumabas na kami ni Ella sa kwarto nila at naglakad pababa sa lobby.

Jovee: Ella, pwede ko bang hingin yong number mo? Kanina kasi hindi ko alam kung sino ko-contact-in ko nung nakatulog si Aly.

Ella: Oo naman. 0916-1234567. Text mo ko para ma-save ko din yong number mo.

Ate Elma: Ella, okay na ba si Alyssa? Ano bang nangyari dun?

Ella: Pagod lang po siguro yon sa training kaya nakatulog. Salamat po pumayag kayong iakyat ni Jovee si Aly sa kwarto.

Ate Elma: Okay lang yon. Hindi naman kaya kargahin ni Marge si Alyssa eh.

Ella: Ate Elma, si Jovee po pala, kaibigan ni Aly nung high school. Jovee, si Ate Elma, ang mabait na mabait naming security guard dito sa dorm.

Jovee: Good afternoon po Ma’am.

Ate Elma: Good afternoon din. Ate Elma na lang. Yon naman ang tawag ng lahat ng dormers sa kin.

Jovee: Sige po. Ate Elma, thank you po sa pagpapaakyat sa kin kanina.

Ate Elma: Walang anuman!

Jovee: Ella, una na ko. Para makabalik ka na rin sa taas. Walang kasama si Aly sa kwarto niyo.

Ella: Okay. Salamat ulit ha.

Jovee: Pakisabi na lang kay Aly umuwi na ko. Bye Ella! Bye po Ate Elma!


Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 8pm Saturday

Yaaawwwnnn…

Ella: O Besh, buti naman gising ka na. Gusto mo na ba mag-dinner? May dinaang food si Jovee dito kanina.

Alyssa: Si Jovee? (napaupo sa kama) Asan si Jovee?! Kasama ko siya kanina sa Cervini Caf.

Ella: Oo nga. At tinulugan mo siya sa kalagitnaan ng One More Chance.

Alyssa: Kung nakatulog ako sa Cervini Caf, paano ako nakarating dito?

Ella: Kinarga ka ni Jovee paakyat dito. Nakakatuwa nga kayo eh, para kayong bagong kasal!

Alyssa: Paano siya nakaakyat dito?

Ella: Pinagpaalam siya ni Marge kay Ate Elma.

Alyssa: Huh? Teka, naguguluhan ako, bakit si Marge? Ano ba talagang nangyari?

Ella: Habang nanonood kayo ng movie ni Jovee sa Cervini Caf, nakatulog ka. He was trying to wake you up, pero siyempre dahil mantika ka matulog, hindi siya successful. Yon na yong nadatnan ni Marge sa Cervini Caf. Sinuggest ni Marge na buhatin ka na lang ni Jovee papunta dito sa kwarto. Sinamahan ni Marge si Jovee kay Ate Elma tapos pinakiusap niya na payagan nga si Jovee na iakyat ka dito. Ayun, umakyat silang dalawa dito and inihiga ka ni Jovee diyan sa kama mo. Ang sweet nga kasi inayos na niya yong unan mo tapos kinumutan ka pa niya. At may nakita pa kong ginawa niya...

Alyssa: Ano?

Ella: Kiniss ka niya sa forehead mo habang natutulog ka. Yiheee...

Alyssa: Ay naku. Wag mo nga akong niloloko!

Ella: Totoo yon! Nakita namin ni Marge. Pero hindi ata alam ni Jovee na nakita namin.

Alyssa: Tss...wala lang yon. Saan galing yang Teriyaki Boy?

Ella: Bumalik si Jovee dito kanina, dinala yan. Para daw pagkagising mo, kakain ka na lang.

Alyssa: Ahhh...

Nagugutom na nga ako. McDo pa yong last meal ko for the day. Umupo ako sa study table ko para kumain habang si Ella, nakaupo pa rin sa kama niya, pinapanood ako.

Ella: Besh, bakit ang alam ni Jovee may magagalit kung manliligaw siya sa yo?

Alyssa: Ewan ko dun. Unless ang tinutukoy niyang magagalit either mga kapatid ko or ako.

Ella: Magagalit ka ba sa kanya kung manliligaw siya sa yo?

Alyssa: Hindi naman. But that would be so weird.

Ella: Bakit naman weird? Single ka naman, and siya apparently single din.

Alyssa: Kasi friends kami, parang Kuya ko na lang siya eh.

Ella: Wag mo kasi siya i-friendzone! Ikaw naman, lahat na lang ng lalaki naka-friendzone. Si Kiefer lang ata ang hindi. (hindi kumibo si Alyssa) Bakit di ka nakasagot diyan?

Alyssa: Napaisip lang ako, ang tagal na pala nung kay Kiefer noh?

Ella: Oo matagal ka ng naghihintay sa kanya.

Alyssa: Hindi naman ako naghihintay. Kaya nga kahit anong kulit niyo hindi ako umaamin kay Kiefer kasi ayokong magkaroon ng kahit anong expectations on my part.

Ella: Yon naman pala eh. Bakit hindi mo bigyan ng chance si Jovee?

Alyssa: Hindi naman siya humihingi ng chance.

Ella: What if humingi? What if mahal ka pala niya at gusto ka niya ligawan? Papayag ka ba?

Alyssa: Ang dami mong tanong! Wag nga natin pag-usapan yang mga bagay na hindi naman mangyayari.

Ella: Ang tawag diyan, in denial! Hahaha…Hoy Baldo! Lamon ka ng lamon diyan. Nag-thank you ka na ba sa nagdala niyan?

Alyssa: Eto na nga, magtetext na. Ang daldal mo kasi eh!

To Jovee:
Good evening Mr Jovee Avila! Thank you sa Teriyaki Boy. Ang sarap tuloy ng dinner ko. :-) Ikaw ba, nagdinner ka na? Wag mo kalimutan kumain ha. Thank you din sa pagdala mo sa kin kanina dito sa kwarto. Sana hindi ka masyadong nabigatan sa kin. Pasensya na tinulugan kita, I guess I was more tired than I wanted to admit. Bawi ako next time!

*toot toot*

From Jovee:
You’re welcome! Yup, nagdinner na po, kakatapos lang. Buti nga pumayag si Ate Elma na ako mag-akyat sa yo diyan sa kwarto niyo. Kung nagkataon, paghihirapan ka ni Marge at Ella iakyat diyan. Ang hirap mo palang gisingin. Hindi ka ba nale-late sa training niyo pag-umaga? Di mo naman kelangan bumawi, ayos lang yon. First week ng training niyo eh, siyempre naga-adjust pa yong katawan mo sa bagong routine. Pahinga ka lang ng maigi this weekend para pagdating ng Monday, ready ka na ulit for training.

To Jovee:
Hindi naman ako nale-late sa morning training. Pag-alam kong kelangan ko gumising ng maaga, nagagawa ko gumising. Madalas nga nauuna pa ko kina Ella. Pero pag walang reason, pahirapan talaga. Lagi nga akong inaasar nila Denden, para daw akong mantika matulog.

*toot toot*

From Jovee:
I think agree ako dun. Ang tagal-tagal kaya kita ginigising kanina. Akala ko nga masta-stuck na tayo sa Cervini Caf eh. Wala pa naman akong number ng kahit sino sa mga teammates mo. Buti na lang nakita tayo ni Marge. At least nagka-game plan kung paano ka ililipat diyan sa kwarto niyo. Uy late na, hindi ka pa ba magpapahinga? Matulog ka na.

To Jovee:
Medyo inaantok na naman nga ako eh. Hehe...sige magpapahinga na ko. Thank you ulit sa dinner tsaka sa pagbuhat sa kin kanina. Good night Mr Jovee Avila!

*toot toot*

From Jovee:
Wala yon. Anytime! Good night Sleeping Beauty – este Miss Alyssa Valdez! d=)

To Jovee:
Kung ako si Sleeping Beauty, does that mean ikaw si Prince Phillip? Hehe…good night ulit! Sweet dreams!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now