Chapter 29

7.8K 150 14
                                    

Denden's POV
Blue Eagle Gym, 8:30am Saturday

Katatapos lang ng Saturday training namin ng nakita kong pumasok si Kiefer at si Von ng Blue Eagle Gym.

Denden: Uy Besh, andiyan na naman yong masugid mong bisita.

Ella: Bakit bisita ko lang? Lahat naman tayo binibisita ni Von pagtuma-tag along siya kay Kiefer.

Denden: Yan tayo eh, aga-aga in denial.

Ella: Tsss...

Kiefer and Von: Good morning!

Ella and Denden: Good morning!

Von: Hi Ella!

Ella: Hi Von.

Denden: Ako walang Hi?

Von: Hi Denden!

Umupo si Von sa tabi ni Ella at nagkwentuhan sila. Grabe tong dalawang to, parang walang ibang tao sa gym. Feeling pa ata nila asa park sila. Si Kiefer nakatayo pa rin, pasimpleng pinapasadahan ng tingin yong buong gym. Kunwari pa walang hinahanap pero obvious naman kung sinong ipinunta niya rito.

Denden: Lumabas lang si Aly sandali para bumili ng breakfast. Pabalik na siguro yon. Steady ka lang diyan, wag mo masyadong ma-miss.

Kiefer: Hindi ko naman tinatanong ah.

Denden: Pero hinahanap mo.

Kiefer: Sige na nga lang. Sabi mo eh.

Denden: Hahaha...

Kiefer: Sinong kasama ni Aly bum –

Hindi natapos ni Kiefer yong sinasabi niya, nagulat na lang kami kasi biglang tumayo si Von at si Ella. Nagpunta sila sa court at kumuha ng bola ng volleyball. Aba, mukhang may volleyball lessons pang magaganap ah.

Denden: Kief, matanong nga kita, ano bang balak niyang kaibigan mo sa kaibigan ko?

Kiefer: Ewan ko diyan. Hindi pa nga yan mapaamin nina Nico na gusto niya si Ella.

Denden: Magkaibigan nga kayong dalawa noh? Hirap paaminin.

Kiefer: Huh?

Denden: Sige lang, patay malisya tayo. Just remember, laging asa huli ang pagsisisi.

Hindi na sumagot si Kiefer. Pinanood na lang niya si Ella na tinuturuan si Von mag-spike. Maya-maya pa dumating na din sina Aly at Jovee galing McDo. Nung pumasok si Jovee sa Blue Eagle Gym, narinig kong napamura si Kiefer sa tabi ko.

Alyssa: LADY EAGLES! Breakfast is here!

Lady Eagles: YEHEY!!!

Dinumog ng mga teammates namin sina Aly at Jovee para kunin yong pagkaing dala nila.

Alyssa: Grabe kayo, PG lang peg niyo?! Mag-thank you naman muna kayo sa nanlibre.

Lady Eagles: Thank you Jovee!

Jovee: Hahaha...you're welcome Girls!

Alyssa: Pagpasensyahan mo na yong mga teammates ko. Parang ngayon lang nakakita ng pagkain.

Jovee: Okay lang. Cute nga nila eh.

Alyssa: Hi Best! (tumayo si Kiefer para bumeso kay Alyssa) Waaag...amoy pawis ako. Hindi pa ko nagsa-shower.

Kiefer: Kelan ka pa nagkaroon ng hiya?

Alyssa: Ngayon lang. Nakabili ako sa McDo eh.

Jovee: Musta Kiefer?

Kiefer: Okay lang, (bumulong) lalo na nung wala ka pa.

Alyssa: Ano yon?

Kiefer: Sabi ko, okay lang ako.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon