Chapter 26

8.3K 133 9
                                    

Ella’s POV
Mall, 11am Tuesday

Denden: Anong klaseng dress ba ang kelangan mong bilhin?

Alyssa: Cocktail dress.

Andito kami nina Aly at Denden sa mall having an early lunch. After lunch, magsa-shop kami ng dress for Aly. In-invite kasi siya ni Jovee na maging date niya sa company event nila sa Saturday.

Ella: In fairness kay Jovee, iniisa-isa ka niyang ipakilala sa mga tao sa buhay niya. Pinakilala ka na niya sa barkada niya, sa family niya, tapos ngayon naman sa mga katrabaho niya.

Denden: Ikaw ba Besh, kanino mo na napakilala si Jovee?

Alyssa: Sa inyo palang. Hindi ko naman siya kelangan ipakilala sa high school friends ko kasi magkakakilala na sila.

Denden: Alam na ba nila na nanliligaw na si Jovee sa yo? Baka naman ang alam pa rin nilang lahat estranged friends lang kayo.

Alyssa: Si Kim tsaka si Mia alam na.

Ella: Eh family mo na-meet na ba niya?

Alyssa: Technically nagkakilala na sila nung high school. Pero kung as manliligaw, hindi pa.

Denden: Bakit hindi mo pa pinapakilala si Jovee sa family mo? Ayaw ba niya?

Alyssa: Actually, gusto niyang pumunta sa bahay nung birthday ko para magpakilala sa parents ko as manliligaw. Buti na lang napigilan ko.

Ella: Bakit mo pinigilan? Ayaw mo bang umakyat ng ligaw si Jovee sa inyo?

Alyssa: Ayoko lang naman siyang ma-trauma kay Papa.

Denden: Bakit naman siya mato-trauma? May ginagawa ba si Tito sa mga manliligaw mo?

Alyssa: Kung merong mga tatay na naglalatag ng banig at unan sa harap ng manliligaw ng anak nila, si Papa, hinahasa yong balisong niya sa sala, sa harap ng bisita ko.

Denden: So totoo yong kwento ng mga Kuya mo nung naglunch kami sa inyo last summer?

Ella: Sabi ko na sa yo Den, totoo eh.

Alyssa: Kelan sinabi sa inyo yon nina Kuya?

Ella: Nung nag bio break ka nung basketball game niyo.

Alyssa: Sina Kuya talaga, nilaglag na naman ako. Oo totoo yon. Nakakatawa nga. Kasi dati pag may manliligaw akong hindi ko type, imbis na bastedin ko, sinasabihan kong umakyat ng ligaw sa bahay. Pagkatapos labasan ng tatay ko ng balisong at hasaan, kusa na silang tumitigil manligaw.

Ella: Ang sama mo!

Alyssa: Okay na nga yon. At least feeling nila sila yong tumigil at hindi sila na-basted.

Denden: Basing from that story, parang ayaw mong tumigil si Jovee manligaw sa yo. Does that mean sasagutin mo na siya at some point?

Alyssa: Sa totoo lang hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa panliligaw ni Jovee. I’m just hoping to keep the friendship at the end of everything kaya iniiwasan kong ma-trauma siya kay Papa.

Ella: Besh, hindi ba dapat pag-isipan mo na kung anong estado ng panliligaw niya sa yo? I mean, oo no expectations ang usapan niyo. Pero the longer siyang nanliligaw sa yo, the more invested he becomes.

Alyssa: Sinusubukan ko naman siyang bigyan ng chance. Minsan nga feeling ko kinikilig na ko sa mga ginagawa niya. Pero –

Denden: Pero Kuya pa rin lang ang tingin mo sa kanya?

Alyssa: Oo. I swear, tinry ko siya tanggalin sa friend zone ko. Kaya lang hindi ako maka-imagine ng future kasama siya. Ni hindi ko nga maisip na magho-holding hands kami, parang incest eh.

Ella: Kung ganun pa rin yong tingin mo kay Jovee, bakit hindi mo pa siya bastedin?

Besh, bastedin mo na si Jovee baka sakaling lumakas ng konti yong loob ni Kiefer at magtapat na rin siya yo.

Alyssa: Diba nag-promise ako na bibigyan ko siya ng chance? Tsaka, hindi ko kayang saktan si Jovee. Sobrang bait niya sa kin.

Denden: Binigyan mo naman na siya ng chance. Halos one month mo na kaya siyang pinapabayaang manligaw sa yo.

Ella: Besides, masasaktan mo nga si Jovee pag binasted mo siya, pero in the long run, that’ll be better for him. Kasi habang pinapabayaan mo siyang manligaw sa yo, umaasa at umaasa yon.

Denden: Okay lang sanang pabayaan mo siyang manligaw ng matagal kung sasagutin mo din naman siya, pero kung alam mo ng walang pag-asa, itigil mo na yong paghihirap nung tao. Para maka-move on na siya.

Alyssa: Paano kung bastedin ko siya tapos ma-realize ko na gusto ko pala siya?

Denden: Besh, yon talaga yong risk. Kung saka-sakaling ma-realize mo nga na gusto mo siya after mo siya bastedin, di ikaw naman ang manuyo.

Ella: Pero feeling ko, that’s not going to happen.

Alyssa: Bakit?

Ella: Paano makakapasok si Jovee diyan sa puso mo eh matagal ng teritoryo yan ni Kiefer?

Denden: Oo nga naman. May point ka dun Ella.

Alyssa: Sana kusa na lang siyang tumigil manligaw.

Denden: Gaga ka, wag ka masyadong duwag.

Tumayo sandali si Denden para magpunta sa toilet. Kami naman ni Aly, kumain ng tahimik. Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik si Denden sa mesa namin.

Alyssa: Alam niyo Beshies, naguguluhan ako kay Kiefer lately.

Ella: Paanong naguguluhan?

Alyssa: It’s like he’s blowing hot and cold. Ang hirap timplahin ng mood niya. Minsan sobrang sweet niya to the point na nagiging clingy na siya. Pero minsan naman parang deadma lang siya sa kin.

Nagkatinginan kami ni Denden. Shucks, nakakahalata na ata si Aly.

Denden: Yong sweet, nakikita namin. Nagtatanong na nga sina Bea at Amy kung pinopormahan ka ni Kiefer kasi ibang level na ang sweetness niyo. Pero yong deadma ang hindi ko ma-gets.

Alyssa: May mga consecutive days kasi na hindi siya nagpaparamdam sa kin. Kahit i-text ko siya hindi siya sumasagot.

Denden: Baka naman busy lang yong tao.

Alyssa: Pwede. Pero dati naman kahit anong busy niya, basta nag-text ako, sumasagot siya. Tapos yong birthday salubong ko hindi siya nagpunta.

Ella: Diba nga sumakit yong sprain niya kaya hindi na sila nakapunta ni Von?

Alyssa: Alam ko yon ang sabi ni Von. But I don’t buy that excuse. He’s never missed my birthday salubong before. Kahit nga yong time na out of town yong family niya nag-attend pa rin siya via skype.

Ay naku Aly, kinain lang ng selos si Kiefer kaya hindi ka niya sinipot. Sorry, kasalanan ko, ako ang nag-invite kay Jovee. Malay ko bang hindi pupunta si Kiefer sa salubong mo dahil andun si Jovee.

Denden: Wag ka na magtampo kay Kiefer. Nagpunta naman siya sa birthday mo tapos ang ganda pa ng gift niya sa yo. Imagine, may I effort siya para lang makuha yong jersey ni Dondon Hontiveros.

Alyssa: Hindi naman ako nagtatampo dun sa salubong and super naa-appreciate ko yong jersey na binigay niya. Naguguluhan lang talaga ako sa mga kinikilos niya.

Hay...sana pwede naming sabihin sa yo kung bakit siya nagkakaganyan. Kaya lang we promised Von na hindi namin papangunahan si Kiefer.

Alyssa: He’s going through something, hindi ko lang alam kung ano.

Denden: Have you tried asking him?

Alyssa: Oo naman. Ilang beses na. Pero ang sinasabi niya lang lagi, walang problema.

Denden: Baka naman wala talagang problema and you’re just reading too much into things.

Alyssa: Sana nga wala talaga.

Ella: Ly, what if umamin si Kiefer na mahal ka niya at gusto ka niyang ligawan? Okay lang ba sa yo?

Nakita kong nanlaki yong mata ni Denden.

To Besh Denden:
Steady ka lang diyan. Hindi ko naman ibubuko si Kiefer. Magfi-fish lang ako kay Aly.

Alyssa: Sus, asa naman akong liligawan ako nun.

Ella: Wag kang OA diyan. What if lang naman. So ano nga Besh, papayagan mo ba siya manligaw sa yo if ever?

Alyssa: Ewan ko. Wag na nga nating pag-usapan yong mga hindi naman mangyayari. Nakakalungkot lang yang topic na yan eh.

Denden: Besh, ayaw mo ba talagang magtapat kay Kiefer? Para once and for all, magkaalaman na.

Alyssa: Ano ba, yan na naman ba ang ikukulit niyo sa kin? Napag-usapan na natin yan diba?

Denden: The last time we talked about this, si Kara pa tsaka si Kiefer. Iba na ang sitwasyon ngayon. Pag nagtapat ka, wala ng masasagasaan.

Alyssa: Ganun pa rin ang sagot ko sa inyo. Kung magtatapat ako kay Kiefer, hindi ko maiiwasang mag-expect. At hindi ako handang marinig mismo sa kanya na hanggang friends lang kami. So hanggang kaya ko, quiet lang ako.

Nafu-frustrate na ko sa inyong dalawa ni Kiefer ha. Sino ba talaga ang unang bibigay sa inyo? Ayaw niyang umamin, ayaw mo rin. Ano, ganito na lang kayo forever?!

Ella: Pero Aly, isn’t it about time to find out kung gusto ka talaga niya o hindi? All these years you’ve been assuming na wala, what if meron pala?

Alyssa: Eh what if tama nga yong hinala ko?

Denden: Kung tama ka, at least you can start moving on.


Von’s POV
Starbucks Katipunan, 2:30pm Tuesday

Free cut yong History class namin today, kaya eto kami ni Kiefer, nakatambay sa Starbucks. Si Nico nagpuntang DLSU, isu-surprise daw niya yong girlfriend niya. Si Aly naman kanina pang umaga kasama sina Ella. I think asa mall pa rin sila hanggang ngayon.

Von: Ang sarap talaga ng free cut noh? Sana ganito lagi.

Kiefer: Paps, I need to go out on a date. May kilala ka bang pwedeng i-set-up sa kin?

Von: Date?! Akala ko ba na-realize mo ng mahal mo si Aly? Bakit ka pa makikipag-date sa iba?

Kiefer: Kelangan ko ng distraction para hindi ko sila masyadong maisip ni Jovee.

Sila na ba?! Wala namang nabanggit sa kin si Ella na sinagot na ni Aly si Jovee ah.

Von: Si Aly na ba tsaka si Jovee?

Kiefer: As far as I know hindi pa naman. Nanliligaw pa rin lang si Jovee kay Aly.

Von: Yon naman pala eh. Kief, you don’t need a distraction. You know what you need to do?

Kiefer: Ano?

Von: Aminin mo na kay Aly kung ano yong nararamdaman mo. Tapos ituloy mo na yan sa panliligaw.

Kiefer: Hindi pa ko ready.

Von: Ano ka, nagbibinata na hindi alam ang gagawin sa first love niya?! Kelan mo pa balak manligaw? Pag sinagot na ni Aly si Jovee?

Kiefer: Hindi naman.

Von: Ano pang hinihintay mo?

Kiefer: Nag-iipon pa ko ng lakas ng loob eh. May alam ka bang tindahan na nagbebenta nun?

Von: Sige, mag-joke ka pa diyan. Tignan natin kung matatawa ka pa rin pag sila na.

Kiefer: Bakit ba parang gustong-gusto mo maging sila? Diba dapat kakampi kita?

Von: Oo, kakampi mo ko. Pero I swear, konti na lang tutulungan ko na yang Jovee na yan sa panliligaw niya. Baka sakaling makaramdam ka ng urgency pag nalaman mong nahuhulog na si Aly sa kanya.

Kiefer: Alam mo, a part of me is starting to think na dead end yang panliligaw ni Jovee.

Von: Bakit naman?

Kiefer: Nung dinalaw kasi ako ni Aly sa bahay last week, sabi niya kay Thirdy she’s already in love with someone.

May mahal na si Aly?! Sino? Alam kaya to nina Ella?

Von: Kanino daw? Kay Jovee?

Kiefer: Wala siyang sinabing pangalan. Pero feeling ko hindi si Jovee.

Von: What makes you think na hindi si Jovee yong tinutukoy niya?

Kiefer: Kasi kung mahal na niya si Jovee eh di sana sinagot na niya, diba?

Von: Naalala mo yong truth or dare question kay Marge nung asa Batangas tayo?

Kiefer: Alin, yong bakit hindi pa niya sinasagot si Anjo?

Von: Oo. Baka parehas sila ni Marge ng take sa panliligaw. Kung walang tanong, walang sagot. Hindi ba tinanong ni Thirdy kung sino yong mahal niya?

Kiefer: Medyo engot din yong kapatid ko, hindi naisip itanong kung sino.

Von: Hindi naman kasi kelangan malaman ni Thirdy kung sino. Ikaw ang may kelangan makaalam. Bakit hindi mo tinanong si Aly kung sino yong mahal niya?

Kiefer: Hindi naman alam ni Aly na narinig ko yong usap nila na yon ni Thirdy.

Ayun naman, nag-eavesdrop lang pala.

Von: Paps, kelan ka pa natutong makinig sa usapan ng may usapan?

Kiefer: Hindi ko sinasadya makinig, ni hindi ko nga alam na asa bahay si Aly nun. Kukuha lang ako dapat ng merienda tapos narinig ko silang nag-uusap ni Thirdy, so hindi muna ako pumasok ng kusina.

Von: Enlighten me nga. Kung feeling mo hindi mahal ni Aly si Jovee, bakit makita mo lang si Jovee sobrang affected ka na?

Kiefer: Feeling ko lang naman hindi, pero pwede pa ring si Jovee nga yong mahal ni Aly. (after a few seconds) Alam mo, sa totoo lang, di ko rin maintindihan yong sarili ko. Basta umiinit ang ulo ko pag nakikita ko silang magkasama, lalo na pag sweet sila sa isa’t-isa.

Von: Ay, tanga ko nga naman. Tinanong ko pa. Wala nga palang logic ang selos. Hahaha...

Kiefer: Sige, pagtawanan mo pa ko.

Hay Kiefer. Kelan ka pa naging torpe?!

Von: Nakakatawa ka naman kasi talaga. Alam mo, sa tinagal-tagal kitang kilala, hindi ko naisip na makikita kitang ganyan.

Kiefer: Anong ganyan?

Von: Yong natotorpe. I mean, you take your time thinking kung gusto mo ang isang babae pero once sure ka na sa feelings mo, mabilis ka pa sa alas-kwatro gumawa ng move. Samantalang ngayon, more than one week na nganga ka pa rin diyan. Ano ng nangyari sa Ravena moves mo?!

Kiefer: Ngayon palang naman kasi ako nagkagusto sa kaibigan eh. Hindi pa basta-basta kaibigan, bestfriend ko pa. There’s so much to lose if ligawan ko siya tapos hindi pala niya ko gusto.

Von: Yeah there’s so much to lose. But that also means there’s so much more to gain diba? Wala ka man lang bang balak alamin kung mutual yong feelings niyo?

Kiefer: What if hindi mutual? Saan naman ako pupulutin nun?

Von: Paps, hindi ka dapat dun naka-focus. Isipin mo, what if mutual?

Kiefer: Paano nga kung hindi?

Von: Kung hindi mutual, eh di ligawan mo. Ano bang gusto mo, ibibigay na lang sa yo on a silver platter? Kung mahal mo talaga si Aly, paghihirapan mo yong oo niya.

Kiefer: Wala namang problema kung kelangan ko manligaw. Ang kinakatakot ko yong pilitin kong manligaw tapos at the end of everything, mababasted na nga ako, masisira pa yong friendship namin.

Von: Kung bastedin ka man niya at maging awkward kayo as friends, just give it some time tapos rekindle the friendship. I’m sure makakabalik kayo sa dati.

Hindi sumagot si Kiefer, napahilamos lang siya sa mukha niya.

Von: Kung ako sa yo, pag-isipan mo kung paano ka aamin at manliligaw kay Aly. Hindi yong naghahanap ka ng ide-date. Sakit mo sa ulo!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now