Chapter 17

8.6K 125 6
                                    

Day 3 of Batangas Trip

Nico’s POV
Lazaro Resthouse Laiya San Juan Batangas, 6:30am Wednesday

Von: Good morning Paps.

Nico: Good morning. Gising na ba si Juami tsaka si Kiefer?

Von: Hindi pa. Gisingin mo na si Kiefer, ako na bahala kay Juami. Kelangan na natin magluto ng breakfast bago magising sina Ella.

Ginising na ni Von si Juami, ako naman lumapit kay Kiefer para gisingin na rin siya. Kami kasi ang naka-assign na magluto ng breakfast ngayon. Paglapit ko kay Kiefer, nagulat ako sa naabutan ko. Tinawag ko ng pabulong yong dalawa.

Nico: Von! Juami! Dali! Punta kayo dito!

Nagmamadali namang lumapit sina Von sa kinatatayuan ko.

Juami: Loko tong si Kiefer ah. Sumisimple sa natutulog. Sinong may phone? Kunan ng picture to para may ebidensya.

Tahimik kaming nagtawanang tatlo. Paano ba naman, sa tigas ng pagtanggi ni Kiefer na in love siya kay Aly, eto siya na halos nakayakap naman habang natutulog.

Kinunan ko ng picture sila Kiefer. Hehehe…magandang pang-blackmail to. Lalo na pag sinabi na naman niya na parang kapatid lang ang turing niya kay Aly.

Von: O tama na yan, gisingin na natin to. (yumuko at tinapik si Kiefer sa braso) Paps. Paps, gising na. Uy Kief, bangon na, magluluto pa tayo.

Nagising na rin si Kiefer. Kumunot yong noo niya nung nakita niya kami ni Juami na nakangisi sa kanya.

Kiefer: Ang aga-aga nakangisi na kayo. Anong problema niyo?

Juami: Kami walang problema. Pero pag nagising yang katabi mo at nakita kung asan yang braso mo, baka ikaw ang magkaproblema.

Nico: Masakit pa naman mahampas ng volleyball player, Paps. Para kang bola ng volleyball na inii-spike.

Pinipigilan lang namin tumawa ng malakas kasi baka magising yong mga Girls, pero nakakatawa talaga yong expression ni Kiefer nung napansin niya yong braso niya na nakadantay sa may bewang ni Aly. Nagtakbuhan kami nina Juami sa kusina para mailabas na namin yong pinipigil naming tawa. Maya-maya, sumunod na din si Kiefer sa min.

Von: Paps, ano yong nakita namin ha? Bakit mo naman china-chansingan si Aly?

Juami: Oo nga Paps, wag naman pagtulog. Walang laban yon. Bigyan mo siya ng chance na masampal ka.

Hindi kumikibo si Kiefer. Tahimik lang siyang naghahanda nung lulutuin namin for breakfast. Ang loko, speechless.

Nico: O, bakit tahimik ka? Magpaliwanag ka, hindi yong nagba-blush ka lang diyan.

Kiefer: Hi-hindi ako nagbu-blush noh.

Juami: Hindi nga naman nagbu-blush. Nauutal lang.

Von, Nico and Juami: Hahahaha...

Kiefer: (namula lalo) Ewan ko sa inyong tatlo.

Von: Paps, siguro naman ngayon hindi ka na magdedeny when it comes to Aly? Huling-huli ka na eh.

Nico: Oo nga. Yong subconscious mo na ang dumadamoves, kaya dapat kahit gising ka ituloy mo na.

Juami: Gumaya ka dito kay Von. Tahimik lang pero kung bumakod kay Ella, malupit.

Von: Bakit napunta sa kin ang usapan?!

Nico and Juami: Hahaha...

Denden: Good morning!

Alyssa: Ang saya naman ng tawanan niyo, hanggang labas rinig.

Pumasok sina Denden at Aly sa kitchen. Umupo sila sa table at nagtimpla ng kape. Nagtinginan kami nina Juami at Von. May narinig kaya sila sa pinag-uusapan namin?

Kiefer: Anong klaseng luto ng itlog ang gusto niyo?

Denden: Sunny side up na lang.

Kiefer: Yong buo ang pula? Sige.

Alyssa: Sige ka diyan. Kelan ka pa natuto magluto ng sunny side up na buo ang pula?

Kiefer: Minsan nakakaluto naman ako ng buo yong pula.

Alyssa: Minsan? Sige, push mo lang baka sakali.

Von: Paps, magscrambled egg ka na lang kaya?

Juami, Nico, and Denden: Hahaha…

Tumayo si Aly at lumapit kay Kiefer. Na-guilty siguro sa panga-alaska niya.

Alyssa: Best, tulungan na kita magluto ng sunny side up.

Kiefer: Wag na. Toka namin to. Umupo ka na lang diyan.

Bumalik na si Aly sa mesa at tinuloy yong pag-inom niya ng kape. Tumingin si Juami sa kin at ngumiti. Parang alam ko na kung anong susunod na mangyayari. Lakas talaga ng trip nitong si Juami.

Juami: Ly, kamusta nga pala yong tulog mo? Mahimbing ba?

Alyssa: Okay naman, mahimbing. Bakit?

Nico: Hindi ka ba nilamig? Nung ginising kasi namin si Kiefer kanina, napansin ko wala kang gamit na kumot.

Nakita ko si Kiefer na lumingon at tumingin ng masama sa min. Naramdaman siguro niya kung saan papunta tong usapan na to.

Alyssa: Hindi naman malamig ah. Masarap nga yong weather, mapresko.

Denden: Actually Besh, malamig kaninang madaling araw. Napakumot nga ako bigla eh.

Von: Baka naman kaya hindi ka nilamig Aly kasi feeling mo may nakaakap na sa yo?

Alyssa: Nakaakap? Sino naman ang aaka –

Kiefer: A-aray! Ah! Mainit!

Napaso ata si Kiefer sa sobrang kaba na ibuko namin siya kay Aly. Kinuha ni Aly yong first aid kit at ginamot yong paso ni Kiefer habang kaming tatlo naman sinusubukan pigilan yong mga tawa namin.

Alyssa: Ano ka ba naman Kief, itlog na nga lang yang niluluto mo napapaso ka pa.

*toot toot*

From Denden Lazaro:
Anong nangyayari? Let’s talk outside. Sunod ka sa kin discreetly.

Denden: Besh, labas lang ako. Tatawagan ko lang si Myco.

Alyssa: Okay. I-hi mo na lang ako sa kanya.

Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako nagpaalam na magpupunta ng banyo. Pinuntahan ko si Denden sa may labas ng bahay, dun sa may garden set nila.

Denden: Anong meron?

Nico: Teka, ano muna yong narinig niyo ni Aly kanina?

Denden: Wala. Nung pumasok kami ng kusina, kakadating lang talaga namin. Ano bang nangyari? Bakit parang tense na tense si Kiefer?

Inabot ko kay Denden yong phone ko para makita niya yong kinunan kong picture nina Kiefer at Aly.

Nico: Ayan ang nadatnan ko kanina nung gigisingin ko na si Kiefer para magluto ng breakfast. Tindi diba, kahit tulog chuma-chansing.

Denden: Sabi ko na may gusto talaga tong si Kiefer kay Besh. Tignan mo, binuko na siya ng subconscious niya.

Nico: Oo noh. Tapos nung inasar namin, nag-blush lang ang loko. But unlike before, wala siyang dineny, except yong pagbu-blush niya.

Denden: Do you think this means na gagawa na ng move si Kiefer kay Aly?

Nico: Ewan ko lang. Sana. Alam mo, maswerte na rin tayo. Naging blessing in disguise yong aksidente ni Aly kahapon. Mukhang natauhan ng konti si Kiefer dahil dun.

Von: Oy, tama na kumpirensiya diyan. Handa na yong breakfast. Kain na tayo.

Pumasok na kami ni Denden sa kitchen at umupo sa table para mag-breakfast.

Alyssa: Guys, tumawag si Mama. Ini-invite niya kayong maglunch sa bahay namin mamaya. Ano, game kayo?

Denden and Ella: SURE!!!

Marge: Bakit ang excited niyong dalawa?

Ella: Masarap magluto yong Mama ni Aly eh.

Von: Recommended naman pala. Sige, game din ako.

Juami and Nico: Ako din!

Jia, Mich and Marge: Game!

Alyssa: Best ikaw?

Kiefer: Okay ako. Tagal ko na rin namang hindi nakakapunta sa inyo.

Alyssa: Sige, text ko si Mama na dadating tayo. Nga pala, favor lang. Pwede bang walang magbabanggit nung aksidente ko kahapon? Para hindi na din sila mag-worry unnecessarily.

Everyone except Kiefer: Sure.

Alyssa: Kief, bakit hindi ka sumagot?

Kiefer: Gusto mo ko magsinungaling sa parents mo?

Alyssa: Hindi mo naman kelangan magsinungaling eh. Wag mo lang i-volunteer yong information. Kunwari walang aksidenteng nangyari.


Denden’s POV
Valdez Residence, 11am Wednesday

Alyssa: Guys, gising na! We’re here!

Isa-isa ng nagsigising yong mga kasama namin, umupo ng diretso, kanya-kanyang inat, kanya-kanyang kusot ng mata.

Alyssa: Guys wag niyo kalimutan yong favor ko ha?

Everyone: Yes po!

Bumukas yong front door nina Aly at lumabas yong Mama niya. Sinalubong ni Besh si Tita Lita para magmano at yumakap. Kami naman, nagmamadaling bumaba ng van para batiin si Tita.

Nagmano kami nina Ella at Kiefer kay Tita tapos pinakilala naman ni Aly yong ibang kasama namin.

Alyssa: Ma, yong ibang teammates ko po. Si Marge, si Jia tsaka si Mich. Sila naman po teammates ni Kiefer, si Von, si Nico tsaka si Juami. Guys, Mama ko.

Isa-isa silang nagmano at bumati kay Tita.

Lita: Masyado naman kayong pormal. Tita Lita nalang o kaya Tita. Pasok na kayo, mainit dito sa labas.

Pumasok kaming lahat at naupo sa living room.

Alyssa: Ma, asan po si Papa tsaka sila Kuya?

Lita: Yong Papa mo, may binili lang sandali sa labas pero pauwi na yon. Yong mga kapatid mo naman, asa taas nanonood ng TV. Hayaan mo, papatawag ko.

Lumabas yong helper nina Aly mula sa kusina na may dalang juice.

Lita: Magpalamig muna kayo. Tatapusin ko lang yong pagluluto sa kusina para makapananghalian na tayo. Anak, ikaw na muna bahala sa mga kaibigan mo.

Alyssa: Sige po, Ma.

Lita: O, ayan na pala yong mga kapatid mo.

Napalingon kami dun sa direksyon na tinitignan ni Tita. Pababa ng hagdan sina Kuya Paolo, Kuya Nicko at si Kian.

Paolo: Princess!!!

Nasilip ko yong mukha ni Aly bago siya niyakap ng mga kapatid niya. Sabay-sabay kaming yumuko nina Ella at Kiefer na nakatikom ang bibig, pinipilit namin itago yong mga ngiti namin.

Mich: (bumulong) Anong problema niyong tatlo?

Ella: Inis na inis kasi si Besh pag tinatawag siyang Princess. Kaya kung ayaw niyong mapikon si Aly ng tuluyan, pretend na hindi niyo naririnig yong Princess.

Bumalik na si Tita sa kusina tapos lumapit sa min sina Aly para ipakilala sina Marge sa mga kapatid niya. Maya-maya pa dumating naman yong Papa ni Aly. Umupo sila Tito kasama namin at nakipagkwentuhan.

Nakakatuwa panoorin yong interaction ni Kiefer kay Tito Ruel at sa mga kapatid ni Besh. Sobrang kumportable ni Kiefer kausap sila. Sabagay, ang sabi naman ni Aly, dumadalaw daw talaga si Kiefer dito sa kanila kahit walang okasyon at minsan kahit daw wala siya.

Paolo: Uy Kief, tagal mong hindi dumaan dito. Parang March ka pa ata namin huling nakita.

Nicko: Oo nga. Masyado bang busy?

Kiefer: Sensya na mga Kuya. Medyo naging busy talaga. Nag training kasi kami sa Las Vegas nung April tapos nitong May naman nag-umpisa na yong mga practices namin.

Ruel: Kamusta naman ang preparation niyo para sa UAAP?

Kiefer: Okay naman po Tito. Everyday training na kami ngayon.

Ruel: Naka-adjust na ba kayo na wala si Coach Norman?

Juami: Getting there po. Medyo magkaiba kasi sila ng coaching style ni Coach Bo.

Nicko: May chance ba yong 6 peat?

Nico: We’ll do our best, pero depende yon. Ang dami kasi naming injuries sa team ngayon. Sana maging healthy lahat bago yong opening.

Ruel: Kelan ba opening this year?

Kiefer: Sa June 29 po.

Ruel: Ang aga naman.

Von: May FIBA Asia games po kasi. So may two-week break ang UAAP sa August.

Paolo: So paano Kief, wala ka sa party ni Princess?

Kiefer: Magpapaalam pa ko kay Coach kung pwedeng hindi ako mag-attend ng opening ceremony. Pero palagay ko papayag naman siya kasi Sunday pa yong game namin.

Kian: Kuya Kiefer, laro tayong basketball.

Kiefer: Sige ba. Pero mamaya na lang, after lunch. Dami natin, pwede tayong mag three on three.

Alyssa: Four on four tayo. Sasali ako.

Lita: Tama na muna yang kwentuhan. Luto na yong tanghalian natin. Halika na.

Nagpunta na kami sa dining room. Naupo kami sa lamesa at nag-umpisang kumain ng napakasarap na luto ni Tita. Si Aly naman hindi pa kumakain, masyadong aligaga sa pag-aasikaso sa min.

Kiefer: Best, tama na yan. Kumain ka na rin. We can get our own food.

Alyssa: Ikaw, you can get your own food. Masyado ka ng kumportable dito sa bahay namin. Eh sila?

Kiefer: Matatanda na yang mga yan. Kaya na nila ang sarili nila. Umupo ka na rito. Dali, wag na matigas ang ulo.

Ruel: Princess, tama si Kiefer. Umupo ka na. Pabayaan mo kumuha ng pagkain yang mga kaibigan mo kung gusto pa nila.

Tinignan ni Aly ng masama si Kiefer tapos umupo na rin siya sa tabi nito. Imbis na matakot si Kiefer, natawa lang siya. Pinagsalin niya ng kanin at adobo si Besh sa plato. Naks. Boyfri – este Bestfriend duties ang peg.


Paolo’s POV
Valdez Residence, 3pm Wednesday

Pagkatapos namin mananghalian, nagpahinga lang kaming lahat ng konti tapos pumunta kami dun sa basketball court sa tapat ng bahay namin. Nag-request kasi si Kian kanina kay Kiefer ng basketball game, hindi na nga naka-hindi si Kiefer, dinamay pa niya yong teammates niya. Pero sabagay, masaya rin yong madami. Si Kiefer, si Kian, si Nicko at ako ang magkakakampi, tapos sa kabilang team naman yong mga teammates ni Kiefer tsaka si Princess.

Mga 45 minutes na kaming naglalaro and for some reason kahit kakampi namin si Kiefer, behind kami sa score. Nag-time out sandali sina Princess kasi kelangan niya mag-bathroom break.

Kian: Kuya Kiefer, bakit ka ganyan?!

Kiefer: Bakit?

Kian: Pag si Ate ang nagbabantay sa yo pinapanakaw mo lang yong bola eh. Natatalo tuloy tayo!

Everyone except Kian and Kiefer: Hahaha...

Kiefer: Hindi ko naman sinasadya ipanakaw yong bola. Magaling lang talaga mag-defend yong Ate mo.

Denden: Kian, pagpasensyahan mo na yang si Kiefer. Takot lang yan kay Aly.

Nicko: Bakit ka takot kay Princess? Nangangagat na ba yong kapatid ko?

Kiefer: Hindi naman Kuya, nanghahampas lang. Minsan feeling ata niya bola ng volleyball yong braso ko.

Paolo: Ano ka, battered boyfriend?

Kian: Kayo na ba ni Ate Kuya Kiefer?

Alam naming hindi boyfriend ni Princess si Kiefer. Lagi lang namin siyang inaasar kasi feeling namin nina Nicko at Kian may gusto siya kay Princess. It’s our way of encouraging him to make a move, kaya lang mukhang masyado ata kaming subtle.

Kiefer: Ha? Ah...eh...Hindi noh.

Juami: Naku, paano magiging sila ng Ate mo eh hindi naman nanliligaw yan.

Paolo: Bakit ba hindi ka pa rin nanliligaw kay Princess hanggang ngayon?

Jia: Kuya, okay lang sa inyo ligawan si Ate Aly?

Nicko: Actually hindi. Pero kung si Kiefer ang manliligaw, okay na rin.

Paolo: Pero sa ming tatlo lang yon. Ibang usapan si Papa. Kasi naghahasa ng balisong yon sa sala pag may umaakyat ng ligaw kay Princess.

Marge: Nakakatakot naman pala si Tito.

Nicko: Nag-iisa kasing babae si Princess, kaya bordering on OA yong pagka-protective ni Papa.

Kiefer: Ginagawa talaga ni Tito yon? Parang di naman ata kapani-paniwala.

Paolo: Ginagawa niya yon dati. Pero matagal ng hindi, kasi matagal ng walang umaakyat ng ligaw kay Princess dito sa bahay.

Nicko: Kief, gusto mo bang subukan kung gagawin ulit yon ni Papa?

Everyone except Kuya Nicko and Kiefer: Hahaha...

Alyssa: Sorry, napatagal ako. Resume game na tayo!

Natahimik kami lahat. Hindi namin napansin yong pagdating ni Princess.

Alyssa: Bakit parang nakakita kayo ng multo?

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now