Chapter 5

9.9K 129 5
                                    

Kiefer’s POV
Blue Eagle Gym, 7:45pm Thursday

Synjin: Bro, wag masyado titig. Baka matunaw si Alyssa. Magcha-champion pa kami!

Kiefer: Loko ka talaga Synjin!

Umupo si Synjin at nilapag yong bag niya sa sahig.

Synjin: Kanina ka pa dito?

Kiefer: Mga one hour siguro. Grabe naman tong training regimen niyo. Twice a day training na nga tapos tig-three hours pa. Akong napapagod manood sa kanila eh.

Synjin: Alam mo naman, bago ang coach. Taga-Thailand pa. Sabi ni Coach Tai normal lang daw yong ganitong training sa kanila. (nakita sina Alyssa na papalakad papunta sa kanila) O ayan, dismissed na sila.

Alyssa: Hi Synjin! Hi Best! (umupo sa tabi ni Kiefer)

Inabutan ko si Aly ng bottled water tsaka fresh towel.

Alyssa: Salamat!

Mich: Gwapo naman ng waterboy mo Ate Aly!

Marge: Oo nga. Ikaw na ang may free breakfast delivery pag morning, tapos ikaw pa rin ang pinagsisilbihan ni Kiefer Ravena pag hapon. Haba ng hair ha!

Kiefer: Anong free breakfast delivery?

Synjin: Narinig ko nga yang tungkol sa breakfast na yan. Manliligaw mo ba yon Ly?

Alyssa: Si Jovee? Hindi noh.

Bea: Kung hindi mo siya manliligaw, bakit siya nagdadala ng breakfast sa yo before siya pumasok sa work niya?

Alyssa: Kayo naman, ilang beses lang nagdala ng breakfast yong tao, manliligaw na agad. Mabait lang talaga yong si Jovee.

Aerieal: Three days na kaya siyang sumusulpot dito ng 6am para lang dalhan ka ng breakfast. Sobrang effort naman nun for a friend.

Mae: Oo nga Ate Aly. Hindi biro gumising ng ganun kaaga ha.

Alyssa: Alam niyo girls, wag niyo masyadong ini-issue yong pagdadala ni Jovee ng breakfast. Wala lang yon. Ginagawa din naman niya yon dati nung asa UST pa ko.

Ella: Besh, team manager niyo siya nun. Si Synjin nga na team manager natin hindi tayo dinadalhan ng breakfast eh.

Mich: Kuya Synjin, bakit nga hindi mo kami dinadalhan ng breakfast sa training?!

Synjin: Pahamak ka talaga Ella! Naku ha, wala akong balak gumising ng maaga para lang dalhan kayo ng breakfast. Pwede naman kayo kumain after ng training niyo!

Jia: Kuya Kiefer, kanina ka pa walang kibo diyan. Boto ka ba dun sa nagdadala ng food kay Ate Aly?

Kiefer: Hindi ko pa nga nakikilala yong Jovee na yon eh. Paano masyado siyang sini-sikreto ni Aly.

Ella: Luh...ang lalim ng hugot nun ah. Kief, hindi naman date yong nakita mo nung Sunday. Dinner lang yon among friends!

Marge: Date?! Nagdate kayo ni Jovee? Bakit hindi namin alam yan Ate Aly?!

Denden: Wag OA kung maka-react Marge. Kakasabi nga lang ni Ella na hindi date diba?

Ate Charo: Girls! Hindi pa ba kayo maliligo? Akala ko gusto niyo pa magdinner sa labas?

Aerieal: Sige po Ate Cha, maliligo na kami.

Ate Charo: Una na ko! Wag masyadong magpagabi ha. Maaga pa tayo bukas.

Lady Eagles: Yes po. Bye Ate Charo!

Synjin: Girls, una na rin ako. Sinilip ko lang talaga yong training niyo. May tatapusin pa ko sa bahay.

Gizelle: Hindi ka na sasama sa min magdinner? Mami-miss ka ni Ate Bei!

Bea: Gizelle!

Synjin: Ikaw talaga Gizelle, lagi mo niloloko Ate mo. Bawi na lang ako next time. Sige Girls, bye!

Lady Eagles: Bye Kuya Synjin!

Pagkaalis ni Synjin, pumasok na ang ibang Lady Eagles sa shower room. Si Aly at Denden na lang ang naiwan kasama ko.

Alyssa: Kumain ka na ba?

Kiefer: Hindi pa.

Alyssa: Sumabay ka na sa min magdinner. Bonchon daw.

Kiefer: Sige. Hintayin ko kayo dito.

Alyssa: Okay. Pasok na kong shower room ha. (tingin kay Denden) Ikaw Den? Di ka pa ba maliligo?

Denden: In a few minutes. Hinihintay ko lang yong reply ni Myco. Alam mo naman tong boyfriend ko, masyadong matampuhin pag di ako agad nakakareply.

Sinundan ko ng tingin si Aly hanggang makapasok siya sa shower room. Naisip ko yong sinabi ni Ella kanina.

Kiefer: Den…

Denden: Bakit?

Kiefer: Yong sinabi ni Ella kanina, totoo ba yon? Yong tungkol dun sa last Sunday? Yong dinner among friends?

Denden: Oo, totoo yon. It wasn’t a date. Kasama kami ni Ella sa Texas Roadhouse nun.

Kiefer: Eh dalawa lang silang nakita namin.

Denden: Nag-bathroom kami ni Ella ng matagal before kami nag bill out. Baka yon yong nakita niyo.

Kiefer: Bakit naman nagsama pa ng chaperone si Aly sa date niya?

Denden: Kief, hindi kami ni Ella ang sabit sa lakad na yon, si Jovee. Nagpunta kaming tatlo ng High Street, tapos nagkabanggan si Aly at si Jovee sa Fully Booked. We invited him to join us for dinner and then he brought us back to the dorm afterwards. Yon lang yon. Aly wasn’t out on a date. (hinawakan ni Denden sa shoulder si Kiefer) O, magmuni-muni ka muna diyan. Punta na kong shower room.


Alyssa’s POV
Ateneo Campus, 9:30pm Thursday

After dinner at Bonchon, pabalik na kami ng Eliazo. Naglalakad sina Ella at Denden sa likod namin kasama yong ibang Lady Eagles. Yong ingay nila habang nagkukulitan is in such stark contrast sa min ni Kiefer. He hasn’t said a word since we entered Ateneo. Ano na naman kayang iniisip nito?

Kiefer: Ly, hindi pa ko nakakapag apologize sa yo.

Alyssa: Apologize for what?

Kiefer: Kasi diba nung Monday, kulang na lang sabihin kong sinungaling ka? Nung ini-insist kong tinatago mo sa kin na nakipagdate ka kay Jovee last Sunday?

Alyssa: Naniniwala ka na na hindi date yon?

Kiefer: Oo. Sorry hindi ako naniwala agad sa yo. Promise, maniniwala na ko next time.

Alyssa: Pwede ko bang malaman what made you finally believe that I wasn’t hiding anything?

Kiefer: Nagkausap kami ni Denden kanina.

Alyssa: So…kung hindi pa kayo nagkausap ni Denden, hindi mo talaga ako papaniwalaan? Ganda yan. Roommate of bestfriend trumps bestfriend noh?

Kiefer: Hindi naman sa ganun, Best. Ang hirap lang kasi paniwalaan. (hindi kumibo si Alyssa) Try looking at it from my point of view. Nagtext ako sa yo, hindi ka naman agad nagreply. Tapos makikita ka na lang namin ni Dani sa isang restaurant may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Kayong dalawa lang andun. Yong ngiti mo abot tenga. What was I supposed to think?

Alyssa: Kasi naman, kung nag-hi na lang ba kayo ni Dani nun, eh di sana, nun palang alam mo ng kasama namin si Ella at si Denden.

Kiefer: Oo nga. Mali na nga ako dun. Kaya nga nagso-sorry diba? Aly, pwede bang wag na natin to pag-awayan? Lalo lang akong nagi-guilty eh.

I tried looking mad. Pero natawa ako nung nakita ko yong expression sa face ni Kiefer. In fairness, he looks sorry.

Kiefer: Bakit mo ko pinagtatawanan?

Alyssa: Hahaha…nakakatawa kasi yong face mo eh. Okay na yon, wag mo na masyadong isipin. Pero kung gusto mo ko bilhan ulit ng peace offering…hindi ko tatanggihan.

Kiefer: Dried mangoes? Yon lang pala, eh. Sige, bibilhan kita this weekend. Ilan ang gusto mo?

Alyssa: Joke lang yon. Di naman kelangan ng peace offering. Pero kung mapilit ka…hahaha…

Kiefer: A cute mo talaga, (kinurot yong cheeks ni Alyssa) para kang bata!

Alyssa: Aray naman! Masakit ha. But seriously Kief, if makikipag-date man ako, you’ll be one of the first to know. So kung wala kang marinig sa kin, ibig sabihin, wala. (pinky promise) Deal?

Kiefer: (pinky promise) Deal!

Buti naman naniniwala na si Kiefer na hindi ako nakipag-date kay Jovee. Kung alam lang niya kung sino talaga ang gusto kong maka-date, baka tumambling siya ng wala sa oras. Kaya lang hindi pwede eh...may Kara pa kasi siya.

Alyssa: Kief, kamusta pala kayo ni Kara? Sabi mo nag-away kayo nung isang araw. Bati na ba kayo?

Kiefer: Parang. Sinasagot na niya yong mga phone calls ko tsaka yong mga text ko. Pero medyo cold pa rin siya.

Alyssa: Ano ba kasing pinag-awayan niyong dalawa? Yon bang nakita mo sa mall last Saturday?

Kiefer: Di pa niya alam na nakita ko siya nun. Wag mo ng alamin kung anong pinag-awayan namin. Sobrang babaw, nakakahiya.

Pagdating namin sa Eliazo driveway, nakita ko si Yvette, yong isang blockmate namin ni Ella na parang natatarantang di mo maintindihan.

Yvette: ALYYYYYY!!!

Alyssa: YVETTE!!! Bakit ka sumisigaw?

Yvette: You have flowers!!!

Alyssa: Huh?

Hinila ako ni Yvette papasok sa dorm at pinakita niya yong bouquet ng white roses na dineliver daw for me kanina. Kanino naman kaya to galing? I opened the card.

Miss Alyssa Valdez,

Beautiful flowers for my favorite spiker…hope you had a nice day today…smile ka lagi...

Your number one fan,
Mr Jovee Avila

Galing kay Jovee. Wala namang okasyon ah, bakit kaya niya ko pinadalhan ng flowers. I smelled the roses and then smiled. Sweet talaga ni Jovee. Makapag-thank you nga.

To Jovee:
Thank you for the flowers Mr Jovee Avila! Naks naman, alam mo pa rin kung ano yong favorite ko.

Kiefer: Kanino galing yan?

*toot toot*

From Jovee:
You’re welcome Miss Alyssa Valdez! d=) Nagustuhan mo ba?

To Jovee:
Oo naman. Pero, para saan yong flowers? Wala namang okasyon ah.


Denden’s POV
Eliazo dorm, 9:45pm Thursday

Kakadating lang namin ng mga Lady Eagles sa lobby ng dorm. Wow! May hawak si Besh na bouquet of white roses. Saan kaya galing yon.

Lady Eagles: Uy...may flowers…

Ella: Ang ganda naman ng white roses…

Mich: Ate Aly, kanino galing yan?!

Mae: Tignan niyo o, nagbu-blush si Ate Aly!

Bea: Naks Baldo! Dalaga ka na!

Jia: Sino nagbigay? Si Mr Free Breakfast Delivery ba?

Alyssa: Dami niyong tanong! O siya, akyat na ko sa kwarto. Matulog na kayo, maaga pa training natin bukas.

Marge: I bet kay Jovee yan galing!

Aerieal: Hindi mo sasabihin sa min kung kanino galing yan?! Ang daya mo talaga!

Alyssa: Hindi! Mamatay kayo kakaisip! Hahaha... (beso kay Kiefer) Kief, thanks for walking us home. Ingat pauwi! Text ka pagdating mo sa bahay.

Kiefer: I will. Sige, bye Aly! Bye Lady Eagles!

Lady Eagles: Bye Kief!

Umalis na si Kiefer para umuwi. Maybe it’s just me, pero parang something’s wrong, parang malungkot siya?

Sumunod na din kami ni Ella kay Besh. Habang paakyat kami ng stairs, kinukulit pa rin siya ni Ella kung kanino galing yong flowers. Tindi ni Aly! Di talaga niya sinasabi.

Habang nagre-ready na kami matulog, nag-ring yong phone ni Aly.

*phone ringing*

Kinuha ni Aly yong phone niya para sagutin.

Alyssa: Hi! ... Eto, asa kwarto na ... Oo nga, nagustuhan ko, di ka naman masyadong makulit niyan noh ... Hahaha ... Bakit ka nga ba kasi nagpadala ng flowers? Next month pa naman ang birthday ko ah ... Uy kapal mo, hindi ako nagpaparinig ... Loko-loko ka talaga ... Ay teka lang ha ... (tinakpan yong mouthpiece ng phone niya) Matutulog na ba kayo? Sige, bababa na lang ako sa Rec Room para di ko kayo maistorbo.

The moment the door closed, tumayo si Ella at pumunta sa study table ni Aly.

Denden: Hoy, anong ginagawa mo diyan sa flowers ni Aly!

Ella: Wag ka maingay. Titignan ko lang yong card. Mamamatay na ko sa kakaisip kung sino nagbigay nito.

Denden: Chismosa ka talaga!

Ella: (pagkabasa ng card) OMG!!!

Denden: Kanino galing?!

Ella: Kay Jovee!!!

Binalik ni Ella yong card and yong flowers kung paano iniwan ni Aly.

Denden: Tama yong hula ni Jia at ni Marge kanina!

Ella: Oo nga, galing talaga ng pakiramdam nung dalawang yon. Pero alam mo Besh, nagdududa na talaga ako kay Jovee. Feeling ko pinopormahan niya si Aly.

Denden: Ako man, yan din ang tingin ko. Hindi kaya biro yong dalhan niya ng breakfast si Aly at 6 in the morning, three days in a row. Tapos may flowers pa ngayon!

Ella: Kung ako siguro si Aly, namamatay na ko sa kilig by now. Sana lang naiisip ni Aly na dumada-moves tong si Jovee. Otherwise, useless ang effort!

Denden: Knowing Aly…hindi niya naiisip yon. Tignan mo nga kanina, dina-downplay niya yong significance nung breakfast. And I’m sure, pag nalaman ng team kung kanino talaga galing yong flowers, ida-downplay niya rin yon.

Ella: Gusto ko si Jovee for Aly. I think he’d be good for her.

Denden: Kung magkaka Jovee and Aly, paano na si Kiefer?

Ella: May Kara naman si Kiefer noh! Tsaka tama lang na magka love life na tong Aly, para di na kay Kiefer umiikot ang mundo niya. Mahirap naman na lagi na lang siyang taken for granted.

Denden: Wala ka bang napapansin kay Kiefer?

Ella: Napapansing ano?

Denden: Para kasing nagseselos si Kiefer kay Jovee eh. Or kung hindi man nagseselos, nathe-threaten.

Ella: Nabanggit ko din kay Aly yan nung kinwento niya sa kin na nag-away sila ni Kiefer over the Texas Roadhouse dinner. Sabi ko pa nga kay Aly, baka in love na si Kiefer sa kanya.

Denden: Anong sabi ni Aly?

Ella: Ano pa, eh di dinownplay niya yong possibility. Kapatid lang daw yong turing sa kanya ni Kiefer.

Denden: Para namang refrain sa kanta yang linya ni Aly.

Ella: Nasanay na kasi siya na yon ang sinasagot pag may nagtatanong kung may something sila. Tapos deadma din siya sa possibility na ma-in love sa kanya si Kiefer.

Denden: Besh, tama naman yong basa ko sa mga reaction ni Kiefer diba? Parang di lang pang friends yong kinikilos niya?

Ella: May halong selos talaga. Although ang feeling ko, parang hindi siya aware na nagseselos siya. Kaya nga iniisip ko, baka in love na siya kay Aly hindi niya palang alam.

Denden: Ay naku, sana talaga mag-break na sila ni Kara at ma-realize na niyang si Besh talaga ang babae para sa kanya.

Ella: Team Kiefer ka talaga!

Denden: Hindi naman sa ganun. Kaya lang siya yong mahal ni Aly eh. Kung saan si Aly, dun din ako.

Ella: Paano kung maging sila ni Jovee?

Denden: Wala problema sa kin yon. Basta ba sasagutin niya si Jovee dahil mahal niya, hindi dahil, hindi siya mahal ni Kiefer.

Ella: Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari?

Denden: Ano?

Ella: Yong maka-move on na si Aly from Kiefer, tapos maging sila ni Jovee, and then ma-realize ni Kiefer na in love siya kay Aly.

Denden: Ano ka ba, eh di nag change places lang si Aly at si Kiefer!

Ella: Precisely. Para maramdaman naman ni Kiefer yong hirap na dinaanan ni Aly all these years. Dun man lang, parang nakaganti na si Aly kay Kiefer!

Denden: Ang sama mo talaga!

Ella: Bakit, hindi ka ba naaawa kay Aly?

Denden: Siyempre naman naaawa. But you have to admit, choice ni Aly na mahalin si Kiefer silently. We’ve been trying to convince her to say something to him, pero ayaw niya.

Natahimik kami ni Ella, each absorbed in our own thoughts. Just before I finally fell asleep, napansin kong hindi pa rin bumabalik si Aly sa room.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now